Nakailang hugot pa ng malalim na buntong-hininga si Lacim habang dilat na dilat ang kanyang mga mata. Paulit-ulit niyang tinatanggal ang kamay at binti ni Julian na nakadantay sa kanyang katawan. Mahina niyang hinilot ang kanyang sentido. Lasing pa siya sa mga oras na iyon at kulang din siya sa tulog nang dahil sa katabing kaibigan. “Ano ba iyan, doon ka naman sa kabila humarap!” maarte niyang saad na itinulak pa palayo ang mukha nitong mahimbing natutulog pa, tumutulo ang laway nito. “Kadiri ka!” Umungol lang nang mahina sa kanya si Julian. Wala pa ‘ring pakialam sa kung saang lugar na naman nag kanyang kinaroroonan. Hinila niya ang comforter at ibinalot iyon sa kanyang bahagyang nilalamig na katawan. Muli itong yumakap sa katawan ni Lacim. “Dude, umusog ka naman!” aniyang pilit pa rin