Chapter 8

2812 Words
Pagdating sa parking lot ay mabilis na pumasok si Aleigh sa loob ng kanyang sasakyan, doon niya itinuloy ang buhos ng kanyang mga luha. Hindi niya na maitago pa ang kanyang selos. Halos isang linggo na rin niyang hindi nakikita ang kanyang asawa, tamang videocall lang sila at chat. Ang mga iyon ay naging sapat na upang maging maayos sila, dahil ngayong weekend ay alam nilang magkikita sila. Ngunit iba ang nangyari, kabaligtaran noon ang nangyari sa kanila. Wala sa sarili niyang pinaandar paalis ang kanyang sasakyan sa parking lot ng building na iyon. Patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha, ayaw niyang umuwi ng tahanan na ganun ang kanyang itsura. Siguradong tatanungin siya kapag nakita ng kanyang pamilya ang kanyang itsura ngayon. At lalo pa siyang napaluha nang maalala niyang wala man lang siyang pwedeng makausap sa mga sandaling iyon at hingahan ng kanyang sama ng loob dahil wala sa bansa si Freya. Hanggang sa naisip niya na ang kaibigang si Aiza mula pa noong elementary, ang kaibigan niyang kasalukuyang nasa pinapasukan pa rin nitong trabaho sa isang mansion bilang katulong.   “Aleigh?” kaagad nitong sagot sa kanyang tawag, noong nakaraang linggo lang sila huling nagkita at pumunta ito mismo sa kanyang opisina, “Aleigh? Hoy, nandiyan ka pa ba?”   “Aiza...” humihikbi niyang tawag sa pangalan ng kaibigan, lalo pang bumuhos ang mga luha.   “Oh? Anong nangyari sa’yo?” natatarantang tanong nito sa kanya na alam niyang kilalang-kilala na ang kanyang tinig na magkaiba sa normal niyang boses, “Umiiyak ka ba? Nasaan ka ngayon?”   Lalo pang bumalong ang kanyang mga luha, hindi niya pwedeng ayain itong mag-inom sa mga oras na iyon. Alam niyang natapos na rin ang day-off nito, kaya hindi siya nito masasamahan pa.   “Nasaan ka ngayon Aiza?” tanong niyang patuloy pa rin sa kanyang mabilis na pagmamaneho, “Kailangan ko ng makakausap, pwede ba tayong magkitang dalawa?” deretsong tanong niya.   “Nandito ako sa bahay ng amo ko, sorry Aleigh, hindi kita masasamahan ngayon.” tugon nito sa kanyang alam niyang tunay ang sinasabi, “Pero handa naman akong makinig ngayon, Aleigh.”   Pilit at pagak na tumawa si Aleigh, noon niya napagtanto na sana pala ay nangolekta siya ng mga kaibigan noong nag-aaral pa siya. Mga kaibigan na kanyang matatakbuhan sa ganitong mga pagkakataon na kakailanganin niya ng masasandalan at mahihingahan. Nasanay siyang nandiyan si Freya kaya siguro naging kampante na rin siya na huwag nang makipagkaibigan pa.   “Ayos lang, Aiza.” maikling litanya niya na pinaharurot pa ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Edsa, “Sige, pauwi na ako ngayon. Tatawagan na lang kita pagdating ko ng bahay namin.” that was a lie, wala siyang planong umuwi sa tahanan nila dahil alam niyang matatanong lang siya.   “O sige, basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako ha?”   “Sige.”   Pinatay niya na ang tawag, kasabay noon ay ang pag-off niya rin mismo sa kanyang phone. Ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino, nais niya lang mapag-isa ng mga sandaling iyon. Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang bar, doon ay mag-isa siyang uminom at mag-isang sumayaw. Pilit niyang kinalimutan ang kanyang problemang dala-dala. Nang mapagtantong iginugupo na siya ng antok at nang dahil sa impluwensiya ng alak ay nagdesisyon ng umuwi.   “Oh? Ang ganda ng buwan.” tingala niya sa langit pero sa bilog na ilaw ng kalsada nakaturo.   Susuray-suray niyang tinungo ang kanyang kanyang sasakyan, pumasok siya doon at ilang minuto pa ay mabagal niya ng nilisan ang parkling lot. Hindi niya na mapigilan pa ang antok kung kaya naman nang may makitang hotel ay huminto siya doon para saglit na matulog.   “Room for one person,” ngiti niya sa receptionist ng hotel sabay abot ng kanyang credit card, “I am drunk,” sambit niya na suminok-sinok pa, “Magpapalipas lang ako dito ng gabi.” aniya pa ng tanguan siya ng receptionist at ibalik ang kanyang credit card, “Thank you, Miss.” ngiti niya pa.   Halos magsalambid na ang kanyang mga binti habang naglalakad nang dahil sa impluwensiya ng alcohol. Hindi na ito halos maayos na makalakad, pulang-pula na ang kanyang buong mukha at labis na ang pungay ng kanyang mga mata. Kakaunting ulirat na lang ang sa kanya ay natitira pa. Pumasok na ito ng lift habang nakasunod sa isang babaeng staff ng hoteo upang ihatid siya nito. Sa malayong banda ng hotel ay naiiling na lang ang isang lalaking nakasandal sa pader ang likod habang pinapatay ang video na nai-save niya sa kanyang cellphone, kinunan niya ng video ang nasabing babae upang ebidensiya. Naiiling niyang pinanood iyon habang nasa bulsa ang kamay.   “Hay, kaya ang hirap ng desisyong padalos-dalos.” mahinang bulong pa nito sa kanyang sarili.   Inihagis ni Aleigh ang kanyang bag sa kama pagkatapos niyang i-lock ang pintuan ng silid na kanyang inuukopa. Isa-isa niyang tinanggal ang saplot sa kanyang katawan, wala doong itinira. Humakbang siya patungo ng shower room at walang takot na tumapat sa malamig na tubig na agad humalik sa kanyang hubad na katawan. Ilang sandali pa ay nanunuot na iyon sa kalamnan.   “This is better.” bulong niya habang inihihilamos ang kanyang isang palad sa basang mukha.   Lasing man siya ay hindi pa rin mabura-bura sa kanyang isipan ang kanyang nalaman kanina. At kahit na mayroon siyang tama ng alak ay nararamdaman pa rin ang pait at pakla ng mga ito.   “Ano ng mangyayari sa akin ngayon?” natatawang tanong niya na sumandal sa pader ng banyo, “Kasal na kami pero bakit pakiramdam ko ay ako ang kabit? Ako ang nakikihati sa kay Eurice?”   Nilakasan niya pa ang shower kasabay ng papalakas niya ‘ring masasakit na mga hikbi. Ilang sandali pa ay kumalma na siya, unti-unti na ‘ring nililisan ng alcohol ang kanyang sistema. Pinatay niya ang shower at hinila niya ang tuwalya, wala sa sarili niyang binuhay ang blower ng buhok at tumapat siya doon. Ang tunog nito ay tila ba hinihele siya sa alapaap. Pagkaraan ng ilang saglit ay pinatay na niya iyon at lumabas na ng silid. Pagapang siyang sumampa ng kama. Padapa siya doong nahiga, hindi na nag-abalang damitan pa ang hubad na hubad na katawan.   “Goodnight, Babe.” mahina niyang bulong sabay yakap sa isang unan doon upang gawin na ‘ring sandayan, awtomatikong sumara ang kanyang mga mata. “I love you.” mahina pang bulong nito habang unti-unting pumapatak ang kaunting agos ng kanyang luha mula sa kanyang mata.   Sa kabilang banda ay nagising si Lacim sa mga katok ng kanyang ina sa dahon ng kanyang silid. Hindi namalayan ng binatang naidlip siya at tuluyang nakatulog habang nasa loob ng silid niya. Pupungas-pungas niyang inihilamos ang kanyang isang palad sa kanyang inaantok pang mukha. Hinagilap niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table at kapadaka ay binuhay niya iyon. Ilang sandali pa ay umahon na siya ng kanyang kama, at malalaki ang kanyang mga hakbang patungo ng sarado pang pintuan. Wala sa sarili niyang tinanggal ang lock noon at ilang saglit pa ay hinila niya na ito upang buksan iyon. Tumambad sa kanya ang inang hindi na maipinta ang itsura. Masama na ang tingin nito sa kanya na hindi man lang pinagtuunan ng pansin ni Lacim.   “Mayroon kang bisita pero anong ginawa mo? Natulog ka.” palatak ng kanyang ina sa kanya, “Lacim, matanda ka na. Kailan ka ba titigil sa pagiging iresponsable mong anak, ha?”   Lumabas na ng silid si Lacim bitbit ang kanyang cellphone at nilagpasan niya ang kanyang ina. Nang dahil sa huling litanya nito ay tumigil siya sa paghakbang at matamang nilingon ang ina.   “Kapag tinigilan niyo na iyang kakasabi niyo sa aking pakasalan ko ang babaeng gusto niyo.” seryoso niyang wika na ikinalaki ng mga mata ng kanyang inang hindi makapaniwala sa kanya.   Ilang minuto pa silang nagtitigan doon, kung hindi pa sila tinawag ng Ate Lakris niya ay hindi pa siya magbabawi ng tingin sa kanyang ina. Hindi niya magawang magsalita noon at tumanggi, ngunit ngayong kasal na siya ay malakas na ang loob niya. Hindi dahil wala na siyang respeto, kung hindi wala na siyang pakialam pa sa mga sasabihin ng ibang tao at ng mga ito sa kanya.   “Para kang sira diyan,” pabirong pingot ni Lakris ng tainga ni Lacim, bahagya pa itong natatawa. “Tinitingnan mo ng ganyan si Mom, tingnan mo kapag nakita ka ni Dad.” banta pa nito sa kanya.   Mabilis niyang tinanggal ang kamay nitong nasa tainga niya, masama na niya itong tiningnan.   “Isa ka pa diyan, Ate.” aniyang pamartsa na silang tinalikurang dalawa.   Naiwan naman ang kanyang ina at kapatid na babae na natitigilan pa rin. Sinundan nila ng tingin ang likod ng binatang patungo na sa sala ng kanyang unit. Ilang buntong-hininga pa at umismid si Lakris sa kawalan, ang kanyang ina naman ay nananatili pa ‘ring walang imik at ang dila ay tila ba naumid na kagaya ng kanyang mga paa. Hindi pa rin siya makapaniwalang magsasalita ng ganun si Lacim laban sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi niya pa rin ito mapaniwalaan ngayon.   “Mom?” kuha ng atensyon sa kanya ni Lakris, “Tara na po, nandoon na sa kusina si Lacim.”   Payak na ngumiti si Lacim pagdating niya sa hapag-kainan, nandoon na ang kanyang panganay na kapatid at ang kanyang Dad. Naroon din ang mga magulang ni Eurice, kasama nilang kakain.   “Mano po Tita, Tito.” pagbati niya sa kanila na kanya na ‘ring nakaugalian dahil kaibigan sila ng kanilang pamilya, ang sabi pa ng Mom niya ay magkakabarkada na sila noong highschool.   “Okay naman kami, Lacim.” tapik sa kanyang balikat ng ama ni Eurice, bahagya pang natatawa, “Ikaw ang kumusta, hijo? Matagal na panahon na noong huli tayong nagkita-kita para sa lunch.”   “Lalo ka yatang gumandang lalaki ngayon, Lacim.” pagbibiro naman ng ina ng babae, “Pwede ng e-set kung kailan ang magiging kasal niyo nitong si Eurice, hindi na kayo pabatang dalawa pa.”   