Parang gustong sumabog ng bungo ko ng mga sandaling ito. Kaya naman, muling lumipad ang paa ko sa leeg ng dalawang lalaking kaharap ko. “Hayop!” narinig kong bulalas ng unang lalaking sinipa ko. Napansin ko ring papasugod siya sa akin. Ngunit walang katakot-takot na sinalubong ko ito. Biglang kong ikiniling ang aking ulo upang hindi nito matamaan ng suntok ang aking mukha. Ngunit ang kamay kong nakabuka ay tuloy-tuloy na lumapat sa leeg nito. Inangat ko rin ang aking tuhod at ubos lakas kong tinuhod ang itlog nito na kinasigaw ng malakas ng lalaki. Hindi pa ako nasiyahan, dahil muling kung sinuntok ang ilong nito, dahilan para tuluyang dumugo ito. Hanggang sa maramdaman kong may papalapit sa akin mula sa aking likuran. Kaya naman walang pag-aalinlangan kong inangat ang aking paa upang