Marahang kinagat-kagat ni Aleigh ang kanyang pang-ibabang labi habang nahihiyang nakaupo sa sala ng tahanan ng kanyang kaibigan. Nasa harapan nilang dalawa ni Aiza ang mga magulang ni Aiza na labis na nagulat sa mga sinabi ng anak nila sa kanila. “Anong sinabi mo, Aiza?” my diin na muling tanong dito ng kanyang ama na napapakamot na lang sa ulo habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Isasama ko po si Aleigh sa Maynila,” tugon nito sa amang nagkataong siyang kapitan ng kanilang baranggay, “Magtra-trabaho po siya upang makalayo na rin sa kanila.” Pagak na tumawa ang kapitan sa padalos-dalos na desisyon ng kanyang nag-iisang anak. Hindi naman ligid sa kanyang kaalaman ang nangyayaring pananakit ng mga magulang ni Aleigh sa kanya. Kalat na kalat iyon sa kanilang baranggay, at