Chapter 9

2941 Words
Hatinggabi na halos nang matapos ang kanilang dinner sa unit ni Lacim, pagkatapos ng ilang paalam pa ay nagkasundo na rin silang umalis. Napagkasunduan din ng kanilang pamilya na magkaroon ang dalawa ng pre-nuptial ngayong darating na linggo. Bagay na hindi tinutulan ni Lacim, o hindi niya magawang tutulan pa kahit na gustuhin niyang magsalita para sa kanyang sarili. Hinayaan nilang i-plano iyon, basta ang sinisigurado niya ay sasabihin niya rin ang lahat.   “Bakit hindi ka na lang dito matulog, Eurice?” pagbibiro ng ina ni Lacim nang nasa may pintuan na sila at nagbabadya nang umalis, “You know, Lacim is always alone in this huge penthouse.”   Pagak na tumawa si Eurice at nilingon pa si Lacim na kaagad na napawi ang mga ngiti sa labi. Makahulugan siyang tumitig sa lalaki, alam niya na ang mga titig na iyon. Hindi ito papayag. Sa tanawing iyon ay lihim na natawa ang Ate ni Lacim na halatang may alam sa kalokohan niya. Bagay na masamang ikinatingin ni Lacim sa kapatid, naniniwala siyang may ginawa na naman itong kalokohan na sa bandang huli ay labis na ikakagalit ng kanilang mga magulang sa kanya.   “Saka na lang po Tita, malapit na rin naman po kaming ikasal.” tugon ni Eurice na ikinatawa nila.   “Oo nga naman,” wika pa ng ina ni Eurice, malakas na rin itong tumatawa habang nakatingin sa asawa niyang kausap ng Dad ni Lacim. “Kapag kasal na ang dalawang ito ay habangbuhay na.”   “Lacim, by Wednesday ay dalhin mo sa akin ang mga papers na kailangan ko mula sa’yo.” bilin pa ng kanyang ina, ang tinutukoy nito ay ang mga papel na kailangan nila sa magiging kasal.   “Alright, Mom.” tugon niyang labas sa ilong.   “Ako na lang ang pupunta ng office mo para kunin ang papers mo by Wednesday,” presenta ni Eurice na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Lacim dahil hindi nila iyon inaasahang sasabihin nito.   Pagak na tumawa si Lacim, bahagyang hinimas ang kanyang batok habang iprino-proseso ang mga salita ng dalaga at nais nitong gawin sa araw ng Wednesday. Lihim na nagdilim ang kanyang paningin, nais niya ng suplahin ang sinabi nito ngunit ilang sandali pa ay napilitan na lang siyang tumango bilang pagsang-ayon sa nais nitong gawin at mangyari sa araw na iyon.   “Sige.” napipilitan niyang sagot.   Ilang paalam pa at biruan ay tuluyan na silang inihatid ni Lacim sa harapan ng lift. Pagkasakay nila doon ay nagmamadali na ang kanyang mga hakbang patungong ng kanyang nakabukas pa ‘ring unit. Pumasok siya ng kanyang silid, walang imik na nagpalit ng damit at dinampot ang susi ng kanyang sasakyan. Paglabas niya ng silid ay tumigil siya sa harapan mismo ng pamilyar na ecobag, nang buklatin niya kung ano ang laman noon ay positibo siyang kay Aleigh iyon galing. Ang hindi niya alam kung paano iyon napunta sa loob nang kanyang unit nang hindi niya alam.   “Pumunta siya siguro kanina dito,” bulong niya sa kanyang sarili na dinampot na ang cellphone sa lamesa, bago umalis ang kanyang mga bisita ay inutusan ng ina niya na maghugas ang at maglinis ng lamesa ang mga servant na kanilang kasama, kung kaya naman walang kalat doon.   Marahas niyang ginulo ang kanyang buhok nang noon niya lang napansin ang maraming message ng kanyang asawa sa kanya. Ganundin ang voice messages na kanyang ipinadala.   “Lagot ako sa kanya!” wala sa sarili niyang bulalas at nagmamadali ng lumabas ng unit niya.   Ilang minuto pa ay nasa parking lot na siya, good thing na wala na doon ang sasakyan ng kanyang mga bisita. Nakaalis na ang mga ito bago pa man siya makasakay ng elevator.   “Dude...” kaagad na sambit ni Lacim pagkasagot pa lamang ng kanyang kaibigang nagpadala ng video sa tawag niya, “Papunta na ako ng hotel, nandiyan ka pa ba sa mga oras na ito?”   “Wala na, umuwi na ako.” malat ang tinig na tugon nito sa kanya, “Kunin mo na lang ang details ng room niya sa receptionist. Sinabihan ko na rin naman na parating ka, wala ng problema pa.”   “Alright, thank you, Dude.” nakahinga nang maluwag na turan ni Lacim na pinaharurot pa ang sasakyan, hindi niya na mahintay pa na muling makita ang kanyang asawa kahit lasing pa ito.   Habang papalapit nang papalapit sa kinaroroonan ng hotel ay hindi niya mapigilan ang kabahan at mag-alala. Hindi niya alam ang kanyang ipapaliwanag sa kanyang asawa. Ganunpaman ay handa siyang gawin ang lahat upang muli siya nitong maintindihan at hanggang sa mapatawad. Ilang minuto pa ang pinalipas ni Lacim pagkarating ng hotel bago siya tuluyang bumaba doon. Mabagal siyang pumasok ng hotel na marahang palinga-linga, naghahanap ng mga kakilala niya.   “Iyong binilin ng boss niyo kanina,” deretsong wika niya paglapit pa lang ng receptionist area, pilit ang kanyang mga ngiti sa babaeng malawak nang ngumiti sa kanya at ilang ulit na tumango. Sa mga biloy pa lang niya ay siguradong hulog na ang loob nito, doon naman siya magaling.   “Wait lang po, Sir Lacim.” magalang nitong saad na mayroon ng kinukuha sa lalagyan ng susi, “Ito po ang susing ibinilin sa amin kanina ni Sir Mico.” lantaran pang abot niya doon sa kanya.   Mahina siyang umubo-ubo at pilit muling ngumiti sa babaeng malagkit ng nakatingin ngayon sa kanya, pagkaraan ng ilang minuto ay mabilis niyang kinuha ang susi ng silid ng kanyang asawa. Kahit hindi niya itanong kung anong palapag iyon ay alam niya na kung saan iyon hahanapin nang dahil sa halos saulado niya na ang blueprint ng luxury hotel na pag-aari ng kaibigan. Noong binata pa siya ay halos gabi-gabi niya iyong tambayan kasama si Julian, bagay na ikinakainis ni Mico sa kanila at sinasabihan nang malulugi na ang negosyo niya nang dahil sa kanilang dalawa.   “Ikaw malulugi? Saan banda?” mapangutyang sagot lang ni Julian sa kaibigan nilang naiinis na, “Desperate wala sa vocabulary mo ang malugi, alam naming hindi ka papayag na mangyari ito.”   “Hindi nga ako papayag, pero sa ginagawa niyo ni Lacim hindi magtatagal ay malulugi na ako.”   Susuklian lang nilang dalawa iyon ng malakas na pagtawa.   “O siya, huwag na huwag ka ‘ring pupunta ng bar ko at hindi ka naman marunong magbayad.” ani Lacim na hinihintay ang reaction ng kanyang kaibigan, “Mas malaki ang nalulugi ko sa’yo.”   Sa puntong iyon ay mapipilitang manahimik si Mico. Na-corner na naman siya ng kaibigan.   “Oo na, Chickboy wala na talaga akong panama sa inyong dalawa nitong si Moody!” talunang saad na ni Mico na nauwi sa malakas na tawanan nilang tatlo, “May balita ba kayo kay Froylan?” pag-iiba niya na ng kanilang usapan na ikinailing lang ng kanyang dalawang kaharap.   Nang maalala iyon ay mabilis na naglaho ang pilit na ngiti ni Lacim dahil kapatid ito ng kanyang lihim na asawa. Noon pa lang nagsi-sink in sa kanya ang katotohanang iyon na nalimutan niya.   “Salamat,” mabilis niyang wika na tumalikod na.   “You’re welcome, Sir Lacim!” tugon nitong sinadya pa iyong lakasang bigkasin.   Hindi niya iyon pinansin, pamartsa niya nang tinungo ang lift sa looby ng hotel ni Mico.  Walang imik siyang lumulan doon, bahagyang isinandal ang kanyang likod sa pader ng lift. Ilang beses pa siyang bumuntong-hininga, gustong-gusto niya ng ipakilala sa madla ang kanyang asawa. Ngunit nang dahil sa sitwasyon nila ay hindi niya iyon magawa sa mga oras na iyon, bukod sa part time modelo si Eurice at mayroon din itong sakit sa puso na kamakailan niya lang nalaman. Kung kailan kasal na siya kay Aleigh, kung kailan na nakapangako na siya dito ng habangbuhay. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, binabalikana ng araw na nakausap niya ang ina pagkatapos ng lihim na kasal nilang dalawa ni Aleigh ay umuwi siya ng tahanan ng pamilya nila.   “Lacim, pakiusap na pakasalan mo si Eurice.”   “Mom, hindi ko siya gusto. Hindi siya ang babaeng mahal ko.” giit niyang pilit sa kanyang ina, “Hindi ba puwedeng ako naman ang intindihin niyo ngayon, Mom? Huwag niyo akong pil—”   “Talk to your Dad, siya ang nagplano ng lahat ng ito at hindi ako.” pagputol nito sa kanya na agad niyang ikinanganga, “Sumasang-ayon lang ako sa gusto niya anak, hindi ko rin ito gusto.”   Kailanman ay hindi naranasan ni Lacim na mangatwiran sa kanyang ama, kung nakakaya niyang sumagot sa kanyang ina ngayon. Ang bagay na iyon ay hindi iya kayang gawin sa kanyang ama. Mataas ang respeto niya dito at bahangayng takot rin siya dito. Kaya naman hindi iyon gagawin.   “Actually, Eurice is sick at tanging ikaw lang ang nakikita ng Tito mo na maaaring mag-alaga sa kanya. Ikaw lang ang tanging makakaintindi sa anak niya, at isa pa ay gusto ka rin ni Eurice.”   “Pero hindi ko siya gusto Mom, hindi rin sapat na rason ang maysakit siya kaya kailangan kong pakasalan.” pagmamatigas pa rin niya sa ina, “Kailan pa naging sukatan iyon para magpakasal? Mom, matanda na ako at hindi na isang bata pa. Hayaan niyong mamili ako ng babaeng aking pakakasalan, ng babaeng mamahalin ko habangbuhay. Huwag niyo akong diktahan at utusan!”   “Lacim!” sigaw ng kanyang ama na kakapasok lang ng kanilang main door ng bahay.   Marahas siyang dumilat ng kanyang mga mata, ayaw niya nang alalahanin pa na sinuntok siya sa mukha. Iyon din ang naging rason niya para bahagyang mag lay low sa paglabas-labas nila. Malalim siyang humugot ng kanyang hininga, bumukas ang pintuan ng lift kung kaya naman lumabas na siya. Mabagal siyang humakbang patungo ng pintuang inuukupa ng asawa niya. Marahan niyang hinaplos-haplos ang batok nang tumapat na siya sa pintuan ng silid, bago niya pa maipasok ang hawak na susi ay tumunog na ang kanyang cellphone sa isang tawag doon.   “Mom?” sagot niya sa tawag nito.   “Lacim, sinugod nila ngayon sa hospital si Eurice.” pagbabalita nitong nasa background ang maingay na tunog ng ambulance, kaagad nang nangunot ang noo ni Lacim sa balitang iyon. “Nasa Valderama Medical Center siya.” pagkasabi nito ay agad ng namatay ang tawag niya.   Hindi na malaman pa ni Lacim kung ano ang kanyang dapat na piliin sa mga oras na iyon, kung bubuksan niya ba ang pintuan ng kwarto ni Aleigh at matutulog na lang kasama ito o aalis siya at pupunta ng hospital upang makasama siya ni Eurice. Alam niyang ang unfair niya sa bandang iyon para sa kanyang asawa, ngunit hindi niya hahayaang mapahiya ang kanyang mga magulang sa mga magulang ni Eurice nang dahil lang sa kanya. Mabigat ang puso niyang tumalikod sa pinto, mabibigat ang mga hakbang niyang lumayo. Habang humahakbang palayo ay ipinangako niya sa kanyang sarili na noon lang niya pipiliin si Eurice, sa mga susunod ay kay Aleigh na siya.   “Ngayon lang Babe, sorry ngayon lang ito.” bulong niya pa habang pumapasok na sa lift.   Inilabas niya ang kanyang cellphone upang sabihin sa text sa ina na on the way na siya doon. Bagay na masakit at mabigat man sa kanyang dibdib ay kailangan niya iyong gawin. Umaasa siyang kapag nalaman niyon ni Aleigh ay kaya siya nitong unawain at patuloy pang initindihin.   “I am sorry, Babe,” muli niyang lingon sa hotel bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan papalayo, “Babawi ako sa’yo sa sunod, promise, babawi ako sa’yo at magpapaliwanag.”   Habang papalayo sa lugar na iyon ay hindi mapigilan ni Lacim ang alalahanin kung paano sila nagkakilalang dalawa ng kanyang asawa. Sa paraang iyon ay bahagyang nabawasan ang bigat ng puso niya, at ang sakit na unti-unti niyang nararamdaman sa maling desiyon na nagawa niya na.   Kinabukasan ay nagising si Aleigh nang dahil sa nanunuyo at nauuhaw niyang lalamunan. Iinot-inot siyang bumangon sa kama habang hawak ang kanyang leeg. Nang mapagtantong wala siyang saplot sa katawan ay mabilis niyang inilinga ang kanyang mga mata. Mag-isa pa rin siya sa kanyang silid. Mapait siyang ngumiti nang maalala ang dahilan ng kanyang pag-inom ng alak.   “Magiging maayos rin ang lahat,” kumbinsi niya sa kanyang sarili at humakbang na patungo sa maliit na fridge na nasa loob ng silid na iyon, “Ako ang legal na asawa, ako ang may karapatan.”   Mabilis siyang naligo upang umuwi ng kanilang tahanan. Baon pa rin ang katanungan na bakit wala man lang kahit isang message si Lacim sa kanyang cellphone. Nakailang patay na rin siya noon at nagbabakasakaling nag-hang lang ang message nito, subalit wala pa ‘ring mensaheng dumating na para sa kanya mula sa kanyang asawa. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon, naisip niya na baka may nangyari sa cellphone nito kung kaya hindi nito kayang magsend ng message.   “Bakit sa f******k ay wala rin?” tanong niya nang magbukas ng kanyang social media account, unti-unti ng bumabangon ang pag-aalala at kaba sa kanyang dibdib, ngayon lang iyon nangyari.   “Saan ka nanggaling?” unang bungad ni Froylan sa kanya pagkababa niya pa lang ng sasakyan, “Hindi ka raw umuwi kagabi sabi ni Mom, saan ka natulog ha? Aleigh, alam mong babae ka.”   Kasalukuyan itong umiinom ng kape sa tasa na kanyang tangan, nasa kaliwa ng kamay niya ang hose na pandilig ng mga halaman sa palibot ng kanilang tahanan. Mabilis na umikot ang mga mata ni Aleigh sa kanyang kapatid. Umagang-umaga ay naroon ito kaagad upang mang-inis na.   “Weekend Kuya Froylan,” wika niyang kinuha na ang bag sa passenger ng sasakyan niya.   “Ano naman kung weekend?” walang clue  na tanong nito sa kanya.   “Malamang gigimik ako kasi walang pasok,” wika na niyang muling umismid sa kanyang kapatid.   “Sinong kasama mo?”   Tinalikuran niya na ito na kung makapagtanong e dinaig pa ang kanilang ina. Sinundan siya nitong hindi pa rin sumusuko sa kanyang mga katanungan. Bagay na lalong ikinainis ni Aleigh.   “Baguhin mo na iyang lifestyle mong ganyan,” simula ng panenermon nito sa kanya, “Kaya ka walang boyfriend hanggang ngayon eh, mali, kaya ka iniiwan ng boyfriend mo ay panay gimik lang tuwing weekend ang nasa isipan mo.” dagdag nito, kamakailan na nag-call off sila ni Lacim ay sinabi niya ditong naghiwalay na sila, kahit ang totoo ay muli silang nagkabalikan pagkaraan lang ng isang linggo.   Pagak iyong ikinatawa ni Aleigh, iiling-iling na tinitigan niya ang kapatid.   “Coming from you Kuya Froylan?” wika nitong nagsalin na ng tubig sa kanyang baso, “Hindi ba at ikaw ang nagtataboy ng mga ibang suitor ko kasi ayaw mo sa kanila?” may tunog iyon ng paninisi sa kanyang kapatid, “Tapos sasabihan mo akong walang boyfriend?" wika niyang bahagyang natatawa, nang magkabalikan sila ni Lacim ay hindi niya na sinabi pa sa kapatid na lalaki. "Good morning, Ate Ycel.”   “Good morning, Aleigh.” sagot ng babaeng kakapasok lang ng pintuan bitbit ang labahin nila.   “Don’t worry Kuya Froylan,” mapang-asar niyang tingin sa kapatid, “Bukas na bukas din ay mayroon na akong asawa at hindi lang basta boyfriend.” pilosopo niyang saad na tumalikod na.   “Aleigh, kinakausap pa kita!”   “Mamaya na lang, antok na antok pa ako.” taas ng kamay nitong nagsimula ng umakyat ng hagdan patungo sa palapag ng kanilang mga silid, “Good night sa inyong mag-asawa.” lingon niya pang muling kumaway sa kanila, “Anyway, sa hotel po ako natulog kagabi at hindi sa kung saan lang Kuya Froylan, happy? Makakahinga ka na ba nang maluwag ngayon?” ngisi niya pang nang-aasar dito.   Hindi makapaniwala ang nakatingala sa kanyang si Froylan sa kanyang huling mga sinabi.   “Aleigh!” sigaw nito kapagdaka ay itinuro pa siya, “Anong sinabi mo?!” akyat niya ng hagdan.   Malakas na umirit si Aleigh nang makitang umaakyat na ang kanyang kapatid. Alam na niya ang laman ng isipan nito, iyon ay ang nakipaglambutsingan siya sa lalaking na-meet niya sa bar. Sa isiping iyon ay malakas siyang tumawa, ilang sandali pa ay mabilis na siyang tumakbo papasok ng kanyang silid. At ilang sandali pa ay binubugbog na nito ang dahon noon ng kanyang kapatid.   “Buksan mo ito Aleigh, nag-uusap pa tayo!”   “Good night, Kuya Froylan!” sa halip ay tugon niyang bumagsak padapa sa kanyang kama.   Pagkatapos mag-inat ay tumihaya na siya at matamang tumitig ng blangko sa kanyang kisame. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga, prino-proseso pa rin sa kanyang isipan kung bakit tila ba nakalimutan na siya ng kanyang asawa. Naisip niyang imposible na sa mga oras na iyon ay hindi pa nito nakikita ang ecobag ng kanyang mga pinamili. Hindi siya naniniwala dito. Kagat-labi niyang kinuha sa kanyang bag ang cellphone, bahagya niya pang inayos ang envelope doon ng marriage contract nilang nagusot ng kaunti. Muli niyang tinitigan ang huling usap nila.   “Good morning, Babe.” sambit niya na mabilis iyong itinipa sa kanyang cellphone, “Call me kapag hindi ka na busy. Dadalhin ko sa’yo ang marriage contract nating dalawa, alright? I miss you Babe, take care always. You know how much I love you, bakit hindi ka nagpaparamdam?”   Paulit-ulit niya iyong binasa, mapakla siyang ngumiti. Binura niya ang dulong bahagi ng kanyang message, at ang tanging kanyang ipinadala dito ay ang naunang pagbati ng magandang umaga.   “He must be very busy at this moment,” alo na lang ni Aleigh sa kanyang sarili, “Sobrang busy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD