Muling ipinikit ni Aleigh ang luhaang mga mata, ipinagpatuloy ang kanyang pagbabalik ng tanaw sa pagtakas na kanyang plinano ngayon ng kaibigan niya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad ng mga sandaling iyon, subalit agad siyang natigilan nang matanaw ang dalawang kapatid na nasa unahang banda. Mabilis at marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Inayos ang gusot na suot na damit, ang pagkakatayo niya sa lupa at maging ang kanyang pekeng mga ngiti. “Ate Aleigh?” si Axel nang makilala na siya nito, galing sa paaralan ang dalawa niyang kambal na kapatid. “Saan ka pupunta?” mabilis pa nitong sinipat ang kanyang mga pasa sa braso, binti at mukha. “Sinaktan ka na naman ngayon ni Itay.” hindi iyon patanong kung hindi isang statement ng kanyang kapatid. Pilit na ngumiti sa kanila ang dalaga,