Chapter 4

2788 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw, muling bumalik si Eurice sa tahanan ni Lacim only to find out na wala na doong tao. Bumalik sa condo unit niya si Lacim na pansamantalang inabandona niya. Sa unang gabi niya doon ay binisita siya ng kanyang kapatid na babae na abot tainga ang ngisi.   “Kumusta kapatid, anong nangyari sa pagkikita niyo ni Eurice?” tanong nitong ibinagsak na ang katawan sa sofa ng kanyang unit hindi niya pa man ito iniimbitahang maupo doon, “Kwento ka.”   Hindi niya ito pinansin, tinalikuran niya lang iyon at nagtungo na sa kanyang silid. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama, nag-iisip pa rin ng paraang nais niyang gawin nila ni Aleigh.   “Hindi mo sasabihin sa akin kung anong nangyari sa inyo?” sungaw ng ulo ng ate niya sa pintuan ng kanyang silid na nakabukas, “Pinapunta ako dito ni Mom, para kumustahin ka. Siya nga pala pumunta sa bahay si Eurice kahapon, ang sabi niya ay may babae ka na ibinabahay. Tunay ba?”   Tinalikuran niya ito at hindi pinansin, hinila niya ang kumot at itinaklob iyon sa kanyang mukha. Ayaw niyang makipag-usap sa kanyang kapatid tungkol sa mga ganitong sitwasyon, ayaw niya dahil alam niyang wala itong maiitutulong. Lalo lang nitong palalalain ang kanyang sitwasyon.   “Umalis ka na Ate, sabihin mo kay Mom na hindi pa rin ako magpapakasal sa kanya.”   “Pero Lacim, matagal na panahon ng pinag-usapan iyon at isa pa ay—”   “Hindi ba ako pwedeng tumanggi?” pagputol nito sa kanya na mabilis bumangon ng kama, “Bakit niyo ba ako pinipilit na magpakasal sa kanya? I have a girlfriend, at mahal ko siya!”   Naburo ang mga mata ng kanyang kapatid sa kanya, hindi ito makapaniwala na matigas pa rin nag ulo ng kanyang kapatid pagdating sa mga bagay na gusto para sa kanya ng sariling pamilya.   “Malaki na ako, hindi na ako bata!” mariing saad niya na nagpupuyos na galit ang buong itsura.   “Easy, easy!” halakhak ng kanyang Ate na nagmamadali ng lumayo sa kanyang silid, “Napag-utusan lang ako ni Mommy na pumunta dito. Makaalis na nga, see you kapatid.” layas nito.   Malalim na bumuntong-hininga si Lacim nang marinig niya ang pagsarado ng main na pintuan ng kanyang unit. Pagkatapos na ayusin ang gulong buhok ay lumabas na siya ng kanyang silid. Tinungo niya ang fridge at humila mula sa loob nito ng isang can ng beer, binuksan niya iyon at walang tigil iyong nilaklak. Humakbang siya patungo sa veranda ng kanyang unit. Tumingin siya sa kalmadong langit, ilang sandali pa ay naburo na ang kanyang mga mata sa kumukutitap na mga ilaw ng city na unti-unti ng nabubuhay sa kinatitirikan ng building kung nasaan ang condo unit niya matatagpuan. Ilang beses pa siyang bumuga ng hangin, sa paraang iyon ay gumagaan ang kanyang pakiramdam na ngayon ay mabigat na mabigat. Hindi na alam ang gagawin niya.   “Hello?” sagot niya sa cellphone na ilang beses nang nagva-vibrate, si Mico iyon ang isa sa kanyang mga kaibigan at kasusyo sa ilan niyang mga negosyo. Maingay ang background music ng lalaki, doon pa lang ay alam niya ng nasa gimikan ang kaibigan. “Bakit ka napatawag, Dude?”   “Hey, Dude, nandito ako sa paborito nating bar ngayon.” natatawang sambit nito, sa paraan ng kanyang tinig ay alam niyang nakakainom na ng ilang bote ng alak ang kanyang kaibiga, “Punta ka ngayon dito Dude, wala akong kasama.”   Kung isa sa mga normal na araw iyon ay kanina pa siya lumipad patungo doon kahit na hindi siya nito imbitahan. Ngunit ang gabing iyon ay kakaiba, nais niyang magsolo ng makapag-isip.   “Passed, Dude, maaga pa ang aking lakad bukas.” pagsisinungaling niya sa kaibigan kahit wala naman siyang lakad na maaga, bukod sa pagpasok niya nang normal sa kanyang opisina.   “Sige, Dude,” wika ni Mico na halatang ini-enjoy na ang malakas na music sa background.   “Alright, ingat ka diyan Dude.” maikling tugon ni Lacim sa kanya, “See you tomorrow.”   “Alright, Dude.”   Ginugol ni Lacim ang kanyang natitirang oras sa pag-iisip ng paraan at solusyon ng problema ng gabing iyon. Hindi pa siya nakuntento at tumawag siya kay Julian upang istorbohin lamang ito.   “Dude, alam mo namang nasa honeymoon ako ngayon!” iritableng sagot ng kaibigan niyang si Julian sa kanyang tawag pagkaraan ng ilang beses na kanyang pagtawag dito, sa kanilang apat ay si Julian lamang ang nakakaalam ng totoong relasyon niya kay Aleigh, hindi niya ito binanggit pa kay Mico dahil alam niyang makakarating lang iyon kay Froylan. Hindi naman sa nais niyang ilihim ang lahat, ayaw niya lamang na magkaroon ng gulo at alitan ang kanilang buong tropa. “Ano ba ang problema mo Lacim?” muling tanong ni Julian na akala mo labis na naistorbo nito.   “Dude, anong gagawin ko?” hinga ng malalim ni Lacim pagkatapos na bigkasin ang katanungan niyang iyon, “Nahuli kami ni Eurice,” alam ni Mico at Julian ang tungkol sa babae noon pa man.   “Tapos?”   “At alam na rin ni Aleigh na may lihim akong fiancee, Dude.” nanghihina ang tinig na saad ni Lacim, “Dude, I am getting insane. Hindi ko alam kung maayos kami, umiyak siya noong—”   “Dude, anong gusto mong gawin niya magpakasaya?” pilosopong kaagad na pagputol sa kanya ni Julian, malakas pa itong tumawa sa kabilang linya. “Syempre magugulat iyon, dahil hindi mo sa kanya sinabi. Ang mabuti pa ay suyuin mo siya, mabilis mo lang namang mapapaamo iyon.”   “Julian sino iyan?” tinig iyon ni Freya na ngayon ay legal na niyang asawa, natapos na ang mga napagdaanan nilang unos sa kanilang relasyon, “Si Mico, si Lacim o si Kuya Froylan?”   “Si Lacim,” maikling tugon ni Julian dito na kaagan na ikinahilot ni Lacim sa kanyang sentido ang mga salitang kasunod nitong sinabi sa kanyang asawa, “Tapos ka na bang maligo?”   “Dude, I have to go!” wika na lamang ni Lacim na nagmamadali niya ng pinatay ang tawag sa kaibigan, hindi niya na hinintay pang sumagot ito. Alam niyang istorbo siya ngayon sa dalawa.   Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Lacim pagkatapos niyang kumain ng hapunan. Habang kanyang pinagmamasdan ang mga larawan nilang dalawa ni Aleigh sa kanyang cellphone ay isang idea ang kanyang naisip. Solusyon iyon na ginamit noon ni Julian sa iba nga lang paraan. Hindi niya alam na darating siya sa punto ng kanyang buhay na gagawin rin ang bagay na iyon.   