Chapter 19 Para kang pringles, once you pop, you can't stop. I missed you, Love. "Kaya naman pala nagkakamatis ang kutis ni madam!" Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang bigla dumungaw si Marga. Muntik pa kaming magkauntugan dahil nasa uluhan ko lang pala siya't nagbabasa ng text sa 'kin ni Sid! "Bruha ka!" bulalas ko. Nasa mini-forest kami at naghihintay ng ibang mga signatories para sa clearance namin. Patapos na ang semester kaya't abala ang lahat sa patungo't parito kakapapirma ng clearances. "Sus! Ang damot mo pagdating kay Fafa Sid. Nakikikilig na nga lang ako sa love life n'yo, pinagdadamot mo pa!" Inirapan ko siya. Ugali niya talaga magbasa ng mga mensahe sa cellphone ko. Minsan nga mas nauuna pa siyang magbasa. Kunwari hinihiram niya kasi makiki-text lang, 'yon pala na