Chapter 4

1398 Words
Back off.. Ang huling salita na narinig niya mula kay Sophia. Wala naman talaga siyang balak sundan ito. "Infairness cute siya," sabi niya saka ngumiti. Naisip niyang dumaan muna sa bar counter para umorder ng orange juice marahil gusto niyang magpababa ng tama bago umuwi. "Miss, order mo," sambit ng bartender. "Thank you," aniya. Hindi pa nangangalahati ang kanyang iniinom ay nagtanong na siya. "Kuya, anong pangalan ng kasama mong bartender?" Habang iniikot-ikot niya ang straw sa baso. "Sophia po. Bakit niyo naman po naitanong?" Kukurap-kurap ang mga mata niya sa narinig. "Sophia? What? That gorgeous guy is a lady? Damn!" Napamura siya ng malaman iyon. "Oo, obvious po ba?" Ngisi ng bartender sa kanya habang nagpupunas ng lamesa. "Oh, I see. Kaya naman pala ganun na lang naging reaksyon niya sa sinabi ko," aniya habang inuubos ang kanyang iniinom na orange juice. Pasakay na sana ng jeep si Sophia ng maalala niya na naiwan niya palang naka charge ang cellphone niya sa locker room. Dali-dali niya itong binalikan at laking gulat niya ng madatnan pa niya sa bar ang babaeng nangungulit sa kanya. "Hi!" Bati ng babae sa kanya. Tumango lang ito at nagmamadaling pumunta sa locker room para kuhanin ang naiwang cellphone. Hindi niya namalayan na sinundan pala siya nito. Napaigtad si Sophia ng biglang may humapit sa kanyang bewang. "S-s**t!" Napamura siya sa ginawa ng babae. "Okay ka lang, Miss? Bitawan mo nga ako!" inis na sabi ni Sophia habang nagpupumiglas sa pagkakahapit ng kanyang bewang. "Ang arte mo naman!" Napailing at napangisi na lang si Sophia sa ginawa ng babae. Paalis na sana si Sophia ng biglang isinara ng babae ang pinto ng locker room at humarang ito. Mabuti na lang at walang tao ng oras na iyon. Pilit hinaharang ng babae ang kanyang sarili sa pinto. "Miss, pwede bang umalis ka sa daraanan ko?" Singhal ni Sophia ngunit hindi siya pinakinggan nito bagkus ay hinagkan pa siya sa labi. Halata ang pagkabigla sa mukha ni Sophia sa ginawa ng babae. "Miss, lasing ka ba? If I were you uuwi na ako," dagdag pa niya na halata ang pamumula sa pisngi. Wala siyang nagawa kundi ang maupo at titigan ang babae sa pinto. Ayaw na niyang makipagtalo dahil alam niyang nakainom na ito. "Bakit hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko? Wala ka man lang bang naramdaman na kakaiba?" tanong nito habang hinahaplos niya ang mukha ni Sophia. Hindi nagustuhan ni Sophia ang paghaplos sa mukha niya kaya tumayo ito at nagpumilit buksan ang pinto. "Alis diyan! Buksan mo ang pinto at nagmamadali ako! Kung gusto mo ng kausap doon tayo sa labas. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng mga kasamahan ko," mahinahong sabi nito. Pero hindi natinag ang babae at patuloy itong nang-asar. Kinuha niya ang kamay ni Sophia at inilagay ito sa kanyang dibdib. "Pakiramdaman mo ang init ng aking katawan," kagat labi itong sinabi ng babae. Hindi na nakapagsalita pa si Sophia sa tinuran ng babae. Bigla niyang naisip na sakyan na lang ang trip nito kaya imbes na alisin ni Sophia ang kanyang kamay sa dibdib ay unti-unti na lang itong lumapit at gumanti ng halik. Natigilan lang ang dalawa ng may biglang kumatok sa pinto. "Sophia! May naghahanap sayo." Sigaw ni Edgar, isa ito sa kasamahan niya. Hindi niya narinig ang sigaw ni Edgar, marahil ay sa sobrang lakas ng sounds sa labas. Muli siyang nakiusap sa lasing na babae. "Miss, lumabas na tayo baka kasi makita tayo ng manager tiyak na mapapagalitan na naman ako." Pakiusap niya habang hawak-hawak ang doorknob ng pinto. Pero hindi pa rin siya talaga pinakinggan nito bagkus ay hinila pa siya papasok at muling hinagkan ang mga labi nito. Sa bawat paglapat ng kanilang mga labi ay nakakaramdam si Sophia na parang kuryenteng dumadaloy sa buo niyang katawan. Napapapikit siya sa bawat dampi ng labi ng babae. Muli siyang tinawag ni Edgar. "S-Sophia! Nandyan ka pa ba sa loob?" untag ni Edgar na takang-taka na kung bakit naka lock ang pinto ng locker room. Sa lakas ng tawag ni Edgar ay natigilan ang dalawa. Nahimasmasan ang babae sa lakas ng sigaw at pagkalabog ng pinto nito kaya naisip na niyang magpakilala na kay Sophia bago pa may makakita sa kanilang dalawa sa loob. "My name is Zoe," aniya sabay sabing, "Ang sarap mo pa lang humalik. You're a good kisser. First time mo lang ba mahalikan ng kapwa babae?" tanong nito sabay tawa ng malakas. "O, bakit namumula ka?" dagdag pa nito. Napakamot ng ulo si Sophia habang inaayos nito ang lukot na kwelyo ng kanyang damit. "A-ano? Paano mo naman nasabing first time ko lang mahalikan ng babae?" aniya na nakangisi na parang aso. "Wala. Feel ko lang." Tumawa ito ng malakas. Bago sila lumabas ng pintuan ay pinigilan niya si Zoe para alamin kung may tao ba sa hallway at ng masiguro na walang makakakita sa kanila ay kumaripas sila ng takbo papalabas ng bar. Sa parking lot ay nakipag kamay si Sophia. "Nice to meet you, Zoe," wika nito na sinabayan pa ng halik sa pisngi. Nahihiya man siyang aminin pero may kakaiba siyang naramdaman sa sandaling pangyayaring iyon. At ng hindi nakatingin si Zoe ay ngumiti ito ng palihim. Bakas na bakas sa mukha niya ang kasiyahang nadarama. Nang may dumaang taxi sa kanilang harapan ay pinara niya ito at pinauna niyang sumakay si Zoe. Gustuhin man niyang ihatid ito hindi niya magawa dahil maaga pa ang pasok niya at malayo ang uuwian nito. Pinara na rin niya ang sumunod na taxi na dumaan. Kahit pagod na siya at gustuhing matulog ay hindi siya dalawin ng antok. Tumayo siya sa pagkakahiga at humarap sa salamin. "Good kisser ba talaga ako?" tanong niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Tinangka pa nga niyang halikan ang sarili sa salamin. Sabay tawa ng malakas. "Nababaliw ka na Sophia. Matulog ka na nga!" aniya. Bumalik na siya sa kama at nagtalukbong ng unan sa mukha. Hanggang sa pagtulog ay hawak-hawak niya ang kanyang labi. Kinabukasan ay ginising siya ng malakas na tunog ng alarm clock. Maging sa paggising niya ay nakangiti pa rin siya. Daily routine ang maligo, kumain at magbihis ng uniform. May usapan kasi sila ni Zoe na magkikita sa bar kaya halos paliparin na niya ang taxi na kanyang sinasakyan. Tama lang ang dating niya sa bar, naroon na rin si Zoe. Pagpasok pa lang niya ng pinto ay sinalubong na siya agad ng masamang balita mula kay Zoe. "Flight ko na mamaya pabalik Singapore." "Ha? Agad-agad?" tanong niya sabay sipa ng upuan ng mesa at kumaripas ng takbo papuntang kitchen. Luminga-linga naman si Zoe sa hallway at ng makitang walang tao saka niya sinundan si Sophia. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao sa bar. Pagkakita niya kay Sophia ay niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi umiimik si Sophia kaya hinaplos niya ang mukha nito. "Babalik naman ako," saad niya sabay yakap nito. "Mag-iiwan na lang ako ng number ko sayo just in case na gusto mo ako makausap," dagdag pa niya na pilit inaangat ang mukha ni Sophia sa pagkakayuko nito. Nagpasalamat din ito sa kanya. Napatingin sa kanya si Sophia. "What do you mean?" "Saan?" "Sa pa thank you mo," tugon niya na naguguluhan. Ngiti lang ang naisagot ni Zoe at yakap na mahigpit. Napaupo si Sophia sa stool para itago ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mata. "O, ngayon ka pa ba iiyak? We have a lifetime of getting to know each other. Unless ayaw mo?" "Sira ka ba? Syempre gusto ko," sagot ni Sophia habang pinupunasan ang kanyang luha. "Tama na nga iyan. Baka kung ano pang isipin ng mga kasamahan mo." Hindi na nagsalita pa si Sophia. Sa halip ay niyakap niya si Zoe ng mahigpit at hinalikan sa labi. Sa mga sandaling iyon ay naalis saglit sa isipan niya si Liza. At itinuon ang atensyon sa bago nitong kaibigan. Kahit isang araw pa lamang sila nagkakilala ay naramdaman agad ni Sophia na espesyal siya kay Zoe at ganoon din naman ang nararamdaman niya para sa dalaga. Pagkatapos nila makapag-paalam sa isa't-isa ay hinatid na siya sa sakayan ng bus. "Sophia, mami miss kita! Lalo na ang halik mo," aniya sabay yakap ulit sa kanya. Habang nag-aabang sila ng masasakyan sa waiting shed ay naaninag niya si Liza na paparating. Ngumiti lang ito sa kanya na wari mo ay walang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD