Chapter 5

1189 Words
Nang makaalis na ang bus ay nakaramdam na naman ng lungkot si Sophia. Biglang nanumbalik sa kanyang alaala ang mga pangyayaring hindi niya malilimutan. Kakatwa at pareho pa ang pangyayaring iyon nang una niyang mahalikan si Liza sa dorm at ang halik niya kay Zoe. Pero kakaiba ang naramdaman niya kay Zoe kaysa kay Liza. Sa sobrang lungkot ay napaupo siya sa waiting shed at napabuntong-hininga. "Sana bumalik siya," aniya. Sino kaya sa dalawa ang nais niyang bumalik? Ang matalik na kaibigan o ang bagong kaibigan? Samantalang sa di-kalayuan ay pinagmamasdan na pala siya ni Leo. Isa si Leo sa itinuturing na rin niyang kaibigan kahit na noong una ay tingin niya rito ay isang karibal kay Liza, pero hindi nagtagal ay napalapit na rin siya rito. Habang nakayuko at nag-iisip hindi niya namalayan na paparating si Leo. Nagulat na lang siya nang tapikin siya nito sa balikat. "Lalim yata ng iniisip mo?" ani Leo na nakakunot ang noo. "O, ikaw pala!" Ngisi sa kaibigan. "May problema ba Sophia?" tanong niya habang hawak niya ang likuran nito. "Wala naman," mahinahong sagot niya na nakatingin sa kawalan. "A-ah, okay!" anito. Nagpaalam kaagad si Leo sa kanya dahil may susunduin pa ito sa airport. Hinabol siya ni Sophia nais yata nito ng makakausap. "Leo, wait!" Habol nito na napabuntong-hininga muna bago magsalita. "Tell me honestly, may deperensya ba ako? Ano ba ang kailangan kong baguhin para naman mapansin ako?" saad niya saka ngumisi ng palihim kay Leo. Napakamot ng ulo si Leo dahil sa mga tanong na iyon. Sinagot naman siya ng maayos ng kaibigan. "Sophia, wala namang dapat baguhin sayo. Okay ka naman. I mean you look okay. May taste ka naman manamit. Hindi ka naman mukhang cheap. Hindi ka rin mukhang nerd. You're independent. And you have a career. Basically, you're a good catch!" aniya habang nakaakbay sa kaibigan. "Then, what's wrong with me?" tanong niya habang nakahalukipkip. "It's not you. It's them! They all play around," pabirong tugon sa kanya ni Leo. "I can play around, too!" mabilis na sagot niya sabay ngiti. Although of course deep inside ay alam niyang kasinungalingan iyon. "I can be as hot and playful. And I am friendly," dugtong pa niya at lihim na ngumiti sa kaibigan. Natawa uli si Leo sa sinabi niya. "Alam mo kasi when you enter a relationship dapat ready ka sa mga consequences. Pwedeng maging successful, pwede rin namang hindi. It's always a risk. What's important is that you look at is as adventure, too. Kaya dapat marunong kang mag-enjoy," aniya sabay himas sa balikat ni Sophia. "Ang pathetic ng buhay ko." Tumawa silang dalawa. Habang naglalakad ay naaninag na niya sa pintuan ng bar ang nakasimangot na manager. Kaya dali-dali siyang naglakad. At sa harapan mismo ni Leo ay pinagsabihan ito. "Naka duty ka hindi ba? Ano na naman ba ang ginagawa mo sa labas? Alalahanin mo under probation ka pa rin. Part time ka lang hindi ba?" komento ng manager habang nakatingin ito ng masama sa kanya. "Sorry po, Sir!" nakayukong tugon ni Sophia. "Sorry, sorry! Go back to work!" saad ng manager sabay sara ng pinto. "Yes, Sir!" sagot ni Sophia sabay ngisi na parang aso. Sa sobrang taranta ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ni Leo. Hiyang-hiya ito sa kaibigan. Hindi man lang niya nagawa na magpasalamat sa mga naipayo nito. Enjoy naman siya sa trabaho niya kahit lagi siyang pinapagalitan ni Manager Rey. Bukod sa gusto niya ang kanyang ginagawa bilang bartender ay inaaral din niyang mabuti kung paano ba magpatakbo ng isang cafe bar. "Balang araw ay magkakaroon din ako ng sarili kong bar," sabi niya sa sarili habang pinupunasan nito ang bar counter. "Hoy! Tulala ka na naman dyan, Sophia!" Sigaw ng kasamahan nito sa trabaho sabay bato ng basahan sa kanya. Napaigtad naman siya sa binato na basahan. Sa sobrang busy nito ay hindi na niya namalayan ang pagdaan ni Mr. Cortez sa likuran niya. "Sophia, you're in dreamland again." Ngumisi si Mr. Cortez sabay tapik sa balikat nito. "By the way, nakita mo na ba ang invitation ng 5th annual wine making contest?" tanong nito habang binubuksan ang kinuhang alak sa bar counter. "Hindi pa po, Sir!" tugon niya na may pagtataka sa mukha. "Next week na iyon. Sa Camelot Hotel gagawin. And guess what? May paraffle na trip abroad!" Mas excited pa sa kanya si Mr. Cortez. "Talaga po? Saan naman daw po?" tanong niya at naisip na pagkakataon niya na iyon para makapag travel abroad at kung sa Singapore nga ang pa raffle ay pwede na niyang mabisita si Zoe. "Hindi pa nila sinasabi kung saan," tugon ni Mr. Cortez na sarap na sarap sa iniinom. "Baka naman po trip to Baguio lang?" Biro pa nito sa boss. "O, kaya trip to nowhere!" dagdag ng kasamahan nito saka tumawa nang malakas. "Abroad ang sabi ng organizer. Actually, coverage iyon para sa isang event," saad ni Mr. Cortez na panay salin ng alak sa baso. "It taste good!" sabi pa nito. "Basta be ready. Kung interesado ka sumali. Just let me know. Okay?" anito kay Sophia sabay tapik ulit sa balikat nito. "Sige po. Salamat, Sir." Tuwang-tuwa na kinamayan ni Sophia si Mr. Cortez. "O-okay!" tugon ni Mr. Cortez na mukhang tinamaan na sa alak na ininom niya. Mukhang interesado si Sophia sumali sa contest, kaya hindi na siya nagdalawang isip at nagtungo kaagad ito sa opisina ni Mr. Cortez. Pumirma siya sa logbook ng mga gustong sumali sa contest. Lumabas siya ng opisina na masayang-masaya. "Uy, Sophia! Alam mo ba kung ano ang prize para sa mananalo?" tanong ni Edgar na interesado rin sumali. "Hindi ko pa alam. Ang nabanggit lang ni Sir ay iyong sa raffle," aniya sabay upo sa high stool ng bar. "Narinig ko silang nag-uusap ni Manager Rey, bago yata pumunta sa venue ng main event which is yung sa pa raffle mukhang sa Palawan daw muna mag-istay for three days," excited na pahayag ni Edgar. "Mas gusto ko ang prize ng raffle. Trip abroad!" Bakas ang excitement sa mukha ni Sophia. Nanlaki naman ang mga mata ni Edgar sa sinabi ni Sophia. "Talaga! Saan naman daw?" "Walang sinabi si Sir, pero ang alam ko trip abroad. Mas gusto ko iyon. Sana nga sa Singapore." Iginiit na naman niya ang tungkol sa Singapore. "Sino kaya ang maswerte na mabubunot sa raffle?" tanong ng waiter habang nagma mop ito ng sahig. "Sana ako!" Saka iyon sinundan nang malakas na tawa ni Sophia. Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit gusto niya talaga na mabunot sa raffle, dahil na naman ito kay Zoe. Simula nang makilala niya ito ay sa kanya na natuon ang atensyon ni Sophia. Sa mga oras na iyon ay hindi man lang sumagi sa isipan niya si Liza. Pero kahit na mabaling ang atensyon niya kay Zoe, si Liza pa rin ang laman ng kanyang puso. Siguro nga ay naaaliw lang siya kay Zoe dahil open-minded ito kaysa kay Liza. Pero marami pa ring pagkakaiba ang dalawang taong malapit sa puso niya. Si Zoe na ba o si Liza pa rin? Iyan ang malaking tanong sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD