Chapter 2

1223 Words
Pinalipas ni Liza ang isang linggo na hindi nagpaparamdam sa kaibigan. Inisip na lang ni Sophia na siguro ay busy lang talaga ang kanyang kaibigan. Kapag dumadalaw naman siya sa dorm, hindi siya nilalabas nito at palaging dormmate lang ang humaharap sa kanya.    "Sorry, Sophia, ayaw kang kausapin ni Liza," sabi ng isang ka-dorm ni Liza.     "Pakisabi na lang na babalik ulit ako," ani Sophia. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Pinalipas pa ni Sophia ang ilang araw para palamigin ang sitwasyon. "Mas maayos na rin siguro kung hindi ko tuluyang ilalapit ang loob ko kay Liza dahil alam kong wala naman itong patutunguhan," aniya sa sarili.      Lumipas ang ilang araw. "Ate Liza, may naghahanap po sa inyo sa labasan!" Pasigaw na sabi ng isang kasama sa dorm.     "Sino raw? At bakit?"     "Hindi ko po alam. Mukhang tomboy!" Dagdag pa nito.     Kumaripas ng takbo si Liza pabalik ng silid. "Sabihin mo na lang na wala ako!" aniya sabay sara ng pintuan ng silid.    "Liza, huwag mo na akong pagtaguan alam ko naman na andyan ka lang sa iyong kwarto. Buksan mo! Mag-usap tayo!" Nagmamakaawang katok ng kaibigan.      "Umuwi ka na!" iritableng sagot ni Liza.    "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap."     "Ayaw kitang makausap!!" Sigaw ni Liza.     Hindi muna umimik si Sophia. At inakala naman ni Liza na umalis na ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto para alamin kung naroon pa ang kaibigan. Laking gulat nito nang biglang pumasok si Sophia sa kanyang silid.     "I hate you! I hate you! Sophia!" Nagtakip siya ng kumot, pagkatapos umasta na parang bata. Hinayaan lang siya ni Sophia na manggalaiti sa galit. Pinagtatawanan ni Sophia ang galit ng kaibigan. Dahil alam niyang sandali lang naman ito magtampo sa kanya.      Pinakita ni Sophia ang paper bag na dala niya. Stuffed toy ang laman niyon. "Feeling mo pag binigyan mo ako niyan eh, mapapatawad na kita sa ginawa mo sa akin?" ani Liza sa kaibigan.     "Liza..."  Napalingon ang dalaga kay Sophia nang biglang hinalikan siya nito. Dampi lang iyon na nagtagal siguro nang limang segundo. Natulala at hindi makapagsalita si Liza sa ginawa ng kaibigan.     Napakamot ng ulo si Sophia at hiyang hiyang sa nagawa. "Ano bang kala mong gagawin ko sa ‘yo at natulala ka riyan?" Walang anu-ano ay binuhat niya ito na parang isang sako lang ng bigas. Lingid sa kanilang kaalaman na matagal na pala silang pinagmamasdan ng mga ka dorm ni Liza dahil naiwan nilang bukas ang pintuan.     "Ibaba mo ako, Sophia! Ibaba mo sabi ako, eh!" Sigaw nito na pinaghahamapas pa ang likod ni Sophia gamit ang stuffed toy na ibinigay nito. "Tsaka ba't mo ako hinalikan?" wika niya.     "Nang manihimik ka sa ka-dramahan mo!" pabirong sabi ni Sophia.  Sandaling nanahimik si Liza. "Okay na ako. Ibaba mo na ako." Humihikbi- hikbi pa ito.     "Promise mo muna na hindi ka na galit sa akin," ngumiisi ito kay Liza.     "Ang daming arte! Ibababa lang ako, ang daming hinihiling!" pagalit na sagot ng dalaga.     "Ayaw mo?" aniya habang buhat buhat niya ito. Hindi naman kalakihan si Sophia pero kayang-kaya niya ang kaibigan.     "Oo na! Oo na! Promise! Tama na! Ibaba mo na ako!" Inis na sagot ni Liza.. Ibinaba na siya nito, at pabirong sinabi... "Pwede bang magbawas ka naman ng timbang mo. Dinaig mo pa yung bigat ng ilang kilong bigas." Nang akmang sasampalin siya ni Liza ay nagawa naman niyang umiwas agad dito. Sa sandaling iyon ay nagkaayos na rin sila ni Liza. Umalis si Sophia na may uwing ngiti sa labi.  Pagdating ni Sophia sa bahay ay pasipol-sipol pa ito. Matutulog si Sophia na may ngiti sa kanyang labi. "Kakaiba talaga ang dala ng pag-ibig," wika niya. Napabuntong hininga siya at nag-isip. Napagdesisyonan niyang sabihin na ang lahat sa kaibigan patungkol sa tunay nitong nararamdaman. "Hindi sa naninigurado ako pero iyon ang alam kong dapat," anito sa sarili.      Bitbit ang excitement na nabitin ay positibo niyang nilakad ang kanyang pinapasukang cafe bar para alamin kung nagawi na roon ang kaibigan. Hindi na siya nagbitbit ng pasalubong para kay Liza, para hindi na mag usisa pa ang mga kasamahan nito sa trabaho.     Napangiti siya dahil sa ‘di kalayuan ay natanaw na niya ang kaibigan. Nakatayo ito sa may pintuan ng cafe bar. "Her smile made me weak," wika sa sarili. "Anong ginagawa mo sa pintuan Liza, bakit hindi ka pumasok sa loob?" aniya.     "Sinadya kong dito ka antayin para itanong kung nagawi na ba rito si Leo?" tanong ng kaibigan. Kita ang pagkadismaya sa mukha ni Sophia nang marinig niya iyon. Napailing na lang ito sa tanong ng kaibigan. "Bakit mo naman hinahanap si Leo? May usapan ba kayo ngayon na rito magkikita?" aniya.     "Wala naman," tugon ni Liza.     "Eh, bakit mo nga siya hinahanap dito?" pang uusisa ni Sophia na nagsalubong ang mga kilay. "Baka lang kako nagawi siya rito, sige na nga babalik na ako sa klase ko," sambit ni Liza kasabay ng kanyang pagyuko.     "Liza, sandali. Pwede bang magtanong?" seryosong sabi nito.     Halata ang pagtataka sa mukha ni Liza. "Ano iyon?" Kinakabahan siya pero na-eexcite siya sa kung ano man ang sasabihin sa kanya ni Sophia. Pakiramdam niya ay sasabihin na ng kaibigan ang gusto niyang marinig.     "Tanggap mo ba ako, Liza?" seryosong sabi nito.  Napakunot ng noo si Liza. "O... oo naman. Tanggap na tanggap!" may halong pagtataka ang sagot ng dalaga.  Nanahimik ng sandali si Sophia. "I mean, kahit ano ako? Lahat ng meron ako? Ang kalagayan ko?" wika nito. "Lahat! Tanggap ko naman lahat sayo. Bakit ano pa ba ang gusto mong isagot ko?" Dagdag pa nito. "Gusto ko sanang sabihin sayo pero nagdadalwang isip pa ako. Gusto ko sana na mahalin ka na higit pa sa isang kaibigan pero natatakot ako kung matatanggap mo ako," muli niyang iniyuko ang kanyang ulo kahit pa halata ang pamumula ng mukha nito.     "Mahal kita… pero hanggang kaibigan lang, Sophia," sagot nito sa kaibigan.     Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sophia sa sinagot ng kaibigan. Bumakas sa mukha niya ang pagkadismaya ng marinig ito. "Ah… Ahh, ganun ba?" panlulumong sagot ni Sophia.  Natapos ang kanilang pag-uusap na para bang walang nangyari. Bumalik si Liza sa klase at si Sophia naman ay pumasok na sa cafe bar. Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago siya humarap sa mga customer sa bar.  Habang siya ay gumagawa ng alak para sa customer bigla itong napaisip at natanong ang kanyang sarili. "Dapat ko pa ba siyang mahalin? Marami naman ang tulad ko na nakakatagpo pa ng mamahalin. Karapatan ko rin naman ang mahalin. Makakaya ko pa ba siyang mahalin? Bakit kailangan ko maramdaman ang ganitong sakit? Mahal ko ba talaga siya o mahalaga lang siya sa akin bilang kaibigan? Naguguluhan ako!" anito sa sarili.     "Sophia?" ani Liza. Laking gulat nito nang biglang sumulpot ang kaibigan. "Friend, makinig ka sa sasabihin ko." pinranka niya ito. "Ayokong maging bahagi ka ng miserable kong buhay."  "Mise-.." Pinigilan niya akong magsalita pa.  "Okay, naman tayong ganito lang ‘di ba? Magkaibigan. Hayaan mo na lang na mahalin ka ng iba," sinabi ito ni Liza na may lungkot sa mukha. Niyakap niya ito. She patted her back to ease the pain. "Hindi ko man mabura ang sakit, gusto ko lang sabihin na nandito lang ako para sa ‘yo," wika nito sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD