Chapter 36

2719 Words

Makulimlim ang kalangitan ng umagang iyon, mukhang uulan kung kaya naman ay hindi inilabas ni Aleigh ang Senyora upang paarawan. Sinabi rin sa kanya ng Donya na ayos lang kung hindi sila lalabas ng umagang iyon. Sinamahan niya lang ito sa ibaba upang sumabay ng agahan sa nag-iisa nitong apo na kakarating lang ng mansion galing sa mahabang bakasyon sa ibang bansa. Ilang buwan itong nawala at nang bumalik ay mapapansin sa kanyang mukha ang labis na pagod sa pinagdaanan niya. Nang nagdaang gabi pa ito dumating, nalaman iyon ni Aleigh nang pumasok ito ng silid ng matanda upang yakapin ang kanyang Lola Juliana na halatang na-miss niya. Hindi napapansin ng dalaga na unti-unti na siyang humahanga sa kanyang Senyorito. Sa pagmamahal nito sa matanda, sa pagpapahalaga nito sa nag-iisang kapamilya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD