Natauhan lamang ako sa pagkabangag ko nang marinig kong may papalapit dito sa kinaroroonan namin ni Mr. Chaka. Mayamaya pa'y biglang umalis ang lalaki sa aking harapan at tuluyang lumabas ng kusina. Dali-dali ko namang inayos ang aking sarili. Pinilit kong maging-normal ang tabas ng mukha ko. Upang hindi ako mahalata na kabado ng Ina ng lalaki. “Pasensya ka na, hija, kung natagalan ako, ha. May kinausap pa kasi ako sa cellphone,” paghingi nito ng paumanhin sa akin. “Wala pong problema, Ma'am,” magalang na sagot ko sa babae. “Pakibigay mo na lang ito sa Inay mo, Zyle, hindi ko iyang naibigay noong nakaraang araw. Alam kong kailangan ninyo ng pera. At itong tatlong box na pizza na aking ginawa ay dalhin mo na rin sa hospital upang may makain ang mga kapatid mo,” anas ng babae sa akin.