Chapter 1

1474 Words
Natahimik ang babae sa sinabi nito. Unti-unting gumapang sa kanyang magandang mukha ang ikinukubling lungkot sa kabila ng mga sinabi nito at binigkas na pangako sa kanya. "Sana nga Lacim...sana nga ay magawa mo akong pakasalan at iharap sa altar isang araw." bulong niya na hindi narinig ng lalaki dahil sa malakas na pagkulog at buhos na rin ng ulan. Sinamantala ng lalaki ang pananahimik ng nobya, umayos siya ng upo sa sofa. Binuhay ang cellphone at sinimulan niyang i-scroll ang mensaheng nilalaman ng kanyang inbox. Mayroong mga tawag at text doon mula sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Inilapag niya ang bote ng malamig na tubig sa marmol na sahig. Akmang magbabasa na sana ng mga text. "Babe, kapag kasal na ba tayo ay pwede ko ng matikman iyang ano mo?" Halos mabitawan ng lalaki ang hawak niyang cellphone, kung hindi niya lang ito nasalo ay nahulog na ito sa malamig na sahig. Naghuramentado ang t***k ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib na nanlalagkit pa ang pawis. Nilingon niya ang naghihintay ng sagot na kanyang nobya. "Hindi ka pa rin ba bibitaw sa topic na iyan?" napipigtas ang pasensiyang tanong niya dito. Kung tutusin ay hindi na bago iyon sa kanya, sa ilang babaeng nagalaw at dumaan sa kanyang buhay ay naranasan niya na dito ang bagay na iyon. Aaminin niya sa sarili na masarap iyon sa pakiramdam. Subalit nang makilala niya ang kasintahan ay ni minsan ay ayaw niyang gawin iyon sa kanya ng dalaga. Iniisip niya iba ang dalaga sa mga babae na dumaan sa kanyang buhay. Sa isip niya ay panghabang buhay na si Aleigh, hindi panandaliang magbibigay sa kanya ng aliw kung kaya ayaw niyang ipagawa iyon sa kanya. "Sagutin mo ako kapag kasal na ba tayo ay pwede ko ng gawin ang bagay na iyon sa'yo?" Saglit na naghinang ang kanilang mga mata, nag-uusap ng mga salitang silang dalawa lang ang makakarinig at makakaalam. Nag-vibrate ang cellphone ni Lacim, wala sa sarili siyang tumango. "Sige...pagbibigyan kita kapag kasal na tayong dalawa." aniyang pinutol ang titigan at ibinaling na sa screen ng cellphone ang kanyang mga mata. "Kapag kasal na tayong dalawa Aleigh...kapag kasal na." Mapait na ngumiti ang babae sa kanyang tinuran, habang nakatingin sa kawalan. Ayaw niyang umasa sa pangako nitong baka sa bandang huli ay tuluyan lang na mapako. Ayaw niyang umasa dahil kapag ginawa niya iyon, sa bandang huli ay tuluyan lang siyang mawawasak habang nag-iisa. "Pangako mo iyon?" Tumangong muli si Lacim sa kanya nang hindi tumitingin. "Pangakong hindi maglalaon ay tutuparin ko sa'yo Aleigh." Lalo pang pumait ang ngiti ni Aleigh sa kawalan, may duda siya sa mga salitang binigkas nito sa kanya. Mayroon siyang duda kahit na pilit niyang kumbinsihin ang saril na paniwalaan niya pa ang lalaki. "Kung ganun ay salamat." wika niyang tanging siya lang ang nakakarinig. Pabagsak na muling nahiga sa kama ang babae. Saglit siyang nilingon ni Lacim bago tahimik na binasa ang nilalaman ng kanyang mga mensahe. Mico: Dude, kakatapos lang ng kasal ni Julian umalis ka na agad. Gaano ba ka-importante niyang lakad mo ha? Babae iyan ano? Malakas siyang humalakhak nang mabasa ang message nito. Lingid sa kaalaman nila na kasintahan niya si Aleigh na kapatid ng napangasawa ni Julian. Palagi nila iyong itinatanggi kapag tinatanong sila kung ano ang mayroon sa kanila. Bagay na pinagdududahan ng mga kaibigan. Ang isinunod niya ay ang mensahe ng kanyang ina. Mommy: Lacim, where are you? Finally, Eurice is here. Pumunta ka ngayon din dito sa bahay. Huwag mo akong ipapahiya. Sumunod ka sa gusto ko, kahit ngayon lang hijo. Hihintayin ka namin dito. Where are you?! Wala ka sa condo unit mo, nasaan ka?! Kagat-labi niyang isinarado ang conversation nila ng ina at wala sa sariling umiling-iling. Noon pa man ay tutol na siya sa nais nitong mangyari. Hindi lang siya nito pinapakinggan at iniintindi. Ang sunod niyang binuksan ay ang mensahe ng kanyang kapatid na babae. Ate Lakris: Huwag mong ipahiya si Mommy, Lacim ngayon. I can tell her where your secret house is, huwag mo akong piliting sabihin sa kanya iyon. Please lang! Umigting ang kanyang panga habang nakatitig sa mensahe nitong paulit-ulit niyang binabasa. Nanggagalaiti siyang nagtipa ng mensahe para sa sariling kapatid na babae. Lacim: Gawin mo Ate, hindi ako natatakot sa kanya. Ayokong ikasal sa babaeng iyan, hindi niyo ako mapipilit na gawin ang bagay na iyon. Hayaan niyo akong magdesisyon sa aking magiging asawa. Agad nabitawan ng lalaki ang kanyang hawak na cellphone, nang pumulupot sa kanyang hubad na katawan ang mainit na mga kamay ng kanyang kasintahan. Sinisindihang muli nito ang apoy na saglit na namatay sa kanilang mga katawan kanina. Marahan siyang hinalikan ng babae sa leeg patungo sa puno ng kanyang tainga, hanggang sa kanyang nakaawang at gulat na gulat sa kanyang bibig. "Babe, third round?" excited na tanong ng babae sa kanya sa nang-aakit na tinig, "Gusto ko na ulit, I'm getting wet right now." dagdag pa nitong nakakaloko sa kanya. Malawak na ngumisi sa kanya ang lalaki. Marahan niyang pinisil-pisil ang dalawang umbok ni ALeigh sa harapan na matayog pang nakatayo. Umikot ang babae at walang pakundangang sumampa sa kanyang mapagbigay na kandungan. Mahina itong umungol nang maramdaman ang pagtama sa kanyang p********e ng p*********i nitong unti-unti nang nabubuhay at nagigising sa kanyang ginagawa. "Babe, saang parte ng bahay mo gusto?" nakakalokong tanong ng lalaki sa sabik na tinig, "Mamili ka." Malawak na ngumiti si Aleigh na agad ikinawit sa leeg ng nobyo ang kanyang dalawang braso. Lalo pa siyang mahinang napadaing at napaungol nang walang pakundangan nitong ibaon sa kanyang basang p********e ang namamaga at nakahanda na nitong p*********i. Idinikit niya ang labi sa namamasang labi ng nobyo, hindi na maipaliwanag pa ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon ng buhay. "Babe..." anas niya na may pumupungay na mga mata, nakakiusap ang tono niya sa binata. "What is it?" lango sa pagnanasa ang mga mata ng lalaki na marahang hinalikan ang kanyang dibdib, halik na lalo pang nagpaliyab sa apoy na unti-unti nilang ginagatungan sa pagitan ng kanilang mga katawan. "Anong sasabihin mo?" sensual na tanong nito sa dalaga na nilakipan pa ng mahinang tawa. Hindi mapawi ang ngiti sa labi ng dalaga, pumupungay ang mga mata na nakatingin sa nobyo. Kagat-labi siyang umiling, bahagyang nahihiya sa nais na sabihin sa lalaking kaniig ng sandaling iyon. "Sabihin mo na..." pilyo siyang tumawa, sumabay iyon sa malakas na kulog. "Ano?" "Bakit ang sarap mo?" bulgar na tanong ni Aleigh sa kanya. Malakas na tumawa si Lacim, naiiling sa labis na kapilyuhan ng nobya. Niyakap niya pa ito nang mahigpit na siyang naging dahilan ng pagkawala muli nito ng mahinang mga ungol sa bibig. Maingat na inalalayan niya ang hubad na likuran nito bago marahang tumayo sa sofang inu-upuan. Mabilis na pumulupot sa beywang ng lalaki ang dalawang binti ng babae, kasabay ng papalakas pa nitong mga ungol. "Aah...babe...aah...ang sarap...aah..." liyad-liyad pa ng kanyang katawan. Halos tumirik na ang mga mata ni Aleigh nang lalo pang bumaon ang p*********i nito sa kanyang p********e nang magsimula itong marahang humakbang. Hindi maiwasan ng dalaga ang mapahalinghing pa dahil sa ibinibigay nitong kakaibang sensasyon sa kanyang buong katawan. "Huwag kang malikot." abot ni Lacim sa nakaawang na bibig ng nobya, bahagyang natatawa. Isinabunot ng babae ang kanyang dalawang kamay sa buhok ng kanyang kasintahan. Pilit humahanap dito ng kanyang mahahawakan. Natigilan ang lalaki sa paghakbang nang mas lumakas pa ang ingay na ginagawa nito. Tinitigan niya ang magandang mukha ng babae. Ilang saglit pa ay napangiti siya sa dalagang kaniig at kayakap. Walang ano-ano ay hinalikan niya ito sa nagpapawis niya ng noo, bumigat ang kanyang paghinga na puno ng pagmamahal sa dalaga. Alam niyang kaya niyang gawin ang lahat para sa dalaga, alam niya sa sarili niyang hulog na hulog na siya sa katawan ng dalagang makurba. "Mahal na mahal kita Aleigh." walang anu-ano ay sambit ng binata sa dalaga. Idinilat ng babae ang kanyang nakapikit na mga mata na bahagyang dinadala na sa malayong banda. Tumambad sa kanya ang nakangiti at pawisang mukha ng kasintahan. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa magulo nitong buhok, dinala iyon sa magkabilang pisngi ng lalaki. Malawak siyang ngumiti dito. "At mahal na mahal rin kita Lacim." aniyang tinaniman ng halik ang labi nitong patuloy pang lumalim. Naging labas-pasok ang dila nilang dalawa sa bibig ng isa't-isa. "Mahal na mahal kita, Babe." Pilit pinigilan ni Aleigh ang mapahikbi. Mabilis na namasa ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Naramdaman niya ang magkahalong lungkot at saya. Alam niya at nakikita niya kung paano siya mahalin ng lalaki, kung paano siya nito alagaan araw-araw. Kaya lang ay hindi niya maiwasang mag-alala sa pamilya nito. Hindi lang iyon tungkol sa kanyang wasak na pamilya, tungkol rin iyon sa mapagmataas at magaspang na ugali ng sariling pamilya ng lalaki na alam niyang pangunahing hadlang sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD