"Matawagan nga si Mommy," sabi ni Sophia sa sarili. "Hello! Mom..." halata ang excitement sa mukha ni Sophia nang makausap niya ang kanyang ina na matagal nang nasa ibang bansa upang magtrabaho duon.
"Hi! Kumusta ka, hija?" Masuyong tanong ng Ginang sa anak.
"Can we talk?" wika ni Sophia sa kanyang ina.
"Tungkol saan, anak? Kinakabahan naman ako Sophia. Ano ba iyon?" pagtataka ng ina.
"Remember Liza yung kaibigan ko nung high school?" aniya.
"What about, Liza? May problema ba? Is she okay?" usisa ng ina.
"Okay, naman siya, Mom.., There's something that came up between us," malungkot na sagot ni Sophia sa ina. "Akala ko lang kasi Mom matatanggap niya ako! Gaya ng pagtanggap mo sa akin," dagdag pa nito.
"Hija, syempre anak kita, eh! Kahit ano ka pa tatanggapin kita ng buong puso!" halata sa boses ng ina ang pag-aalala nito sa anak. "Sophia, listen. Hindi mahirap makalimot lalo na kung gugustuhin mo. Kailangan mo rin gawing occupied ang buhay mo, maging busy ka doing something that won't remind you of her," dugtong pa nito.
"Thanks, Mom... I miss you so much!" sagot nito sa ina. "Bye, na Mommy!"
"Okay, anak. Take care!" masayang tugon ng ina.
Parang nabunutan ng tinik si Sophia sa mga narinig sa ina. Makalipas ang ilang buwan ay maayos-ayos na si Sophia at ipinagpatuloy lang niya ang buhay niya gaya nga nang sabi ng kanyang ina. At sa ‘di kalayuan ay natanaw niya si Leo na papalapit sa kanya.
"Himala! Napadaan ka!" ngisi nito sa binata.
"Naghahanap kasi ako nang part time job. Baka naman may opening sa cafe bar?" seryosong tanong ni Leo.
"Mag-iwan ka na lang ng resumē kapag nagkaroon ng bakante ay ikaw agad ang tatawagan ko," ani Sophia. "Oo, nga pala, matagal ka na hinahanap ni Liza. Ano bang nangyari sa ‘yo? Last na alam ko dumalaw ka raw sa dorm nila tapos hindi ka na nagparamdam?" dagdag pa nito.
"I had an accident. I can't tell you the details but I was in the hospital for several months. I was only discharged last week," halata ang lungkot sa mga mata ni Leo ng sabihin ito kay Sophia. "Kumusta na siya?" ang nais niyang ipahiwatig ay kung kumusta na si Liza.
"Sh… she's okay!" payukong sagot nito.
"Gusto ko sana siyang makausap, Sophia. Nasa dorm kaya siya ngayon?" tanong nito.
"Hindi ko alam, eh! Medyo matagal na rin siyang hindi nagagawi rito sa bar," aniya. "Subukan mo na lang siyang puntahan sa dorm baka nanduon pa siya," dagdag pa niya.
Pinalipas muna ni Leo ang ilang araw bago siya bumisita kay Liza. Kinakabahan siya at iniisip na baka hindi na naman magustuhan ni Liza ang pagdalaw niya. Bumili muna siya ng bulaklak bago tuluyang pumunta ng dorm. Nang akmang kakatok na siya sa pintuan ng dorm ay siya namang labas ng dalaga. "Le--Leo..." namilog ang mga mata ni Liza ng makita niya sa Leo sa kanyang harapan. Niyakap niya ito nang mahigpit at ikinagulat naman iyon ng binata. "Kumusta ka na?" tanong nito kay Leo.
"I...I'm okay!" Napangiti siya.
"Tagal mong hindi nagparamdam," biro nito sa binata. Sa tagal nilang hindi nagkita ay halos hindi na maalis ang tinginan nila sa isa't-isa. Nakalimutan na rin ni Leo na iabot ang dala-dala nitong bulaklak para sa dalaga.
"Para sa akin ba 'yan?" pang aasar na tanong ni Liza.
"Ay, oo nga pala!" sabay abot nito sa bulaklak. "Papasok ka pa lang ba sa klase?" tanong pa nito.
"Oo, bakit?"
"Pwede ba kitang ihatid?" Habang sa likuran nila ay panay kantyaw ng mga ka dorm ni Liza na halatang kinikilig sa dalawa.
"Sige na, Liza pumayag ka na!" pabirong sabi ng isa sa ka dorm niya.
Habang bumababa ang dalawa sa hagdan ng dorm ay panay kantyaw pa rin ng mga kaibigan nito. Nagulat at halos napaigtad si Liza nang hinapit ni Leo ang kanyang beywang at nanakawan sana siya nito ng halik ngunit nakaiwas ang dalaga.
"Hoy! Sumosobra ka na ah..." inis na umirap siya rito. “Subukan mong ulitin ‘yan at magkaka black eye ka na!" banta pa niya rito. Nagpatuloy sila sa paglakad hangga’t makarating sa sakayan ng jeep. Ngunit, ano 'tong tila may paparating na kakilala niya na matagal na niyang iniiwasan...
"Si So--sophia..." Nagmadaling umakyat sa jeep si Liza.
"Hoy! Leo sasakay ka pa ba?" galit na tanong niya rito.
Nang akmang sasakay na si Leo ay kinalabit siya ni Sophia sa balikat at animo'y galit na galit. Laking gulat ni Liza na sumakay rin si Sophia at sadyang tinabihan siya nito. Halos buong biyahe ay hindi sila nag-iimikang tatlo. Kinakabahan si Liza sa anumang sasabihin nito sa kanya. Ngunit, ikinagulat niyang ni hindi man lang ito kumibo hanggang sa bumaba na ng jeep.
"Problema nun?" pagtatakang tanong ni Leo kay Liza.
"Wala ‘yun! Huwag mo na lang intindihin.” Bahagya siyang napabuntong hininga. “Tara na!" pag-aaya sa binata.
Nang makapasok na si Liza sa gate ng University ay siyang alis naman ni Leo upang puntahan si Sophia at para kausapin patungkol sa nangyari sa jeep. Pero hindi na niya ito naabutan sa cafe bar. Nagtanong tanong siya kung anong oras ito makakabalik pero walang nakakaalam kung anong oras. Lingid naman sa kaalaman niya nakatanaw lang pala si Sophia sa ‘di kalayuan at nang makaalis siya ay siyang pasok naman ni Sophia sa bar. Halata ang inis sa mga mata ni Sophia pero hindi niya ito pinapahalata sa mga kasamahan niya para hindi siya usisain ng mga ito.
Napailing si Sophia at naglakad papunta sa kitchen corner ng bar saka kumuha siya ng baso at nagsalin ng vodka at napabuntong hininga at nasabing… "Ang tanga ko! Chance ko na ‘yun para makausap siya," iritableng bulong sa sarili.
Sa kabilang banda ay may nagmamasid pala sa kanya. "Are you okay?" tanong ng isang customer na matagal na palang nakatingin sa kanya.
"Yup!" tipid na sagot nito.
"Gusto mo ba ng kausap? Pwede naman ako!" pabirong sabi ng babae.
"No, I… I'm okay!" sagot nito kahit halata naman na hindi siya okay. Ibinaba na niya ang baso at sabay alis. Pero nagulat siya ng sundan siya ng babaeng nangungulit sa kanya.
"Miss, out na ako sa work. Kung gusto mo uminom puntahan mo na lang yung naka duty na bartender at pagawa ka ng alak na gusto mo," inis na komento ni Sophia sa babae.
"Eh, pano ba ‘yan, ikaw ang gusto kong gumawa ng drink ko," pang aasar na sabi nito.
"Back off..!" pasigaw na sabi ni Sophia. Nagulat ang babae sa sigaw niya at biglang kumaripas ito ng takbo pabalik ng bar.