Tumango lang si Lacim sa kanila at naupo na sa upuan na para sa kanya. Hindi siya interesadong pag-usapan ang bagay na iyon. Ilang sandali pa ay dumating na rin doon ang kanyang Ate at ina.   “Kain na tayo,” anunsyo agad ng Mom niya na prenting naupo na sa tabi ng kanyang Dad.   Ilang sandali pa ay tahimik na silang nagsimulang kumain, as usual ay pinag-usapan ng kanilang mga magulang ang plano nilang pagpapakasal na dalawa. Bagay na malawak na ikinangiti ni Eurice at wala naman doong pakialam si Lacim. Pasimple niyang kinuha ang kanyang cellphone nang makitang may mensahe doon ang kanyang kaibigan. Kunot-noo niyang tinanggalan ng sound ang kanyang cellphone nang makita niyang may video itong ipinasa sa kanya. Lumingon siya sa mga kasama at nang makita niyang abala pa rin sila sa topic ng mangyayaring kasalan ay pasimple niyang pinanood ang video na iyon. Halos mabitwan niya ang kanyang cellphone at kutsara nang makita niya kung sino ang nasa video na iyon. Ang kanyang asawa na halatang nakakainom at lasing habang naglalakad papasok ng lift ng pamilyar na hotel ng kaibigan niya. Mabilis siyang nagpalinga-linga habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili, ayaw niyang gumawa ng desisyon nang padalos-dalos at pagsisihan niya naman sa bandang huli noon. Tuluyan na siyang natigilan nang makita ang pamilyar na ecobag na nakapatong sa sofa niya. Mabilis na lumipad ang kanyang mga mata patungo sa kanyang inang napansin na rin ang kanyang ginawang agarang pagtingin sa kanya. Nais niyang itanong kung kanino ang ecobag. Ngunit hindi niya iyon magawa nang dahil sa kanilang mga kaharap. Minabuti na lang niyang tanungin ang kanyang kaibigan, nagbabakasakaling alam nito ang nangyari sa asawa niya.   “Tatanggap lang po ako ng urgent na tawag,” paalam niya na itinuro pa ang kanyang cellphone.   Marahang tumango lang sila sa binata, bilang isang negosyante ay naiintindihan na nila iyon. Tinalunton ng binata ang daan patungo ng kanyang veranda, lumabas siya doon at isinara ang pintuan. Sinalubong siya ng malamig na hampas ng panggabing hangin sa mga oras na iyon. Una niyang idinial ay ang numero ng kanyang asawa, hindi niya iyon makontak. Ilang subok pa at hindi niya pa rin iyon matawagan, bagay na labis niya ng ipinapag-alala. Kailanman ay hindi nagpapatay ng cellphone niya ang babae, ngayon lang iyon nangyari. Bagay na alam niya na ang naging ugat. Doon pa lang niya naisip ang usapan nilang pupunta ito ng araw na iyon sa unit.   “Damn!” bulalas niyang mabilis na ginusot ang kanyang hanggang batok na buhok, “Babe, sorry.” mahina niyang bulong habang patuloy pa rin na idina-dial ang kanyang numero.   Ilang subok pa ay tinigilan niya na iyon, marahas siyang nagbuga ng hangin mula sa kanyang dibdib at tumingin sa kumukutitap na mga ilaw ng lugar. Malapit lang ang hotel ng kanyang kaibigan doon, twenty minutes drive ay naroroon na siya mula sa kanyang unit. Ngunit ang problema niya ay hindi niya pwedeng iwanan ang mga kasama sa dinner na iyon at basta na lang siyang umalis nang biglaan gayong hindi naman urgent ang gagawin niya at pupuntahan. Muli ay malalim siyang huminga nang malalim, hindi niya mapagdesisyunan ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas nang magpasya siyang tawagan ang kanyang kaibigan at kumustahin ang kanyang asawa, hindi siya pwedeng umalis kaagad doon.   “Dude...” tawag niya dito pagkasagot ng tawag, “May dinner kami ng pamilya ni Eurice sa unit.”   “Ayan na ang sinasabi ko Dude, nagsisimula na ang problema niyong dalawa.”   Mariing hinilot ni Lacim ang kanyang sintedo, hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag pa kay Aleigh oras na magkaharap silang dalawa. Ayaw niyang masaktan ang asawa sa sasabihin niya.   “Dude, lasing na lasing ba?” alanganin niyang tanong s akanyang kaibigan.   “Oo, kita mo nga sa video na hindi na maayos ang paglalakad niya.” pilosopo nitong tugon.   “Sige, susubukan kong puntahan siya mamaya diyan.” sambit niyang humina ang tinig nang matanaw niya ang anino ni Eurice na papalapit sa veranda na kanyang tinatambayan.   “Kailan mo ba sasabihin sa kanila?” tanong ng kaibigan niyang hindi niya alam ang isasagot.   “Bahala na,” maikli niyang tugon at tiningnan ang paglabas ni Eurice sa veranda ng unit, “I have to go Dude, like what I said may dinner kami ngayon dito sa aking unit.” pagpaparinig pa niya.   “Sige, Dude, hingin mo na lang mamaya ang susi ng room niya sa receptionist. Ibibilin ko rin.”   “Alright, see you soon, Julian.”   “Dude? Anong Julian? Lasing ka ba?” humahagalpak na tanong nito sa kanya, “Si Mico ito.”   Hindi na siya sinagot pa ni Lacim pero hindi niya naman pinatay ang tawag, inilagay niya lang ang cellphone sa kanyang bulsa at kapagdaka ay hinarap niya na si Eurice na matamang nakatingin na.   “About business, Eurice.” sambit niya kahit na hindi naman nito hinihingi ang paliwanag niya, “May pinapaasikasong mga files si Julian mamaya bago ako matulog, hindi niya raw makontak ngayon si Mico. Paniguradong nasa inuman na naman iyon, tapos mamaya sa akin ay mang-iistorbo.”   Mahinang tumawa si Eurice sa kanyang sinabi, kilala niya ang mga ito na nabanggit na ng ina ni Lacim.   “Gusto ko rin silang ma-meet ng personal,” wika ni Eurice na malakas na ikinatawa ni Mico sa kabilang linya habang naiiling pa, hindi siya makapaniwala sa panghuhulog na ginagawa ngayon ni Lacim.   “Sige, kapag nakabalik na si Julian ng bansa mag-set tayo ng araw.”   “Kahit sa kasal na lang natin, siguro naman ay pareho silang darating at pupunta ‘di ba?”   Maliit at pilit na ngumiti si Lacim sa kanya na napipilitan pang tumango, napagtanto niyang pakisamahan ang babae kahit na saglit lang. Magpapanggap siyang sang-ayon rin sa ka sal nila bago niya sabihing kasal na siya sa babaeng mahal niya. Hindi niya pwedeng ipaalam iyon kaagad sa kanila ng ganun kaaga.   “Oo, iimbitahan ko ang lahat ng aking mga kaibigan.” muli pang saad ni Lacim na kusang pinaparinig niya sa kanyang inang matamang nakikinig sa kanilang usapan sa may gilid ng veranda.   “Great, but please don’t invite Aleigh on our wedding day. She might ruin it.”   Litanyang nagpapawi ng mga ngiti sa labi ni Lacim nang mga oras na iyon. Nais niya sanang sabihin na hindi talaga ito pupunta, since hindi matutuloy ang kasal nila at asawa na niya ang babaeng ito. Hindi na lang niya iyon ginawa upang ang sitwasyon nilang maayos pa ay hindi niya tuluyang lubos na masira.   “Halika, balik na tayo sa hapag.” bahagyang alalay niya sa siko nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD