Marahas na pinalis ni Aleigh ang kanyang mga luha, ayaw niyang ipakita sa kung sinumang iyon ang kanyang pagiging mahina. Ilang buntong-hininga ang kanyang ginawa bago humakbang papasok. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok ay narinig na niya ang malakas na sigaw ni Lacim sa loob.
“Who the hell are you?!” umaalingaw-ngaw na sigaw mula sa loob ng bahay ni Lacim ang nagpatakbo kay Aleigh papasok. “Sino ang nagbigay ng pahintulot sa'yong pumunta dito?”
Malalim na bumuntong-hininga ang babaeng maliit lang na ngumiti sa kanya. Marahan na itong naupo sa sofa kahit hindi pa ito inaaya. Naka boxer lang ang lalaki nang lumabas sa kanyang silid. Hinahanap niya si Aleigh na wala sa kanyang tabi nang idilat niya ang kanyang mga mata.
“Tell me, who are you?!” muling sigaw ni Lacim na umaahon na ang namumuong galit sa dibdib.
“Sino ako sa tingin mo na papapuntahin dito ng Mom mo?” makahulugang tanong ng babae sa kanya, humalukipkip pa ito sa kanyang harapan habang may mapaglarong mga ngiti sa kanyang labi. Gumalaw-galaw ang gilid ng labi nito na muling nabaling sa half naked niyang katawan, “Legal tayo sa pareho sa ating pamilya at alam mo iyon, hindi naman siguro masama na magtungo dito ang future wife mo hindi ba?” wika pa nitong sumandal ang likod sa sofa.
Agad na bumagal ang nanlalalim na hinga ng lalaki. Kilala niya na kung sino ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Mabilis niyang naalala ang mensahe ng kanyang kapatid na babae ng nagdaang gabi. Ngayong naririto ang fiancee niya, alam niyang alam na rin ng ina ang lihim niya.
“Get out of here, Eurice!” may awtoridad at puno ng poot na kanyang sigaw, “Please, get out! Hindi pa ako pumapayag sa kalokohan niyong kasal kaya hindi mo ako matatawag na fiancee.”
“Really?” mapang-asar na tanong ng babae sa binatang hindi na alam ang kanyang gagawin, “I’s been ages ago since we are set-up, ikaw lang naman iyong hindi nakakaalam ng bagay na iyon.”
“Eurice, p-please.” he pleaded, especially when he saw the moving shadow of Aleigh nearby.
“No, ayoko.” mariin nitong tugon na iginala pa ang mga mata sa kabuohan ng sala ng bahay, “Kakarating ko lang tapos itataboy mo na ako kaagad? Anong klase kang lalaki, Lacim?”
Namilog ang mga mata ng binata nang makitang tahimik na nakatayo na si Aliegh sa sulok ng kanyang mga mata. Mabilis niya itong nilingon na bahagyang na-estatwa sa kinatatayuan niya. Saglit na naghinang ang kanilang mga mata, hindi na alam ni Lacim ang kanyang gagawin sa pagiging seryoso ng kasintahan nang mga oras na iyon. Blangkong nakatingin lang ito sa kanya.
“Please Eurice, umalis ka na.” mas mahina niyang usal na nasa kay Aleigh pa rin ang mga mata.
“Bakit ako?” sarkastikong tanong ni Eurice kay Lacim na nakatingin na rin kay Aleihgh ng mga oras na iyon, “Bakit hindi iyang babaeng parausan mo ngayon ang paalisin mo nang maayos na magkausap naman tayo? Hindi mo ako pinuntahan sa hospital.” anito pang marahang tumayo at wala sa malanding ipinulupot ang isang kamay sa kanyang beywang, “First meet natin ito.”
Mabilis na napaigtad si Lacim sa kanyang kinatatayuan, at kisap-mata rin ang bilis ng kanyang ginawang paglayo sa babaeng malakas lang siyang pinagtawanan. Ilang sandali pa ay mariin nitong ginulo ang kanyang buhok na nauwi sa kanyang marahas na pagsabunot sa sariling ulo. Hindi na maitago pa ang kanyang pagkairita sa babaeng halos sumira ng magandang umaga.
“I said get out of here, Eurice!” muling sigaw ni Lacim na ikinabura ng mga ngiti ni Eurice sa kanyang mukha, “Mahirap ba iyong intindihin? Hindi kita pakakasalan, naririnig mo ako?!”
“Lacim...” mahinang sambit ni Eurice na mababakas ang pagkapahiya sa kanyang mukha, “Hindi mo iyan gagawin, nagkasundo na ang pamilya nating dalawa at ikakasal tayo kahit ayaw mo.”
Nagkatunog ang mga lihim na hikbi ni Aleigh, ang marinig ang pangalan ng dalagang bisita ay nagbigay sa kanya ng malungkot na alaala. Kilala niya ang babae, kaya ito pamilyar sa kanya. Walang imik at walang lingon-likod siyang pumasok sa abandonadong magulong silid ng lalaki. Tila ipo-ipong nagbihis at nagpalit siya ng kanyang sariling damit. Dinig na dinig niya pa rin sa loob ang paulit-ulit na pagpapalayas ni Lacim kay Eurice sa kanyang tahanan. At dinig na dinig niya rin ang pagmamatigas nitong pamimilit sa kanyang nobyo na hindi siya doon aalis.
“Gusto mong kaladkarin kita palabas?!”
“Sige gawin mo, gawin mo kung kaya mo!” malakas na sigaw ni Eurice sa labas ng silid.
“Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yong hindi ako magpapakasal sa'yo! Huwag kang mapilit!”
Unti-unting bumalong ang mga luha ni Aleigh nang marinig ang paksang iyon ng dalawa. Pakiramdam niya ay niloko siya, pakiramdam niya ay ginamit lamang siya ng binata noon.
“At bakit hindi ako?” hamong tanong ng dalaga sa kanya na hinihingal pa sa kanyang paghinga, “At iyang maruming babae na iyan ang ihaharap mo altar?” malakas na itong humalakhak kahit na wala namang nakakatawa, “Hindi mo ba alam na malandi iyan, kagaya ng nanay niya?”
Mariing kinagat na ni Aleigh ang kanyang pang-ibabang labi, hindi niya na kaya pa iyong tagalan.
“ Huwag ka ngang magsalita na parang kilala mo siya, Eurice.” ani Lacim na mas napikon pa sa kanyang mga sinabi, humila na siya ng damit upang isuot sa kanyang sarili. “Ikaw ang umalis!”
“Oo tama ka, kilala ko nga siya!” sigaw nito pabalik sa lalaki na halos mabanat na ang mga litid sa kanyang leeg, bagay na ikinakunot ng noo ng binata habang nakatingin dito. “Naririnig mo ako? Kilala ko siya! Kilalang-kilala ko ang madungis na budhi ng babaeng parausan mo!”
Natigilan si Aleigh sa kanyang ginagawa. Bumabangon ang kaba sa kanyang dibdib na naninikip.
“Sige, paano mo siya nakilala?” mayabang na hamon dito ni Lacim na ngumisi pa sa kanya.
Patuloy na humikbi si Aleigh, hindi iyon ang bagay na inaasahan niyang mangyayari sa muling pagkikita nila ng dati niyang kaibigan at kababayan. Hindi iyon ang pagkakakilala niya sa babae.
“Kaklase ko siya noong highschool kami. Infact ay naging kaibigan niya ako.” simula ni Eurice na balikan ang nakaraan nilang lumipas na, “Nagkasakit ako noon at pagbalik ko ay may iba na siyang kaibigan. Ganyan ang babaeng iyan mapagkunwari, umakto siyang hindi ako kilala.”
Marahas na pinahid ni Aleigh ang mga bakas ng kanyang luhang umagos pababa sa kanyang mukha. Hindi niya mapaniwalaan na mali ang pagkakaintindi ng dalaga sa gusot nila sa nakaran. Anak siya ng mayaman sa kanilang bayan. Ayaw niya kay Aiza na kanyang kaibigan kaya niya ito nilayuan. Ni hindi siya nakahingi ng sorry noonKay Eurice dahil kaagad na rin itong umalis. Ni minsan sa kanyang buhay ay hindi siya nag-acting na hindi niya ito kilala. Palaisipan rin sa kanila kung bakit ito umalis ng lugar. Maraming nagsasabi na pumunta sila ng Manila para doon na ito mag-aral ang ilan naman ay may hinuhang dinapuan siiya ng malubhang karamdaman noon.
“Hindi ganyan si Aleigh, bakit hindi ka niya papansinin kung magkaibigan kayo?”
“Kasi mangggamit iyan, pera mo lang ang habol niyan hanggang sa kanyang maubos.”
“Nagkakamali ka sa bagay na iyan, Eurice.” natatawang saad ni Lacim sa kanya, “Mali ka.”
Hindi na sumagot ang babae sa kanya. Tahimik na sinuklay ni Aleigh ang kanyang magulong buhok at isinuot ang kanyang flat na sapatos. Naninikip na ang kanyang dibdib sa sakit. Kung nang nagdaang gabi ay nasa alapaap siya, ngayon naman ay nasa putek at basang lupa na siya.
“Babe, where are you going?” natitigilang tanong ni Lacim nang makita ang ayos ng dalaga.
Nilingon niya ang binata at pilit siya ditong ngumiti. Sinulyapan niya ang babae na nakatingin na rin sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi niya maiwasan itong punahin sa mga pagbabago ng kanyang itsura sa nakalipas na mga taon. Malaki man ang ipinagbago nito may bakas pa rin ng inosenteng Eurice sa mukha nito na dati ay isa sa labis niyang pinahalagahan sa kanyang buhay.
“I’ts beemn a while, Eurice.” pilit ang ngiting sambit ni Aleigh habang nakatingin sa babae, saglit niyang nilingon si Lacim na nagmamasid pa rin sa kanyang reaction. “You changed a lot and it’s been a while.” pag e-english niyang hindi alam kung tama pa ang kanyang grammar.
Nanatiling nakatingin ang mga mata ni Aleigh kay Eurice na nakatitig lang rin sa kanya. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata sa nakaraan na panandalian nilang pinagsaluhan noon pa man.
“Babe...” ungot ni Lacim na lumapit pa sa may kanyang banda.
Naging dahilan iyon upang mapait siyang ngumiti at ibaling ang mga mata sa kanyang nobyo.
“Uuwi na ako Babe, you should talk to her.” marahang turo niya kay Eurice, nagawa niyang ikubli sa binata ang kanyang mapait na pakiramdam, “Tawagan mo nalang ako mamaya.”
“Hindi ka aalis!” sambit ni Lacim na kaagad binalot ng kakaibang takot ang buong sistema, bago pa makapag-react si Aleigh ay sinugod na siya nito nang mahigpit na yakap, ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kanyang nanlalamig na mga kamay. “Tayo ang kailangang mag-usap, Babe.”
Marahang umiling si Aleigh, sa mga oras na iyon ay nais niyang mapag-isa. Hindi niya gustong makausap muna ito o makasama pa nang matagal. Hindi niya na kayang magpigil pa ng luha.
“Uuwi na ako,” aniyang pilit na kinalas ang kanyang hawak sa kanyang palad, “Let me go home today Lacim, kailangan kong magpahinga at makapag-isip nang maayos. Hayaan mo akong umalis.” patuloy na pakiusap niya sa lalaking mabilis lang na umiiling sa kanyang mga sinabi.
“Hindi ka aalis,” paulit-ulit na sambit ni Lacim na niyakap pa siya nang mas mahigpit, iba ang tumatakno sa isipan ng lalaki sa mga oras na iyon. “Hindi mo kokopyahin at gagayahin ang naging kalokohan noon ni Freya!” bakas na sa tinig niya ang labis na pag-aalala para sa kanya.
Nagsimulang bumagsak muli ang mga luha ni Aleigh na hindi niya na nakayanan pa. Marahan niyang tinapik-tapik ang likuran ng lalaki at ginantihan na ang yakap nito sa kanyang mahigpit.
“H-Hindi naman ako tatakas o maglalayas,” bahagyang natatawang sambit niya sa nasasaktang tinig, alam niyang iyon ang inaalala ng binata sa mga oras na iyon. “Uuwi lang ako sa bahay.”
Malakas na pumalakpak si Eurice na para sa kanila habang umaahon sa kanyang inuupuang sofa, hindi niya mapigilan ang sariling matawa sa kanyang nasaksihan ngayon na kalokohan ng fiancee niya. Hindi niya maikubli ang selos na kanyang nararamdaman ngayon, nagustuhan na niya ang binata sa unang kita pa lang niya sa larawan nitong ipinadala kanyang sariling ina. Mula ng araw na iyon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na anumang mangyari ay pakakasalan ito.
“You should talk to your Mom, Lacim.” mas mahina at mas soft ang tono ng boses nito, ilang saglit lang iyong nagtagal dahil napalitan iyon ng anino ng multo ng awa sa bawat sulok ng kanyang mga mata. Alam niya nag value ng isang babae, at para maging masaya siya bilang asawa nito ay dapat na matutunan din siyang mahalin ng lalaki na kagaya ng pagmamahal niya. “Kung talagang mahal mo ang babaeng iyan at hindi mo kayang mawala ay ipaglaban mo sa kanila.” walang lingon-likod itong naglakad palabas ng sala ngunit pagkaraan ng ilang hakbang ay muli siyang lumingon sa kanila, “Babalik ako bukas ng umaga,” saad nito bago tiningnan si Aleigh na hindi na makatingin sa kanya, “At sana ay wala na dito iyang babaeng parausan mo.”
Nang mawala ito sa kanilang paningin ay doon na malakas na umiyak ang dalaga. Hindi niya matanggap na ang lalaking kanyang mahal at palaging kaniig ay nakalaan na pala para sa iba.
“I am sorry, Babe.” paulit-ulit na sambit ni Lacim habang humihigpit pa rin ang yakap nito sa kanya, nilalamon ng konsensiya ang kanyang loob dahil sa tagal ng tinakbo ng kanilang relasyon ay hindi niya iyon nabanggit sa kanya. “Hindi kita iiwan nang dahil sa kanya, hindi kita iiwan.”
Kahit na masakit at walang assurance na gagawin iyon ng nobyo para sa kanya ay paulit-ulit na tumango si Aleigh habang ibinuburo ang kanyang mga mata sa basa na sa luhang dibdib nito. Paulit-ulit siyang tumango kahit na may mga plano nang naglalaro na kanyang gagawin sa oras na umalis siya sa pamamahay ng binata. Bagay na nagdadalawang isip siya kung tama ng ba.
“Naiintindihan mo ako, Aleigh?” tanong muli ni Lacim sa kanya na pilit hinuhuli ang malikot niyang mga mata. Ilang sandali pa ng kanyang pagluha ay inabutan siya nito ng isang basong tubig. “Mahal kita Aleigh, kaya ipaglalaban ko ang pag-ibig natin sa kanila. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin.” malalim na hininga ni Lacim, kahit na gusto niya ng damayan ang pag-iyak nito ay hindi niya ginawa. Pilit niyang tinanggal sa mukha ng nobya ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa pisngi nito nang dahil sa basa niyang luha. “Hindi mo gagayahin noon ang mga kalokohang ginawa ni Freya, hindi ka tatakas upang ibigay ako sa iba at hangarin ang mahabang kasiyahan ko sa piling niya.” dagdag niya pang muling niyakap nang mahigpit ang dalaga, nasasaktan na rin siya. “Hindi ka magpaparaya para sa iba, maging madamot ka pagdating sa akin. Ipagdamot mo ako dahil pag-aari mo ako, ipagdamot mo ako sa kanila, pakiusap Aleigh.”
Paulit-ulit na tumango ang dalaga sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa mukha ng lalaking labis na minamahal niya. Niyakap niya ito nang mahigpit. Pinakinggan ang marahang t***k ng dibdib.
“Oo, magiging selfish ako pagdating sa‘yo.” wika niyang malawak na ngumiti sa kanya, “Mahal kita kaya bakit kita iiwan at ibibigay sa iba?” tanong niya sa bahagyang pumiyok na bose, lalo niya pang niyakap nang mahigpit si Lacim. Patunay na hindi niya iyong ibibigay sa iba. “Hindi kita iiwan at hindi ako tatakas. Hindi ako lalayo para ibigay ka kay Eurice. Hindi ko gagayahin ang ginawa noon si Freya. Ipagdadamot kita Lacim, sa akin ka lang. Hindi ka niya na makukuha.”
Patuloy na namalisbis ang mapait na luha ni Aleigh. Alam niya na kahit anong angkin ang gawin niya sa lalaki, ay mananatiling pag-aari pa rin ito ng iba. Pag-aari ng babaeng pinipili ng sarili nitong pamilya para sa kanya. Hanggang hindi sila kasal, hanggang walang papel na patunay.
“Sa akin ka lang Lacim, sa a-akin ka lang.”
Lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak na sinabayan ng ulan sa gitna ng mataas na sikat ng araw. Patuloy na bumalong iyon na sa kanya ay labis nang nakakasakal. Alam niya sa sarili na kahit ilang milyong beses niya pang sambitin na sa kanya lang ito ay wala pa rin siyang panghahawakang matibay na katibayan upang tuluyang angkinin ang buong pagkatao nito.
“Papakasalan kita Aleigh, pakakasalan kita sa lalong madaling panahon.” pangako nito sa kanya, magaan siyang hinalikan ng binata sa kanyang humihikbi pa ‘ring labi. “Papakasalan na kita para tuluyang maging pag-aari mo na ako. Sa papel, sa mata ng maykapal at sa mata ng lahat, Babe.”
Paulit-ulit na tumango ang dalaga. Pilit niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na tutuparin nito ang kanyang pangako sa kanya. Umaasa siyang magagawan ito ng paraan ng kanyang kasintahan. Umaasa siyang magagawa siya nitong pakasalan, bago pa ito magawang ikasal sa iba.