Samantalang si Aleigh ay nagpatuloy sa kanyang buhay nang nananatiling lihim pa rin ang lahat. Nagpatuloy siyang makisabay sa agos habang nasa tahanan nila, pumasok siya sa trabaho niya na tila maayos lang ang lahat. Hindi niya ipinahalata sa kapatid at magulang na mayroong mali. Kinabukasan ng araw na nahuli sila ng fiancee ni Lacim ay nagmungkahi sa kanya ang nobyo ng isang plano, plano na ayon sa binata ay siyang magliligtas sa kanilang relasyon na dalawa. Plano na noong una ay ayaw niyang gawin at sang-ayunan dahil nakakaramdam na siya ng konsensiya.   “Babe, hindi kaya magalit nito si Itay at Inay kapag nalaman nila ang bagay na gagawin natin ng sekreto? Paano ang Mommy at Daddy mo? Hindi ba sila magagalit sa’yo na nagdesiyon ka ng ganito para sa ating dalawa?” mahinang bulong niya habang kausap ang binata sa cellphone, nag-aalala siya na marinig ng tinuring niya ng ina. “Hindi kaya lalong lumala ang sitwasyon?”   “Saka na natin iyon problemahin kapag nasa punto na tayong iyon, Babe.” balewalang saad ni Lacim sa kanyang kasintahan ang mahalaga ngayon ay magawan na natin iyon ng paraan.”   Hindi na nagsalita pa si Aleigh, nakinig na lang siya sa mga sinabi nitong kailangan nilang kuning mga papeles upang ma-iproseso na ang nakaplano nilang sekretong kasal, na tanging silang dalawa lang ang nakakaalam. Hindi man aminin ni Aleigh ay excited rin siya sa plano nilang iyon. Pasimple niyang inasikaso ang mga papel na kailangan nila habang pumapasok siya sa kanyang trabaho, walang nakapansin noon hanggang sa sumapit na ang araw mismo ng kanilang kasal.   “You looked tired and bothered, Aleigh.” puna ng kanyang Kuya Froylan sa kanya habang nasa hapag sila at kumakain ng agahan, araw iyon ng kanilang kasal pero lingid iyon sa kanilang kaalaman. Hindi iyon sinabi ng dalaga sa kanila na sinadya nilang ilihim na dalawa ni Lacim. “May problema ba ngayon sa iyong trabaho o kumpanya?” follow up pang tanong ni Froylan.   Mabilis ang naging pag-iling ng dalaga sa kanyang kapatid, malawak siyang ngumiti nang mag-angat na ng tingin ang kanyang mga magulang na matamang nakikinig lang sa kanilang dalawa. Nang tumama ang kanyang mga mata sa kanila ay nakaramdam siya ng kakaibang konsensiya, na kaagad din namang nawala nang isipin niyang para iyon sa ikakatatahimik din nilang lahat.   Hapon ng araw na iyon ang plano nilang kasal ni Lacim, civil lang din iyon. Sila-sila lang ang makakaalam. Si Mico ang tatayong kanilang saksi, si Aleigh, si Lacim at ang kaibigan na pari. At ang isipin ang mangayayaring iyon ay nagbigay ng malungkot na pakiramdam sa dalaga, nais niyang ikasal na suot ang gown, nais niyang marahang maglakad patungo sa magiging asawa. Nais niyang ipaalam sa lahat na masaya siya, at hindi siya nagsisisi na sumagot ng oo sa nobyo. Subalit ang pangarap niyang iyon ay malabong matupad sa mga oras na iyon, imposible ito.   “Wala, Kuya Froylan.” sagot niya na nilakipan pa iyon nang mahina niyang pagtawa, “Inaantok pa ako kung kaya naman ay mukha ako ngayong lutang.” palusot niya pang saad sa kanyang kapatid, “Kailan pa ba nagkaroon ng problema ang kumpanyang ipinamana na sa akin ngayon ni Itay?” balik niya ng tanong sa kapatid na maganang kumakain ng mga oras na iyon, “Tumawag na po ba si Freya, Inay?” baling niya na sa katabi na pilit niyang iniiba ang paksa na ng usapan.   “Naku hindi pa,” tugon ng Ginang sa kanya, “Baka mamaya pa iyon tatawag dahil siguradong pagod iyon sa kanilang naging biyahe patungong Hongkong. May ipapasabi ka ba sa kanya?”   “Wala naman po, Inay.” tugon niya ditong itinuloy na ang mabagal niyang pagkain.   Halos kakaalis lang rin ng bagong kasal na si Freya ng bansa patungong Hongkong, kasama ang bago nitong asawa na apo ng dating amo ni Aleigh na si Julian. Bago pa man niya malaman na kapatid siya ni Freya at Froylan sa labas at umayos ang kanyang buhay ay namasukan muna siyang isang katulong ng mga Velasco. Sa mga panahong iyon ay hindi niya pa alam ang tagong sekretong iyon. Nagustuhan siya ng matandang Velasco at hindi nagtagal ay naging caregiver siya nito na hindi nagtagal ay kinikilala niya na ‘ring isa sa kanyang kapamilya. Kaya lang ay namahinga na ito sa mundong kanilang ginagalawan, ilang taon na rin ang nakakaraan noon.   “Naninibago lang po ako na hindi siya kasama sa hapag tuwing umaga,” dagdag niya upang kumbinsihin ang mga magulang nilang alam niyang may namumuo nang paghihinala sa kanya.   Nagkibit-balikat lang ang mga nakarinig noon at ipinagpatuloy ang kanilang pagkain.   “Aleigh, may lakad ka ba ngayon pagkatapos ng iyong trabaho?” si Ycel ang asawa ni Froylan.   “Oo, may company dinner kami ng mga employee ko.” walang gatol at tahasan niyang kaagad na pagsisinungaling sa kanyang hipag, “Bakit?” nilingon niya Froylan na tumingin rin sa kanya.   “Wala naman, magpapasama lang sana ako sa’yong may bilhin sa department store.”   “Bukas na lang, ayos lang ba?” tanong niya na alanganin pa iyong sabihin sa kanya.   “Sige, bukas na lang Aleigh.” nakangiting tango ni Ycel sa kanya bilang pagsang-ayon.   “Thursday pa lang ngayon may company dinner kayo?” mapaghinalang tanong ni Froylan sa kanyang kapatid, hindi na bago sa kanila ang mga dinner na kasama ang kanilang employee, ngunit madalas nilang gawin iyon ng Friday dahil kinabukasan nito ay wala na silang trabaho.   Mabilis na ngumuso sa kanya si Aleigh, halos lumabas na ang kanyang puso sa dibdib nang dahil sa kanyang labis na kaba. Hindi siya sanay na magsinungaling ngunit para kay Lacim ay nagawa niya iyong gawin sa kanyang pamilya. Lalo na sa kanyang Kuya Froylan na kaibigan pa ni Lacim.   “Bakit, hindi ba pwedeng manglibre ng pagkain at dinner kapag Thursday, Kuya Froylan?” tanong niyang tiningnan ang kanilang mga magulang na nakatingin na sa kanilang dalawa.   “Nakakaduda ka sa bandang iyan, Aleigh.” pagak na pang-alaska pa ng kanyang Kuya Froylan, madalas silang kumain doon ng agahan kahit pa may sarili na silang tahanan ng asawa nito.   “Anong nakakaduda naman doon, Froylan?” tanong na ng kanilang ama pagkatapos na uminom ng tubig, “Ang pangit at dapat na pagdudahan ay kung mayroong ginagawa siyang kabalbalan.”   “Ano ba naman iyang pinag-uusapan niyo umagang-umaga?” puna na rin ng ilaw ng tahanan, “Bilisan mo na Aleigh kumain at late ka na sa trabaho, paano ka nila igagalang kung ganyan ka?”   Narinig ng dalaga kung paano mahinang tumawa si Froylan sa sinabi ng kanilang ina sa kanya. Walang pakundangan niyang sinimangutan at ilang saglit pa ay inirapan na niya ang kanyang kapatid. Bagay na mahina ‘ring ikinahagikhik ni Ycel na nakakita sa pagiging isip-bata niya pa.   “Itay, si Kuya Froylan oh.” sumbong ni Aleigh nang makitang bahagya siyang dinilaan ng kapatid, nang-aasar pa ang mga mata nito. “May asawa na pero ang isip-bata pa rin, nangdidila sa akin.”   Malakas na nilang ikinahagikhik ang litanya niyang iyon.   “Hay naku, kayong mga bata talaga kayo.” si Felia na naiiling sa nag-aalaskahang mga anak niya, “Kailan ka ba mag-aasawa Aleigh? Tingnan mo, inunahan ka na ni Freya.” anito pa sa kanya.   “Mom, kailangan munang maghanap ng boyfriend ni Aleigh bago siya magkaroon ng asawa.” si Froylan na namumula na ang mukha sa kanyang malakas na pagtawa, inaasar pa rin niya na wala itong boyfriend kahit na ang totoo ay alam niyang mayroon naman. Ayaw niya lang sa lalaki. “Wala pa nga siya noon.”   Malakas na nasamid sa kanyang iniinom na tubig si Aleigh, nang marinig ang sinabi ng kapatid. Alam niya na mayroon silang kasunduan na ililihim ang lahat, ngunit hindi niya inaasahang hanggang ngayon ay gagawin iyon ni Froylan. Lalo pa siyang naubo at halos malunod na sa tubig sa sunod na sinabi ni Ycel sa kanya.   “Nandiyan naman si Lacim, Aleigh, huwag ka ng masyadong lumayo pa.” nakangising wika ni Ycel na tumingin pa ng mayroong kahulugan sa kanyang asawa, bagay na mariing ikinailing ni Froylan. “Hindi ba at buto ka naman sa iyong kaibigang si Lacim para kay Aleigh, Froylan?” dugtong pa nitong natatawa na ng mahina.   Mabilis ang naging pag-iling ni Froylan sa naging katanungan ng kanyang asawa, bumalik ang kanyang mga mata kay Aleigh na mayroong ipinapahiwatig. Ayaw niya sa ideyang iyon ni Ycel kahit pa alam niya sa kanyang sarili na iyon nga ang lihim na kasintahan ng kanyang isang kapatid na babae. Ayaw niyang mangyari dito ang mga pinagdaanan ni Freya sa kaibigan niyang si Julian. Ganunpaman, naniniwala naman siyang mahal ito ni Lacim kung mangyayari lang na ayusin nito ang buhay nilang dalawa.   “Tama na iyan, wala ba kayong mga trabaho ha?” tanong ng kanilang ama na tiningnan pa sila.   Kaagad silang natahimik doon at ipinagpatuloy ng tahimik ang kanilang pagkain hanggang matapos iyon. Pagkatapos magpaalam ay nagmamadaling umalis na sina Froylan at Ycel.   “Papasok na po ako sa trabaho, Itay.” paalam ni Aleigh sa kanyang ama na niyakap pa ito nang mahigpit, “Inay, aalis na po ako!” sigaw pa nito sa ilaw ng tahanan na kasalukuyang nasa banyo. “Huwag niyo na po akong hintayin sa dinner, baka rin po umagahin na ako ng uwi mamaya. Holiday po bukas, wala pong trabaho kung iniisip niyo ang trabaho ko.” dagdag niya pa dito.   “Mag check in ka nalang sa hotel Aleigh mamaya kung hindi mo na kayang umuwi,” pahabol ni Felia sa dalaga na sa mga oras na iyon ay pasakay na ng kanyang sasakyan, “Mag-iingat ka hija.”   “Opo Inay, hindi po ako magda-drive pauwi kapag nalasing ako.” kaway niya sa mag-asawang inihatid siya ng kaway at mga tingin, “Sorry po, kung sa mismong araw na ito ay nagsinungaling ako sa inyo. Tatanggapin ko po ang magiging galit niyo sa akin sa nakatakdang panahong iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD