Matamis siyang ngumiti sa sinabi ng lalaki. Pilit niyang ikinubli dito ang kakaibang lungkot na naramdaman sa pamamagitan ng pagak at mahinang pagtawa. Inilapit niya dito ang mukha at magaan niyang muling hinalikan ang namumula nitong labi, lumalim pa itong muli.
“Mahal na mahal kita Lacim,” madamdaming ulit niya na ilang beses pang hinalikan ang labi ni Lacim na patuloy pang lumalalim, “Palagi mo sana iyong tatandaan, Babe.”
Tumango-tango ang lalaki sa kanyang mga sinabi. Ilang sandali pa ay siniil na siya nito ng halik na punong-puno ng umaapaw na pagmamahal at pagnanasa, kasabay iyon ng marahang ungol at mga pagdaing na sa kanilang bukas na bibig nanggagaling.
“Mahal na mahal rin kita, Aleigh.” tugon nito sa pagitan ng sabik na sabik nilang mga halik.
Ipinagpatuloy pa nila ang ikatlong pagniniig sa loob ng malawak na banyo ng lalaki. Saksi ang bathtub, ang maingay na shower, ang buong banyo sa nag-aalab nilang pagtatalik. Sa kanilang bawat sarap na nararamdaman ay naroon rin ang sakit ng nakabuhaghag na katotohanan. Hindi man nila amining dalawa, hindi man nila iyon ipakita ngunit nananatili iyon sa kanilang dibdib.
“Walang magbabago, mananatili tayo kung ano tayo ngayon.” muli pang saad ni Lacim na marahang ipinasok na ang kanyang sarili sa madulas na lagusan ng babae, “Walang bibitaw sa ating dalawa.”
“Oo, w-wala.” tugon ni Aleigh na nasa kabilang ibayo na dala ng kanilang ginagawa, “Wala, Babe.”
Nakailang bukas at sara pa ng kanyang mga mata si Aleigh bago niya tuluyang marinig ang malakas at sunod-sunod na tunog ng nang-iistorbong doorbell. Nilingon niya ang nobyo sa kanyang tabi na nahihimbing pa rin sa pagtulog. Payapa itong nakapapikit, mahinang humihilik yakap ang isang unan at nakaharap sa kabilang dereksyon ng kama. Marahan siyang tumagilid upang humarap sa nobyo, inayos niya ang comforter na nagtatago sa kanilang hubad na katawan. Maliit siyang ngumiti at inilagay ang kamay ang kamay sa batok nito at marahan iyong hinagod-hagod.
“Babe?” mahina niyang tawag niya dito sabay yakap nang mahigpit, muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. “Iyong doorbell mo, kanina pa nag-iingay.” dagdag siya sa kanyang turan.
Umungol lang ito bilang tugon sa kanya. Ilang sandali pa ay humarap ito sa banda niya at mahigpit siyang binigyan ng yakap. Lalo niya pang isiniksik ang katawan sa kasintahan nang maramdaman ang init ng katawan nito. Hindi niya maiwasang muling mag-init sa pagkiskis ng kanilang hubad na balat.
“Babe?” muli niyang tawag dito na hinawakan pa ang magkabilang pisngi, tiningnan niya ang nakapikit nitong mga mata at ang payapa pa rin nitong mukha. “Iyong doorbell mo, ako na ba?”
Hinila ng lalaki ang comforter na bahagyang bumaba sa katawan. Mahigpit pa siya nitong niyakap, hindi pa rin sumagot. Malawak na napangiti ang dalaga, nalulunod pa rin sa pagmamahal ng lalaki.
“Babe?” hawak niya sa tungki ng ilong nito, pinadausdos niya ang hintuturo pababa sa labi nitong bahagyang nanunuyo. Wala sa sarili niya iyong inabot at hinalikan, “Ako na ang lalabas?”
“Hmmn?” tugon nito na inilapit pa ang mukha sa kanyang mukha, halatang tulog pa rin ang diwa.
Muli itong humilik kasabay ng hindi tumigil at paulit-ulit na pagtunog ng doorbell. Iinot-inot at tinatamad na bumangon ang dalaga mula sa pagkakahiga. Hinagilap niya ang tali ng kanyang mahabang buhok na nasa maliit na lamesita. Isa-isa niyang dinampot ang ang mga saplot at walang salita iyong isinuot. Hindi niya mahanap ang kanyang t-shirt na hindi niya alam kung saan inihagis ng kanyang kaniig. Walang imik niyang kinuha ang t-shirt na hinubad ng lalaki at iyon ang isinuot niya.
