Habang papalapit nang papalapit ang hapon ay hindi na mapakali si Aleigh sa loob ng kanyang opisina. Maya’t-maya ang tingin niya sa orasan kagaya na lang ng maya’t-mayang tawag ni Lacim sa kanya upang i-check siya na hindi magbabago ang isipan niya sa kanilang planong napagkasunduan na. Hindi na makapaghintay pa ang binata na maitali na habangbuhay ang kanyang kasintahan sa kanyang pangalan. Ilang beses na rin siyang sinabihan ni Mico na kung labag iyon sa kanyang kalooban ay huwag ng itong ituloy pa dahil baka magaya lang ito kay Julian noong nalaman na iyon ng halos lahat na nauwi sa panghuhusga sa kakayahan ng binata.
“Concern lang naman ako sa’yo Dude, ayaw kitang magaya kay Julian na nahulog sa sarili niyang patibong.” mariing diin pa ni Mico sa huling salita nito na halatang may hang-over pa sa itsura ng kanyang mukha namumutla at halatang kulang sa tulog, “Ikaw din ang matatalo at masasaktan sa bandang huli nito.” masama na siyang tiningnan ni Lacim, “I mean kayong pareho ang masasaktan sa mga pinagagawa niyong kalokohan. Hindi naman kami, Dude.”
“Mahal ko siya, at hindi naman peke ang magiging kasal naming dalawa na kagaya nang ginawa noon ni Julian.” giit ng binata sa kaibigan na inaalala ang kasalanang ginawa ni Julian noon sa asawa na nito ngayon, ang siste ay iyon pala ay kasal na legal na kagagawan ng kanyang Lola na yumao na. Ang buong akala lang nila ay peke, it turns out na sinabotahe iyon ng Lola nito para maging legal ang pagiging mag-asawa nila ni Freya. “Magkaiba naman kaming dalawa, at isa pa ay ilang buwan lang naman naming ililihim ito. At kapag naging maayos na sa amin ang lahat ay pakakasalan ko na siya sa lahat ng simbahan kung gugustuhin niya. Ganun ka-simple, Dude.”
Pagak na tumawa si Mico, makahulugan niyang tiningnan ang kaibigan na akala mo madali lang ang paraan na gagawin nito. Ang hindi niya alam ay mahirap na sitwasyon ang papasukin niya. Hindi pa lang niya iyon nararamdaman ngayon, pero iba ang magiging hagupit ng unos na iyon.
“Wow ha, saludo na talaga ako sa’yo, Dude.” natatawang bulalas ni Mico, hindi pa rin siya makapaniwala sa planong pagpapakasal nito. “Good luck na lang diyan sa buhay mo oras na malaman ni Froylan itong mga ginagawa mo sa isa sa mga kapatid niya,” halakhak pa nito.
Saglit na natigilan ang binata sa tinuran ng kanyang kaibigan, naisip na niya noon ang magiging reaction ng isa sa kanyang kaibigan na nag-iisang kapatid na lalaki ng babaeng kanyang lihim na pakakasalan ngayon. Ngunit hindi niya na iyon pinag-ukulan pa ng buong pansin, naisip niya na madadala naman niya siguro ito sa kanyang mga matinong mga pakiusap dito. At isa pa ay mayroon naman silang pinagsamahang dalawa ng lalaki. Pakunswelo na lang nito kumabaga.
“I can manage to explain,” usal ni Lacim na lalong malakas na ikinahagalpak ng tawa ni Mico, sa mga oras pa lang na iyon ay alam na alam niya na ang magiging reaction ng kaibigan. Higit na mas malala pa iyon sa reaction nito sa kasal ni Freya at Julian na hindi totoo, o kung hindi man ay baka masapak s Lacim nito nang malakas at wala sa oras. Bagay na isa sa kinatatakutan nila. “Froylan will understand as he know how to fall in love, mauunawaan niya rin kaming dalawa.”
“Alam niya ang pakiramdam ng nagmamahal, ang hindi niya diyan tiyak na mauunawaan ay kung bakit kailangan niyong ilihim sa kanila at sa lahat ang inyong magiging kasal, Lacim.” muling giit ni Mico na hindi pa rin nabubura ang pag-aalala sa kanyang mga mata, hindi biro kung magiging kaaway nila si Froylan. Mahirap sa kaniyang makipagkasundo dati pa. “Alam na ba ito ni Julian ha? Basta ako ay labas ako sa sigalot na idudulot ng mga action mong ito, ha?”
