Magtago Hanggang May Lupa 12

1510 Words

Walang mababakas na ano mang emosyon sa aking mukha lalo na nang makita kong hawak ng tatlong lalaki ang aking kapatid na si Seri. At pinipilit talaga nilang paaminin kung na saan ako. “Siya ba ang kapatid mong bastarda, ineng?” tanong ng lalaking sarat ang ilong. “Hindi bastarda ang Ate ko. Puwede ba umalis na kayo! Hindi kami papayag na basta na lang ninyong kuhanin ang Ate ko. Saka, hindi tama ang ginawa ng Itay ko!” galit na sabi ni Seri. “Bitawan ninyo ang kapatid ko, ako ang harapin ninyo!” mariing sabi ko sa tatlong lalaking mukhang talaba ang tabas ng mukha. “Madali ka naman pa lang kausap, babae. Sumama ka na sa amin at hindi ka masasaktan,” anas ng unang lalaking talaba. Hindi ako tumugon sa sinabi nito. Tumingin ako kay Seri na ngayon ay nakikita ko sa mukha nito at takot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD