Kahit madilim dito sa loob ng truck ay nakita kong tumayo ang isang lalaki at balak lumapit sa ilaw para buksan ‘yun. Ngunit hindi naman ako papayag. Maliksing umangat ang isang paa ko para sipain ang likod nito. “Awhh!” nadaing ng lalaking sinipa ko at ngayon ay natumba. “Ano'ng nangyayari sa ‘yo, Mole? Bakit dumaing ka sasakit?” tanong ng isang kasamahan nito. “B-Bossing! May sumipa sa akin. May kalaban dito sa loob ng truck...” Hindi ko ito pinatapos magsalita dahil walang babala kong hinampas ang batok nito. Dahilan para ito’y bumagsak at mawalan ng malay tao. Hindi ko sila puwede patayin, dahil kailangan namin sila upang paaminin. “Mole! Mole! Ayos ka lang ba?” tanong ng mga kasama nito. Ako naman ay maliksing lumapit sa dalawang lalaki. “Yes, ayos lang siya…” bulong ko, sabay