“Ha? Pinagtataguan? Sino naman ang pagtataguan ng Ate Zyle mo, eh, wala namang kakilala rito sa ating lugar ‘yun,” dinig ko namang anas ng Inay ko. Naku! Talagang hindi na ako magpapakit sa lalaking chaka na ito. Gagawin ko ang lahat upang hindi magkrus ang landas namin. Kahit maghukay pa ako ng lupa, basta ang mahalaga ay makapagtago ako rito. “Ay, siyanga pala, Senyorito Colby, matanong ko lang po. Bakit po pala kayo napunta ulit dito?” narinig kong tanong ng aking Inay sa lalaking chaka. “Hmm! Ibibigay ko lang po itong bayad sa paglalaba, hindi ko po kasi naalala kanina.” “Naku! Senyorito Colby, nag-abaala ka pang dalhin dito. Puwede namang ako na lang ang pumunta roon mamaya. Saka, babalik pa po ako roon para tupiin ang mga damit mong nilabhan namin ng anak kong si Zyle.” “Wala