Pagak lang na tumawa si Lacim, naiintindihan naman niya ang pinu-punto ni Mico at ang bagay na pilit nitong ipinapaunawa sa kanya. Ang sa kanya lang ay mauunawaan ba nila ang kanilang sitwasyon ng nobya kung sasabihin nila iyon sa kanila ngayon? Hindi rin siya siguradong susuportahan sila ng pamilya mismo ni Aleigh, at isa pa ay nasa tamang edad na rin naman silang dalawa. Hindi na sila mga batang paslit na kailangan pa ng gabay ng kanilang mga magulang sa nakatakda nilang desisyon na magkaroon silang dalawa ng sekretong kasal.
“Bahala na Dude, saka na lang ako mag-iisip kapag nasa sitwasyon na kaming iyon ni Aleigh.” wala sa sariling tugon ng binata sa kaibigan, “Kapag nanadoon na kaming dalawa, Dude.”
Marahan siyang tinapik lang ni Mico sa likod, anuman ang kanyang maging desisyon ay alam niyang susuportahan pa rin siya ng kaibigan. Kahit pa alam nitong sa bandang dulo ng desisyong iyon siya ay labis-labis na masasaktan. Ganung mga bagay na isa sa kanilang sinumpaan noon.
“Basta ako Dude ay hindi nagkulang ng mga paalala ko sa'yo ukol dito, bahala ka na diyan.” muling paglilinis ni Mico ng kanyang pangalan, “Pinilit mo lang ako ngayong maging witness.”
“Oo Dude, naiintindihan ko and I am willing to took all the blame in everything.” anang binata na malawak pang ngumisi sa kanyang kaibigan, “Salamat sa suporta, tunay kang kaibigan.”
“Gago ka, kailan ba ako naging hindi totoong kaibigan ha?” kunwa’y pagtatampo na nito.
“Nagbibiro lang naman ako, Dude.” taas at baba ng parehong kilay nito, “Ibabalik ko ang pabor na ito oras na kailanganin mo. Mark my word, Dude.”
“Oo na, masaydo ka ngayong ma-drama.” halakhak pa ni Mico sa kanya, “Chill ka lang, Dude.”
Ang naging plano nila ni Aleigh ay ikakasal sila sa pari na kakilala mismo ng barkada ni Lacim, at sabay na pipirma ng marriage contract nila. Nagkasundo rin sila na ang marriage certificate nila ay naka-address sa opisina ni Aleigh dahil palaging nasa opisina ni Lacim ang kanyang kapatid na babae upang maging spy niya ito sa lahat ng bagay. Nag-iingat lang siya na huwag itong kaagad na mabunyag nang maaga at wala pa sa kanilang plano. Nagawa rin niyang takasan ang kapatid ngayong araw ng sabihin niyang may dinner siya kasama si Mico, hindi na ito naghinala doon.
“Babe, sigurado ka bang lahat ng papers na dumarating sa'yo ay napupunta sa kamay mo bago pa man ito mabuksan?” paniniguradong muli ni Lacim sa nobya, ayaw niyang isa iyon sa maging sablay nilang planong dalawa. “Alam mo na ang ibig kong sabihin, habang inaayos natin lahat.”
“Oo, Babe, walang lakas ng loob na buksan iyon ng aking sekretarya dahil malalagot siya sa akin.” tugon ni Aleigh na siguradong-sigurado sa lahat, “I have the authority to replace her anytime I want. At wala sila doong magagawa kapag inayawan ko ang isa sa mga employee.”
“Alright, mabuti kung ganun.” anang binata na bahagyang kumalma sa mga iniisip niya.
Saktong pagpatak ng oras sa uwian ay mabilis ng naghanda si Aleigh upang umalis na ng kanyang opisina. Dadaan pa siya sa saloon upang magpalagay ng kaunting make-up. May eksklusibong photographer na ini-hire si Lacim na ang sabi ay isa sa mga kaibigan niya, secret man ang magiging kasal nila ay magpapakuha pa rin sila ng larawan bilang kanilang souvenir. Bagay na hindi niya na tinutulan pa sa mga plano ng lalaking malapit ng maging kabiyak niya.
“Baka na-traffic lang,” mahinang bulong ni Mico na natatawa sa reaction ni Lacim, late na ang kanyang kasintahan ng sampung minuto sa oras na kanilang napagkasunduan. “O baka naman natauhan na siya at ayaw niya ng magpasakal este magpakasal sa’yo.” pagbibiro pa nito dito.
“Gago ka, Dude!” bulalas ni Lacim na kapwa nanlalamig na ang dalawa niyang palad, hindi niya matatanggap na tatakbuhan siya ng kanyang nobya sa araw mismo ng kanilang kasal. Hindi man iyong alam ng publiko, sigurado naman siyang mahal na mahal ito at totoo siya sa kanyang mga salitang winika at sa dalaga ay ipinangako. “Hindi ganun si Aleigh, hindi iyon tatakas ngayon.”
“Sino bang nagsabing tatakas?” natatawa pa rin ang nang-aalaskang mata ng kaibigan niya sa kanya, tila ba binabawian siya nito sa mga kalokohan niya sa kasal mismo ni Julian noon. “Ang sabi ko ay baka natauhan na siya, Dude. Hindi ko sinabing tatakasan ka, magkaiba ang dalawa.”
Iiling-iling at hindi na siya pinansin pa ni Lacim, sinipat niya ang kanyang pambisig na relo. Naniniwala pa rin siyang hindi iyon gagawin ni Aleigh sa kanya, alam niyang may isang salita rin ang dalaga at palagi itong tumutupad sa mga napagkakasunduan nilang dalawa. Sa kabilang banda ay nagmamadali na ang mga yabag ni Aleigh patungo sa lugar na kanilang pinag-usapan ng kanyang nobyo. Na-flat ang isang gulong ng kanyang sasakyan at nagkataon naman na wala ng battery ang kanyang cellphone. Hindi rin siya makahanap ng payphone upang tawagan ang kasintahang matamang naghihintay na sa kanyang pagdating. Alam niyang nag-aalala na ito kaya naman nagmamadali na rin siyang makarating sa lugar na iyon. Ayaw niyang isipin nito na umaatras siya at tumatakas sa kasal na silang dalawa ang nagplano, ayaw niyang isipin niya ito.
“Bakit kasi ngayon pa ito nangyari?” tanong niyang dama na ang pamamaltos ng kanyang mga paang nakasuot na ng katamtamang takong, nais niyang maging matangkad at umabot man lang sa may bandang tainga nito sa araw na iyon kung kaya pinili niyang may heels ang kanyang sandals. Bagay na kanyang pinagsisisihan na ngayon, naisip niyang bad timing ang kanyang ginawa. “Ano ba iyan, hindi mo muna pinalagpas ang araw na ito Tadhana! Ngayon talaga ha?”
Hingal kabayo na si Aleigh nang sapitin niya ang maliit at matarik na simbahan, maliit siyang ngumiti sa kanyang sarili bago niya pa buksan at marahang itulak ang pintuan ng nasabing simbahan. Huminga siya nang ilang beses, malalim iyon dahil bahagya na siyang kinakabahan.
“You can do this Aleigh,” mahina niyang bulong sa kanyang sarili upang isipin niyang kaya niya ng magpakita at humakbang palapit sa lalaking mahal na mahal niya, “Kaya mo ito, Girl.”
Malawak na ngumiti si Lacim na butil-butil na ang pawis sa kanyang noo nang marahan at unti-unting bumukas ang pintuan ng kinaroroonang simbahan. Iniluwa noon ang babaeng kanina niya pa hinihintay. Sa pamamagitan ng mga titig nito sa kanya ay alam niyang ito’y kinakabahan.
“Sabi sa’yo eh, hindi niya ako tatanggihan.” mayabang na lingon ni Lacim kay Mico na walang masabi sa turan ng kanyang kaibigan, “Wala siyang dahilan para hindi ako puntahan ngayon.”
Naiiling lang na tinapik ni Mico ang kanyang balikat, doon pa lang ay proud na siya sa yabang ng kaibigan na ewan lang niya kung umobra pa kapag nalaman na ng lahat ang kanilang lihim na kasal ng kapatid ni Froylan. Naisip niyang pagtatawanan niya ito ng malakas kapag umiiyak na.
“I am here,” nakangiting wika ni Aleigh na nakatutok ang mga mata sa kanyang kasintahan, “Sorry, na-flat pa ang gulong ng aking sasakyan.” paliwanag niya sa binatang niyakap na siya.
“It’s alright, Babe.” tugon niya ditong tumango-tango lang, ilang sandali pa ay masuyo niya ng pinunasan ang pawisang noo ng kasintahan dahil sa kanyang pagmamadaling makarating dito. “Umpisahan na natin ang seremonya?” tanong niya pang kinukuha na ang bote ng tubig sa kanya, “Kanina pa naghihintay si Jayson.” mahina niyang tawa na ang tinutukoy ay ang pari.
“Sige,” tango na ni Aleigh sa kanya.
Naging maikli lang ang programa na para sa kanilang dalawa, pagkatapos na magsabi ng kanilang vow at magbigay ng bendisyon ang pari ay ini-anunsyo na nitong kasal na sila. Pumirma silang dalawa ng marriage contract, nagawan iyon ng paraan ng magkasintahan na pirmahan ng mga magulang. Bukod sa pirma ay stamp na ang ginagamit nila, bagay na mas naging madali dahil isang tatak lang noon ay solve na. Tila ba sumang-ayon na rin sila sa kasal. Isang linggo pa ang kanilang hihintayin upang ma-register ang kanilang marriage contract.
“Congractulation’s Mr. and Mrs. Urdaneta,” pabirong wika ni Mico habang naglalakad sila palabas ng simbahan, magkahawak ng kamay si Lacim at Aleigh na tila normal lang na magkasintahan. “Anong plano niyo after ng dinner na ipina-reserved niyong dalawa?”
“Bakit mo naman inaalam pa?” tanong ni Lacim na natatawa na sa kaibigan niya, hindi niya tuloy ma-imagine kung sakaling nandoon si Julian ng araw na iyon. “Alam mo na iyon.”
“Masama bang itanong ha?” tanong pa ng kaibigan habang tinatalunton nila ang pababang hagdan ng naturang simbahan, bukod sa simpleng singsing ay wala ng magpapatunay sa dalawa na mag-asawa na sila, “Ang sungit mo Dude, pagkatapos kitang tulungan ngayon—”
“Oo na Dude, nanunumbat ka na diyan kaagad.” pagputol niya sa binatang tumawa lamang.
Nakasama nila si Mico sa dinner at ganundin ang paring nagkasal sa kanila, masaya nilang pinagsaluhan ang kaunting handa ng kanilang lihim na kasal na dalawa. Nagkukuwentuhan habang panaka-naka ang kanilang mahinang tawanan. Paminsan-minsan ay nakikisali si Aleigh sa kanilang usapan, ngunit madalas na nakikinig lamang siya at bahagya sa kanilang nakikitawa.
“Kaya ayusin mo na ang desisyon mo sa buhay Lacim, may asawa ka na.” pangaral ng pari nang mapadako sa punto ng buhay ni Lacim kung saan ay naging babaero ito, “Naiintindihan mo ba?”
“Oo na, tama na ang pagbubuking niyo sa akin.” ani Lacim na namumula na ang buong mukha.
Hindi niya man iyon sabihin sa babaeng kabiyak niya na ay alam na rin naman iyon ng dalaga noon pa. At ang bagay na iyon sa kanyang pagkatao ay tanggap na ng dalaga na katauhan niya. Pagkatapos ng dinner ay humantong silang dalawa sa hotel na pagmamay-ari ni Mico, iyon raw ang kanyang regalo kay Lacim na kanyang kaibigan. Bagay na hindi na rin tinanggihan ng mag-asawa. Pinagsaluhan nilang dalawa ang tamis ng pulut-gata ng unang gabi nila bilang kasal na.
“Mahal na mahal kita, Babe.” masuyong anas na bulong ni Lacim habang marahang gumagalaw sa ibabaw ng hubad na katawan ng kanyang asawa, pinagsasaluhan nila ang unang gabi ng kanilang pagniniig bilang legal na. “Huwag sana tayong sumuko kahit mahirap sa hinaharap.”
“Hindi tayo susuko, Babe.” tugon ni Aleigh sa kanyang sinabi habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa mukha ng kanyang asawa, “Kahit gaano kahirap, kahit pa masaklap.” dagdag niyang marahang kinabig ang leeg ni Lacim upang maabot niya ang labi nitong mapula. “Magkahawak tayo ng kamay na aabante, ang lahat ng pagsubok ay matatalo nating dalawa.”
Malawak na ngumiti si Lacim sa kanyang asawa, isa iyon sa ugaling nagustuhan niya sa dalaga. Maunawain ito, hindi marunong sumuko. Patuloy na lumalaban kahit na ito ay nahihirapan na.
“Masarap ba?” out of the blue at tanong ni Lacim na binilisan pa ang galaw niya sa ibabaw nito, hindi niya na alintana pa ang pawis na tumatagaktak sa magkaniig nilang mga katawan. “Sagutin mo ako Babe, m-masarap ba?” muling tanong nito na mas lalo pang binilisan ang paggalaw niya.
“Oo,” padaing na tugon ni Aleigh na hindi na naman alam kung saan ibabaling ang mukha sa sensayon na kanyang nararamdaman, mas lalo pang binilisan ni Lacim ang kanyang paggalaw na naging dahilan upang mapaliyad at mas malakas pang umungol ang kanyang asawa. “Sige pa.”
Mabilis na sinunod iyon ni Lacim, ibinigay niya ang kanyang buong lakas upang bayuhin pa nang bayuhin ang kaibuturan ng p********e ng kanyang asawa na basang-basa na at mas nag-iinit pa. Sinabayan niya ang bawat halinghing nito, pinagsaluhan nilang dalawa ang gabing iyon at sinigurado nilang sulit na sulit nila ito. Hindi sila natulog, hinayaan nilang lasapin pa ang tamis ng unang gabi ng kanilang pag-ibig. Ang saya ng unang gabi ng pagiging lubos na mag-asawa.