“Teka lang naman!” iritable niyang saan nang marinig pa ang paulit-ulit na tunog ng doorbell, naiirita noon ang pandinig niya. Umikot ang kanyang mga mata sa ere, muli pa siyang sumigaw kahit na malabo naman siyang marinig nang kung sinumang tao na nasa labas ng tahanan ng binata. “Akala mo naman ay emergency, may lakad ka ba ha? Akala mo naman ay hindi pagbubuksan!”
Mataas na ang sikat ng araw, pumapasok na ang mga sinag noon sa bintana ng silid na bahagyang nakabukas ang saradong salamin. Isang sulyap pa ang ibinigay niya sa lalaking natutulog pa rin sa kanyang magulong kama. Bago niya talikuran ang binata ay ngumiti siya ng maliit bago muling sumampa ng kanyang kama. Siniil niya ng halik ang labi ng walang malay na lalaki. Lalo pa siyang napangiti nang gumanti ito ng halik at yakap sa kanya kahit na nakapikit pa rin ang mga mata.
“Babalik ako agad,” sambit niya na mabilis ng bumaba ng kama at malalaki na ang mga hakbang.
Kunot-noong binuksan ni Aleigh ang main na pintuan ng tahanang iyon. Tuloy-tuloy siyang lumabas patungo sa malayo nitong bakal na gate. Lalo pang nangunot ang kanyang noo nang makitang isang magandang babae ang nakatayo doon at naghihintay na siya ay pagbuksan ng nakakandadong gate. Hindi maiwasan ng dalaga na bahagyang tumikwas ang gilid ng kanyang labi, naisip niya na siguro ay isa na naman ang babaeng iyon na galing sa nakaraan ng nobyo. Naka off shoulder maroon dress ito na lalo pang nagpatingkad sa kaputian nitong taglay. May partner na red heels na mayroong mataas na takong. Wala sa sarili niyang hinagod ng tingin ang kanyang sarili. Naka loose shirt siya at naka-cycling short lang rin, na pang ilalim sa kanyang sinuot na pantalon na ginamit papunta sa lugar.
“Bakit?” wala sa saariling alanganin niyang tanong sa babae, “Sinong kailangan?”
Walang imik siyang sinipat ng tingin ng babae mula sa ulo hanggang paa, ngumiwi ito at umiling sa kanya. Nahihiyang hinagod ni Aleigh ang kanyang magulo pang buhok nang mapansin ang mga tingin iyon. Pamilyar sa kanya ang babae, hindi niya lang maalala kung saan niya ito unang nakita.
Hindi naman maikakaila ang pagkagulat ng mga mata ng panauhin na nakatingin sa kanyang mukha. Sa loob nito ay hindi siya makapaniwala na makikita niya ang babaeng bahagi ng kanyang nakaraan sa lugar na hindi niya inaasahang makikita ito. Nais niya sana itong yakapin, kumustahin, ngunit nang may napagtanto sa itsura ng babae ay hindi niya na iyon itinuloy pa. Mukha ‘ring hindi siya kilala ng babaeng minsan ay pinagsabihan niya ng mga sikreto at kanyang naging matalik na kaibigan.
“Nasa loob ba si Lacim?” matabang na tanong nito sa kanya na ang tono ay hindi nagustuhan ni ALeigh, “Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Ganundin ang aking mga messages sa kanya.”
Mabilis itinulak ng walang modong babae ang bakal na gate, hindi pa man nakakasagot si Aleigh sa kanya ay walang imik nang pumasok ito sa loob ng bakuran ng tahanang pag-aari ng kanyang nobyo.
“Teka lang Miss—sandali lang!” nagkukumahog na habol ni Aleigh sa babae na huamhakbang na patungo sa nakabukas na pintuan, nang hindi ito tumigil ay mahigpit niya nang hinawakan ang isang braso nito. Hindi niya maikubli ang pagbangon ng pagkairita sa kaharap na babae. “Sino ka ba sa akala mo? Tresspasiing ang ginagawa mo, wala ka pang pahintulot na pumasok mula sa may-ari!”
Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagya siyang inirapan. Bagay na hidni napaghandaan ni Aleigh na magiging reaction nito. Sa loob-loob ng nasabing babae ay wala pa ‘ring ipinagbago ang kanyang dating kaklase o sabihin na dati niyang kaibigan. Hindi siya nito kilala o namukhaan man lang. Nang-aalipusta na ang kanyang mga matang ipinukol dito. Agad na sumayaw ang kanyang maikling buhok nang bahagya itong umiling. Nakalarawan sa mukha nito ang labis na pagkadismaya kay Aleigh.
“How cheap, pinapatunayan mo lang ngayon kung ano ang punong pinagmulan mo.” bulong nito na agad tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak ni Aleigh sa kanyang braso, “Nakakalungkot lang na makita kang ganito na. Bayaran ka na rin ngayon na kagaya ng naging trabaho ng iyong ina noon. Hindi ko alam na ganito kababa ang uri ng mga babaeng parausan at inuuwi sa bahay ni Lacim.”
Agad na kumulo ang dugo ni Aleigh sa tinuran nito. Hindi niya matanggap na sinabihan siya nitong parausan lang at lalong hindi niya maatim na ikinumpara siya nito sa kanyang ina walang kwenta.
“Sino ka ba sa kala mo ha?!” hindi niya na napigilang isigaw iyon, mapang-asar pa siyang tumawa. “Kung makapagsalita ka ay akala mo kilala mo ako. Bakit ikaw ba ang magiging asawa ni Lacim?!”
Tanong na dapat ay hindi niya na itinanong pa sa estrangherong babae dahil ang naging sagot nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang sakit sa kanyang pusong nasa loob ng kanyang dibdib.
“Yes, hindi ka diyan nagkakamali, Miss.” anitong malawak na ngumisi, “Ako ang long time fiancee ng lalaking kinakalantari mo. Baka lang hindi mo alam o nakalimutan mo tuwing magtatalik kayong dalawa sa tahanang ito na sa sausunod na mga taon ay magiging pag-aari ko na rin.”
Kung kanina ay kumukulo ang dugo ng dalaga, ngayon naman ay halos matuyo na ito sa litanyang binitawan sa kanya ng kaharapa na babae. Narinig niya na sa bibig ni Freya noon ang lihim na fiancee ng kanyang kasintahan, hindi lang siya naniwala sa kalokohan nito dahil sa akala niya ay nagbibiro lang ito o pinaglalaruan lang siya ng babaeng mahilig na mang-asar sa kanya.
“O, bakit ganyan na ang reaction mo?” tanong nitong malakas na humalakhak.
Mabilis na umatras si Aleigh, hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng babaeng nasa harap.
“Nagulat ka ba?” mapang-uyam nitong tanong na lalong nagpa-urong ng kanyang dila, “Naputol ko ba iyong ambisyon mo na mabilis na makaahon sa hirap?” humalukipkip pa ito sa kanyang harapan, naisip ni Aleigh na hindi siguro nito alam na natagpuan niya na ang kanyang sariling ama. Sa twisted nga lang at sa masakit iyon na paraan. “Gold digger ka!” bulong nito na muli siyang tiningnan nang masama mula ulo hanggang paa. “Ganito ba ang trabahong naisip mo para ka yumaman? Cheap.”
Titig na titig sa kanya si Aleigh. Palaisipan na sa kanya kung sino ang babaeng ito na tila kilalang-kilala siya. Kahit anong hanap at apuhap niya ay hindi niya ito lubusang maalala, hindi niya kilala.
“Aww, sorry parausan ka nga lang pala ni Lacim sa mga panahong nais niyang maglabas ng init ng katawan. Watch out Girl, kapag ikinasal na kami ay sa basurahan ka niya iwanan. Kawawa ka naman kapag nagkataon, wala ng pupulot sa’yo.” muli itong tumawa, nang-iinsulto pa rin iyon. “Paano ka pa yayaman niyan ngayon? Nandito na ako, kukunin ko na ang lalaking mag-aangat sa hirap sa'yo.”
Tumalikod na ito sa kanya upang pumasok sa loob ng bahay, wala na siyang nagawa upang pigilan ang babaeng makapsok sa loob ng bahay. Habang pinagmamasdan niya itong pumadok sa pinto ay kasabay noon ay ang paninikip ng kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay sinundan iyon ng pagbaba ng kanyang masaganang mga luha. Bigla na lang na hindi niya na alam ang gagawin, hindi niya alam kung paano lalaban sa babae. Wala siyang maapuhap na lakas para gawin iyo. Hindi niya inakala na sa masayang araw na iyon ng kanilang buhay ay magtatapos na ang kanyang relasyon sa nobyo na ilang taong minahal. Relasyon na magkasama nilang inalagaan, pinausbong at magkatulong na diniligan.