Chapter 6

2879 Words
Naging masaya ang unang linggo ng dalawa bilang mag-asawa, madalas silang magkita sa labas ng kanilang opisina. Pagkikita na nauuwi lang sa mainit at umaatikabong labanan nila sa kama. Bagay na unti-unti ng nakakasanayan ni Aleigh, at lalo pa iyong labis na nagustuhan ni Lacim. Kagaya ng kanilang inaasahan walang nakapuna ng panibangong singsing na suot nila, maging ang pamilya ni Lacim at Aleigh. Naging normal lang ang bagay na iyon sa kanilang mga mata.   “Aleigh, kailan ka free?” muling tanong ni Ycel sa kanya habang kumakain sila ng breakfast, araw ng sabado iyon at walang pasok sa trabaho ang babae, “Samahan mo ako sa depertment.”   Mabilis na nagtaas ng paningin niya si Aleigh at lumipad iyon sa kapatid niyang Froylan na maganang tahimik na kumakain, nakapantulog pa ito dahil sa bahay na iyon sila natulog na mag-asawa nang nagdaang gabi. Wala na ang kanilang mga magulang na nagpaalam sa kanilang pupunta sa Hacienda nilang iniwan muna ni Freya pansamantala. Mayroon silang harvesting ngayon ng mga prutas, nais sanang sumama ni Aleigh kaya lang late na siya nang magising.   “Kuya Froylan, may lakad ka ba ngayon?” sa halip na tanong niya sa kapatid.   Kanina niya pa napapansing hindi nagpapansinan ang mag-asawa, bagay na naisip niyang normal na sa kanilang mag-asawa. Hindi rin magawang tingnan ni Ycel ang kanyang katabi.   “Mayroon.” tipid nitong tugon na uminom na ng tubig.   “Saan Kuya Froylan?” usisa pa rin ni Aleigh sa kapatid na tumatayo na bitbit ang kanyang pinggan, “Sandali, may tampuhan ba kayong dalawa?” natatawa nang tanong niya sa kanila.   Wala siyang natanggap na sagot mula sa tanong niyang iyon, bagay na kanyang ikinatawa.   “Ano na namang pinag-awayan niyo?” muli niya pang tanong nang humakbang na si Froylan patungo ng kanilang lababo upang dalhin ang pinggang pinagkainan at baso, “Napapadalas.”   Hindi pa rin nagsalita ang mag-asawa, ni magkomento sa kanyang tinuran ay hindi nila ginawa. Binuhat ni Aleigh ang baso ng tubig at uminom na rin doon habang nakapako ang mga mata sa hipag na kaharap niyang marahang kumukurap ang mga mata habang pilit na nilulunok ang pagkaing nasa kanya pang bibig. Kilala niya na ang hipag, kapag nag-away sila ng Kuya Froylan niya ay bini-bent nito ang sama ng loob sa pamamasyal nito sa department store. Hindi na bagong bagay para sa kanilang mga mata ni Freya. Madalas pa ay si Freya ang kasama nito doon. Inaaya siya nito ngayon siguro dahil nasa honeymoon state pa si Freya sa Hongkong.   “Wala akong gagawin,” talunang saad niya na nagpa-angat ng mukha ni Ycel mula sa plato. “Sasamahan kitang mag-shopping today.” ngiti niya pa sa hipag na napilitan nang tumango.   Bahagya pang tumikhim si Froylan bago umalis sa kanilang dining room, alam ng lalaki na sa bandang huli ay ikukuwento pa rin ni Ycel sa kanyang kapatid ang pinag-awayan nila ng asawa. Bagay na hindi na rin bago, nakasanayan na rin nila iyon na sa dulo ng araw ay naaayos rin nila.   “Ano na namang kalokohan ang ginawa sa’yo ni Kuya Froy?” usisa na ni Aleigh habang lulan sila ng sasakyan, siya ang nagmamaneho nito at nasa passenger ang tahimik pa rin niyang hipag. “Hangga’t hindi third party ang pinag-aawayan niyo ayos lang iyan, hindi kayo maghihiwalay.” komento niya pang malakas ng ikinahagalpak ng tawa ni Ycel na ikinakunot ng noo ni Aleigh.   “Hindi mangyayari ang bagay na iyon sa amin,” wika nito sa unang pagkakataon.   “E ano bang pinag-awayan niyo ngaypn?” muling usisa ni Aleigh na naiiling na sa reaction nito.   “Nangako siya sa aking mamamasyal kami, e mayroon pala siyang kikitaing kliyente today.”   “Sabado?” tanong ng dalagang may pagdududa sa kanyang tono, “Kailan pa naging workaholic iyon nang sobra na kahit weekend ay kakailanganin niyang kumayod para sa inyong dalawa?”   “Iyon na nga, kaya nagtatampo ako.”   Hindi na nagsalita pa si Aleigh upang gatungan ang pagdududang nabubuo sa isipan ng hipag.   “Baka naman iyong kliyente niya ay ngayon lang may oras upang makipag-meet,” alo niya pa.   “Iyon na nga rin lang ang iniisip ko ngayon.” malalim na hinga ni Ycel na nasa kalsada ang mata, “Ako rin naman ang talo kapag pinilit ko siyang huwag pumunta. Maaapektuhan ang work niya at magagalit siya sa akin nang matagal kapag hindi naging maayos ang trabaho niya.” dagdag pa nitong para kay Aleigh ay maunawaing sobra, bagay silang naging mag-asawa ng kapatid niya.   “Ate Ycel, masaya ba ang buhay may asawa?” wala sa sariling tanong ni Aleigh sa hipag niya na agad naman nitong ikinalingon sa kanya, naramdaman niya ang mataman nitong pagtitig pa sa kanyang mukha. Mabilis siyang kumurap-kurap nang maramdamang nakatitig pa rin ang mga mata nito sa kanya, “I mean, hindi ba nakakasawa na palagi kayong nagkikita sa pagdilat ng inyong mga mata?” nilakipan niya iyon ng pagak na pagtawa upang ikubli ang pagkailang niya.   “Mag-aasawa ka na rin ba, Aleigh?” sa halip ay tanong nito sa kanya, bagay na hindi niya napaghandaang itatanong sa kanya ng hipag niya. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. “May boyfriend ka na ba?” natatawa na nitong tanong sa kanya, “Wala ka pang ipinapakilala.”   Hilaw siyang ngumiti, agad niyang naramdaman ang pamumula ng kanyang buong mukha.   “M-Maghahanap,” nauutal niyang saad habang nagiging malikot na ang mga mata.   “Hindi ka pa pwedeng magpakasal ngayong taon Aleigh, magsusukob kayo ng kasal ni Freya.” dagdag pa ni Ycel na naging dahilan upang mabilis na mapa-preno si Aleigh sa narinig niya.   Nanlalaki ang mga mata ni Ycel na humawak sa handle ng sasakyan nang dahil sa ginawa nito. Abot-abot ang kanyang kaba dahil ang akala niya ay sasalpok na sila sa likod ng kotse sa una.   “Aleigh, careful!” bulalas niyang bakas na sa mukha ang labis na takot.   “Sorry,” hingal sa paghingang wika ni Aleigh na sumbog pa ang mahabang buhok sa mukha.   Ilang minuto pa ang lumipas, nagpalit na silang dalawa ng pwesto na noong una ay ayaw ni Aleigh. Si Ycel na ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan nilang dalawa patungo ng Mall.   “Sorry talaga, Ate Ycel.” hinging muli ng paumanhin ni Aleigh sa kanya.   “Ayos lang, kumalma ka na diyan.” marahang tapik pa nito ng isang kamay sa blikat ng dalaga.   Habang nagsho-shopping ang dalawa ay lutang naman ang isipan ni Aleigh na lumilipad patungo sa salitang sinabi ni Ycel sa kanya. Hindi niya maintindihan ang salitang sukob, o siguro alam niya ito tapos hindi lang niya naisip. Bagay na patuloy siyang binagabag hanggang umuwi na sila. Hanggang sa hapunan ay lutang ang kanyang isipan, bagay na napuna ni Froylan sa hapag.   “Anong nangyari sa kaniya, Hon?” tanong pa nito kay Ycel na halatang okay na naman silang dalawa, “Pumunta lang kayo ng Mall pagbalik niyo ay nagkaganyan na iyan.” patuloy pa nito.   “Hindi ko rin alam, may nasabi yata akong hindi niya nagustuhan.” tugon ni Ycel sa asawa.   “Anong sinabi mo sa kanya?”   “Tungkol sa kanyang pag-aasawa, sabi ko huwag susukob kay Freya sa taong ito.”   “Bakit? May boyfriend na ba iyan na kanyang pakakasalan?”   “Malay mo mayroon, mukhang may thing sila ni Lacim.”   Natahimik na sandali doon si Froylan, hindi sa ayaw niya kay Lacim na kanyang kaibigan para sa kanyang kapatid kaso ay nadala na siya kay Julian na sinaktan lang nito si Freya nang malala. At alam na alam niya ang likaw ng bituka ni Lacim pagdating sa mga babae, parang underwear lang ito kung magpalit. Bagay na ayaw niyang maranasan ni Aleigh sa mga kamay nito. Higit itong malala kay Julian na nagawa lang magsinungaling tungkol sa kanilang kasal. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang kayang gawin ni Lacim para masaktan ang isa niyang kapatid.   “Huwag si Lacim,” tahasang pagtutol ni Froylan dito pagkaraan pa ng ilang minuto.   “Hon, hindi naman ikaw ang magde-decide sa bagay na iyan.” counter sa kanya ni Ycel.   “Basta huwag siya, Aleigh pu-puwede pang si Mico o Rain sa mga kaibigan ko huwag lang si Lacim.” mariing muling pagtutol ni Froylan, “Ayokong masaktan ka sa bandang dulo nito.”   Bagay na hindi narinig ni Aleigh dahil aabala ito sa mariing pagtusok ng kanilang ulam na manok na nakalagay sa kanyang plato. Habang ginagawa niya iyon ay lumilipad pa rin ang kanyang isipan sa kasalan nilang naganap ni Lacim. Noong mga nakaraang buwan lang ng taong iyon nagpakasal si Freya at Julian, nang nagdaang taon naman ay si Ycel at ang kanyang Kuya Froylan. Noon niya lang naalala na nakipagtalo pa si Freya sa mga magulang nila sa kagustuhan nitong maunang ikasal siya. Doon napagtanto nitong iyon ang tinatawag na sukob na ngayon niya lang napagnilayan. Hindi niya tuloy alam ang kanyang gagawin, siguradong magagalit ang kanyang mga magulang sa desisyong nagawa niya na, maging ang dalawang kapatid. Malalim siyang humugot ng hininga, lalo pang bumigat ang pakiramdam niya sa mga bumabagabag.   “Aleigh, ano bang problema?” usisa na sa kanya ni Froylan na naninibago sa katamlayan niya.   “Wala Kuya Froylan,” tugon niyang muling humugot ng malalim na hininga, “Magpapahinga na ako.” aniyang tumayo na at humakbang bago pa muling makapagtanong sa kanya sai Froylan.   Ibinagsak niya ang patang katawan sa kanyang kama, ilang minuto siyang tumitig sa kisame ng kanyang silid. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin sa mga oras na iyon. Siigurado siyang register na ang kasal nilang dalawa ni Lacim, bagay na hindi niya na magagawang baguhin pa. Pagkaraan ng ilang minuto pa ay kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang larawan ng kasal nilang dalawa ni Lacim na sinend nito sa kanyang email. Ilang sandali pa ay ini-scroll niya ang numero ng kanyang asawa, ngunit hindi niya magawang i-dial iyon at kausapin ito ng tungkol doon. Ayaw nitong isipin niyang nagsisisi na siya sa sekretong pagpapakasal nilang dalawa.   “Anong gagawin ko ngayon?” tanong ni Aleigh sa kanyang sarili na ipinikit pa ang mga mata, nakikinita na niya ang galit ng kanyang buong pamilya sa pagkakamaling iyon na ginawa niya. “Tiyak magagalit sa akin si Itay, naging makasarili ako at kaagad na pumayag sa kasal na ito.”   Ilang minuto pa siyang natahimik doon, muli niyang ini-angat ang kanyang cellphone na nasa screen pa rin ng kasal nilang dalawa ni Lacim. Muli siyang humugot ng malalim na hininga at unti-unting bumangon. ini-scroll niya na ang kanyang cellphone hanggang sa umabot iyon sa numero ng kanyang asawa. Ilang minuto pa siyang nag-alangan kung tatawagan niya ba ito o hahayaan na lang na panahon na ang magdesisyon sa kanilang dalawa. Sa bandang huli ay mas pinili na lang niyang tawagan ito at sabihin sa lalaki ang suliranin na kanyang dinadala ngayon.   “Ang matiwasay na pagsasama ng mag-asawa ay nagsisimula sa kanilang pagiging matapat.” console pa ni Aleigh sa kanyang sarili, “Kailangang maging matapat kaming dalawa ni Lacim.”   Kaagad na nangunot ang noo ni Aleigh nang hindi niya ito matawagan, kasalukuyang busy ang linya ng cellphone ng kanyang asawa. Nagkibit lang siya ng balikat, naisip niya na isa sa mga kaibigan lang nito ang kanyang kausap sa mga sandaling iyon. Muli niyang ini-scroll ang screen ng kanyang cellphone hanggang sa umabot iyon sa numero ni Freya, maliit siyang ngumiti dito.   “Maistorbo nga ang honeymoon nilang dalawa,” natatawa na niyang saad sa kanyang sarili na idina-dial na ang numero ng kanyang busong half sister at pinsan, “Magagalit kaya siya sa akin?”   “Hello?” ilang minuto pa ay sagot ng babae sa kanyang tawag.   “Freya, kumusta na kayo diyan?” magaang tanong ni Aleigh na bumaba na sa kanyang kama, marahan siyang humakbang patungo sa bintana ng kanyang silid. Marahan niyang hinawi ang kurtina ng bintana upang tunghayan ang tahimik na gabi na nagsisimula pa lang, “Miss na kita.”   “Ano bang problema niyong dalawa ni Lacim?” sa halip ay bulalas nito sa kanyang naging katanungan, bagay na hindi niya inaasahang sasabihin nito sa kanya. “Istorbo talaga kayong dalawa sa amin kahit na kailan!” dagdag pa nitong nakikita na ni Aleigh ang inis sa kanyang mukha, maliit na napangiti si Aleigh doon niya napagtanto na kaya hindi niya matawagan ang asawa ay kausap pala nito ang kanyang kaibigan. “Kausap siya kanina pa ni Julian at ikaw heto tumawag rin na tila ba napag-usapan niyong dalawa na iistorbohin kaming dalawa ngayon.” malakas na iyong ikinatawa ni Aleigh, kaagad nitong napagaan ang namimigat na damdamin.   “Nangungumusta lang naman ako,” giit ni Aleigh na hindi pa rin mapawi ang ngiti sa labi, “Masama ba iyon ha? Mabuti nga at naalala kitang tawagan despite of my busy schedule.”   “Busy my foot,” pambabara na sa kanya ng kapatid, “Kung busy ka talaga ay hindi mo ako magagawang istorbohin ngayon at hindi ka makakahanap ng oras para mag-mall ni Ate Ycel.”   Alam niyang nakita na naman nito ang larawan nila sa social media.   “Sabagay nga naman, iyong pinagkakaabalahan mo ay kausap ang asawa ko ngayon.” dugtong pa nito sa tonong nang-aasar, hindi niya alam kung bakit malakas ang radar ng kanyang kapatid.   “Dami mong alam, Freya.”   “Keysa sa’yo na marami ngang alam pero nagpapanggap na wala naman.” pamimikon pa nito.   Malakas lang iyong ikinatawa ni Aleigh, hindi niya na rin iyon pinansin pa. Kung saan-saan pa napunta ang usapan nilang dalawa hanggang sa sinabi nitong tapos ng mag-usap sina Julian.   “Pwede mo na siyang istorbohin ngayon,” patuloy nitong pang-aasar.   Hindi niya maintindihan kung bakit noon pa man ay binibiro na siya ni Freya kay Lacim. At ito naman siyang shunga, hindi pa man siya nirereto dito noon ay may namumuo nang pagtingin.   “Goodnight, Freya.”   “Goodnight rin Aleigh kahit na alam kung ang usapan niyo ay aabutin ng umaga.”   “Baliw!” bulalas niyang pinatayanan na ito ng tawag.   Pagkababa niya sa tawag ay di-nial niya na ang numero ni Lacim ngunit laking surpresa niya na hindi niya iyon makontak, at ang sinasabi ng operator nito ay wala raw signal ang numero nito.   “Baka nag-empty ang kanyang battery.” hinuha niyang kinalma ang kanyang sarili.   Nang mga sumuonod na araw ay na-busy si Aleigh sa mga meeting at conventions na ginawa ng kanilang kumpanya. Nagkaroon din sila ng team building kung kaya nakalimutan niya si Lacim. Once in a while ay tinatawagan niya ang numero nito, nagri-ring iyon at kapag ilang ulit na ay nawawalan na ng signal. Bagay na kanya ng ipinag-alala, pero kinukumbisi na lang niya ang sarili na kapwa sila busy ng asawa. Martes ng hapon nang ito na mismo ang tumawag sa kanya.   “Babe pasensiya na, sobrang dami ng ginagawa ko ngayon.” pagod ang tinig nitong saad, “Sorry sa mga unanswered calls and messages, huwag mo sanang isipin na nakalimutan na kita.”   Kaagad na lumambot ang damdamin ni Aleigh doon, alam niyang hawak ng binata ang kanilang mga negosyo. Mabigat na responsibilidad na ini-atang sa kanya ng kaniyang pamilya dahil may tiwala sila sa lalaki. Kagaya na lang ng pagbibigay ng clothing line sa kanya ng sarili niyang ama.   “Naiintindihan kita, Babe.” tanging saad ni Aleigh sa kanya, hindi niya na sinabi sa asawa ang tungkol sa sukob na kasal nila kina Freya, naisip niyang makakadagdag lang iyon ng pressure.   “Salamat, Babe.”   “Iyong marriage contract natin kapag dumating ay saan natin ilalagay?” tanong niya na iniiba na ang usapan nilang dalawa, nalulungkot siya pero mahal niya. Nais niya ng maraming oras pero hindi siya pwede ditong mag-demand. “Sa vault na lang nasa condo unit mo, Babe?”   “Sige, kapag dumating ay pumunta ka na lang sa unit ko.” kaagad na pagsang-ayon ni Lacim, “Alam mo naman ang password noon hindi ba? Kagaya lang rin ng password ng unit ko.”   “Sige, Babe, magpapahinga ka na ba?” nakangiting tanong dito ni Aleigh.   “Oo, can you come over on the weekend, Babe?” lambing nitong ikinakagat ni Aleigh sa labi.   “Saan?” kunwa’y hindi niya alam.   “Sa unit ko, Babe.”   “Ayaw mo sa malaki at tahimik na bahay?”   “Hindi muna ako pupunta doon.” tugon nito na alam ni Aleigh ang tunay na rason.   “O sige.”   Biyernes ng pangalawang linggo ng pagiging mag-asawa nila ay dumating ang marriage contract nila na sa opisina ni Aleigh, after lunch ng araw na iyon ay nasa table niya na ang envelope nito.   “Babe, nandito na sa akin ang certificate.” iwan niya ng voicemail dito dahil nang araw na iyon ay hindi na naman ito makontak, “Pupunta ako sa condo unit mo after work, doon na rin ako matutulog ngayon.Weekend na bukas kaya pwede na tayong magsamang dalawa. Ipagluluto kita ng iyong dinner, see you later, Babe, alright? Take care, I love you and I miss you so much.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD