Chapter 2 -The plan-

2090 Words
Hanz's POV Nasa harapan namin ang mag-asawang Antonetti habang napapagitnaan nila si Roxanne na nakayuko lamang at hindi makatingin sa akin. "Signor Antonetti siamo qui per parlare del matrimonio di mio figlio con sua nipote." paninimula ng aking ama na ang ibig sabihin ay naririto kami ngayon upang tanggapin ang kasal at upang panagutan si Roxanne. Napapailing na lamang ako, gustong-gusto kong takasan sila ngayon ngunit ayokong mapahiya ang aking mga magulang kaya hinahayaan ko lamang sila ngayon sa kung ano man ang mga pinaplano nila. "Lolo sa tingin ko ay kailangan muna nating kausapin si Roxanne tungkol dito, siya lamang ang makakapag paliwanag kung ano ang tunay na nangyari ng gabing 'yon. Sa tagal ng pinag samahan namin ni Hanz ay kilala ko na rin naman ang mokong na 'yan." sambit ni Ray na ipinagpasalamat ko dahil naniniwala siya sa mga tinuran ko sa kanila. Wala akong kasalanan, wala nga akong maalala na kahit na anong nangyari ng gabing 'yon at ayokong pakasalan si Roxanne dahil may itinitibok na ang aking puso. "No Kuya Ray, wala akong ipapaliwanag, may nangyari sa amin ni Hanz at kailangan n'ya akong panagutan" matigas na wika ni Roxanne na ikinagulat ko. "Non preoccuparti hija, il matrimonio sarà presto fissato." wika naman ni senior Amadeo sa salitang italyano na ang ibig sabihin ay huwag mag-alala dahil maitatakda ang araw ng aming kasal sa lalong madaling panahon. Masamang nakatingin lamang si Raymond sa kaniyang pinsan, mukha nga yatang wala na akong kawala sa magaganap na kasalang ito. "Non cambierò idea Raymond. Il matrimonio si svolgerà il prima possibile." mawtoridad na ani ng kanilang lolo na kinailing ng ulo ni Ray, nakatingin lamang sa akin si Raymond na tila ba ipinahihiwatig n'ya sa akin na ginawa na n'ya ang lahat ngunit wala ng makakapigil pa sa kanilang lolo na ituloy ang kasal sa lalong madaling panahon. "Gusto kong ikasal sila sa darating na buwan, sapat na ang mga araw na 'yan upang mapaghandaan ang kasalang magaganap." Ani muli ng kanilang lolo. Nagtatagis ang aking mga bagang, bakit kailangan nila akong pangunahan? Wala naman akong kasalanan, hindi ko ginusto ang nangyari at hindi ko mahal si Roxanne. "Kung ganoon ay makakaasa kayo na hindi tatalikuran ng aming anak ang inyong apo Senior Antonetti." wika naman ng aking ama. "Mom, Dad hindi siya magiging masaya sa akin dahil hindi ko siya mahal, naiintindihan ba ninyo ang ibig kong sabihin ha? Hindi ko mahal si Roxanne at may iba akong mahal, huwag naman ninyong gawin sa akin ito. Alam ninyo na engaged na ako, inalok ko na ng kasal ang babaeng tinitibok ng aking puso, nakikiusap ako sa inyo huwag ninyong gawin sa akin ito." wika kong naluluha na dahil iniisip ko ang mararamdaman ni Chantelle. "Pero mahal kita Hanz, bata pa lamang ako ay mahal na mahal na kita at alam kong hindi mahirap para sa iyo na mahalin ako." ani naman ni Roxanne na ikinailing ng aking ulo at tinitigan ko ito ng masama. Hindi tama ito, si Chantelle ang mahal ko at si Chantelle ang gusto kong pakasalan, bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? "This is ridiculous!" asik ni Raymond na ikinalingon ko. Gusto kong magalit pero ayokong mawalan ng respeto sa mga taong kaharap ko, pero paano naman ako? "RAYMOND DENOVAN ANTONETTI." malakas na sigaw ng kanilang lolo kay Ray na ikinatahimik nito at pagkatapos ay tinalikuran kami at nagpunta sa kanilang mini bar. Si Raine ay nakamasid lamang at nakikita ko sa kanyang mga mata na parang gusto n'yang humingi ng tawad sa akin dahil wala rin siyang magawa. Naging spoiled ang bunso niyang kapatid sa lolo at lola nito kaya nakukuha niya ang mga bagay na nagugustuhan niya kahit na hindi na tama basta makita lamang nila itong masaya. Si Raniel naman ay bumalik na sa ibang bansa dahil sa mga business na inaasikaso n'ya kaya wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon kay Roxanne. "Lolo sa kanya na mismo nanggaling na wala s'yang pagmamahal kay Roxanne, hindi rin siya magiging masaya kung siya lamang ang nagmamahal, at paano kayo nakakasiguro na hindi n'ya nga 'yan pinlano ha?" asik ni Ray habang lumalapit sa aming kinaroroonan at isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha mula sa kanilang lola na ikinagulat naming lahat. "Hindi 'yan magagawa ni Roxanne Raymond, pinsan mo 'yan at hindi ba dapat ay pinoprotektahan mo ito?" galit na ani ng kanilang lola na ikinangisi lamang ni Ray habang nakatitig kay Roxanne. "Kuya Ray tama na 'yan, wala na tayong magagawa pa, nakapagdesisyon na si lolo at ang mga magulang ni Hanz." Wika naman ni Raine na naiiyak na rin dahil sa mga nangyayari. Napatingin naman ako kay Ryven ngunit maging siya ay walang magawa upang mabago pa ang pasya ng isang tanyag na Antonetti. Napapaikot mo Roxanne ang mga lolo at lola mo ngunit hindi ako, alam kong may pinainom ka sa akin upang mangyari ang lahat ng ito at sisiguraduhin ko sa iyo na hindi ka magtatagumpay. Nagtatagis ang aking mga bagang sa galit habang titig na titig ako sa kanya, gusto ko siyang sigawan, gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi lahat ay kaya niyang makuha. Sisirain ko ang plano mo Roxanne sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin, sisiguraduhin kong guguho ang mundo mo sa gagawin ko. Natapos ang pag-uusap nilang lahat at napagpasyahan nilang ipakasal kami sa lalong madaling panahon dahil na rin sa iyon ang kagustuhan ni Roxanne. Nakauwi na kami ay tahimik lamang ako at hindi kumikibo sa kahit na kanino. Isang buwan mula ngayon ay ikakasal ako sa babaeng ipinilit lamang ang sarili sa akin upang makuha ang kanyang gusto. Kung alam ko lamang na gulo ang dadalhin n'ya sa buhay ko, simula pa lamang ay iniwasan ko na siya ngunit huli na ang lahat dahil ako ngayon ang naiipit sa nangyayaring ito. Bigla na lamang pumasok sa aking isipan ang imahe ni Chantelle kaya mabilis na nagtuluan ang aking mga luha. Pumasok ako sa aking silid at nagtuloy sa banyo, baka sakaling ang pagbababad sa tubig ang makabawas ng galit na aking nararamdaman para sa babaeng nagnanais na maging parte ng aking buhay. ──●◎●── -Kinabukasan- Maaga pa lamang ay nagising na ako at nabungaran ko ang aking ina na tumutulong sa paghahanda ng pagkain sa hapag-kainan para sa aming agahan. "Good morning son!" nakangiti n'yang bati sa akin ngunit nakatitig lamang ako sa kanya at hindi ako kumikibo. Gusto kong magalit sa kanila dahil pinapangunahan nila ako, gusto kong magalit sa kanila dahil sa halip na tulungan nila ako ay mas pinanigan pa nila ang mga Antonetti. Hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang sama ng loob ko sa mga ito at sa halip ay nagpaalam na lamang ako. "Mom, I have to go." ani ko dito at mabilis ko na itong tinalikuran. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng mansion ng marinig ko ang boses ng aking ama kaya napahinto ako at nilingon ko ito. "You are not going anywhere today Hanz, kailangan mong samahan si Roxanne sa pamimili ng kanyang gown." ani ng aking ama kaya natawa ako ng pagak dito. "S'ya ang may gusto ng kasalang ito hindi ba dad, kaya mamili s'yang mag-isa." wika ko sabay labas ng aming mansion at hindi ko na sila nilingon pa. "HANZ." galit na tawag ng aking ama ngunit binale-wala ko lamang ito at agad akong lumulan sa aking sasakyan at pinasibad agad ito dahil ayoko ng magtagal pa sa bahay na ito at kung maaari nga lamang sana ay magpapakalayo-layo muna ako baka sakaling malaman nila ang kahalagahan ko. Dumiretso ako sa aking opisina at binuhos ko ang lahat ng oras ko sa aking trabaho, kahit anong tawag at text ni Roxanne ay hindi ko ito sinasagot dahil wala akong pakialam sa kahit na anong gusto niyang gawin. Kung inaakala niya na sasamahan ko siya sa lahat ng aasikasuhin n'ya para sa kasal na ito ay nagkakamali siya. Natapos ang maghapon ko na iginugol ko lamang sa loob ng aking opisina at pagkatapos ay dumiretso na ako sa Neon Nights upang makipagkita ako sa aking mga kaibigan. "Congrats bro!" mapang-asar nilang ani sa akin. "You mean condolence?" ani ko habang napapailing ako. "I'm sorry man, I tried to stop my lolo pero ang salita n'ya ay batas sa aming pamamahay." ani naman ni Raymond sa akin. Humingi ng paumanhin si Raymond sa nangyari sa loob ng condo ni Roxanne, nauunawaan ko naman kung bakit n'ya nagawa sa akin 'yon, ang lahat ng nangyayaring ito ay si Roxanne ang may kasalanan. "Bro hindi ko yata kayang pakasalan si Roxanne, mas masasaktan lamang siya kung itutuloy namin ang kasalang ito. Alam ninyong lahat kung sino ang babaeng mahal ko, sana ay maunawaan ninyo ako." wika ko sa mga ito at alam kong nauunawaan nila ako. "Kung ano man ang magiging pasya mo ay nasa likuran mo lang kami, siguro nga ay oras na para maturuan ng leksyon ang brat kong pinsan" wika ni Raymond na nagpataas ng aking ulo. Isang malaking ngisi ang sumilay sa aking labi. Hindi ko ipapaalam sa kanila kung ano man ang plano ko pero sisiguraduhin ko na matuturuan ko ng leksyon si Roxanne. "Bro hindi kita pwedeng pilitin sa isang bagay na hindi mo gusto at napipilitan ka lamang dahil sa kagustuhan ng brat kong pinsan. Kilala ko si Roxanne, lahat ay nakukuha n'ya dahil alam n'yang nasa panig n'ya ang lolo at lola namin. Ganoon s'ya ka spoiled sa kanila, kung ang ginawa n'yang ito sa iyo ang magiging aral n'ya na lahat ng bagay ay hindi n'ya kayang makuha, pwes nasa likuran mo ako! Mahal ko si Roxanne pero naniniwala ako sa sinabi mo na wala kang kasalanan at alam kong si Roxanne ang nasa likod nito, bata pa lamang si Roxanne ay nakikitaan ko na siya ng pagtingin sa iyo." mahaba n'yang litanya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik, alam nila kung gaano ko kamahal si Chantelle at hindi ko hahayaang masaktan ito. "Salamat bro." Wika ko sa kanya at nag fist bump pa kami. "Kung ano man ang magiging pasya mo nasa likod mo kaming lahat. Tama si Ray, hindi ka pwedeng pilitin sa isang bagay na hindi mo gusto." sambit naman ni George na tila ba may pinaghuhugutan. "Salamat at nandirito kayo napapagaan n'yo ang problemang dinadala ko." Malungkot kong ani at muli akong tumungga ng alak na aking hawak. Halos maghapon akong tinatawagan ni Roxanne ngunit kahit isa ay hindi ko ito sinagot. Gusto n'yang samahan ko s'yang pumili ng kanyang gown para sa aming kasal na siya lamang ang masaya, hindi ko hahayaang maging masaya siya. Ipapakita ko sa kanya na hindi lahat ng magustuhan niya ay makukuha niya. Hindi ako isang bagay na kailangang mapasakanya. Malaki ang ipinagbago ni Roxanne mula ng manirahan siya sa Milan Italy. Mula sa isang simple at mapagmahal na kapatid sa kanyang ate ay naging spoiled ito. Hinubog ng Milan ang kanyang isipan at lahat ng gustuhin nito ay nakukuha, ngunit hindi sa pagkakataong ito, nagkakamali s'ya, hindi ako trophy na kailangang mapasa kamay n'ya. Mag-aalas dos na ng madaling araw ng maghiwa-hiwalay kami at naging maganda ang resulta ng pag-uusap naming magkakaibigan ngunit hindi ko binanggit sa kanila kung ano man ang plano ko dahil sa gagawin ko ay matututunan ni Roxanne na magpahalaga sa damdamin ng iba. Aaminin kong nabighani ako sa kaniyang kakaibang kagandahan ng muli ko siyang makita sa kaarawan ng kanilang lolo, ngunit hindi iyon sapat upang pakasalan s'ya. Tanging dalawang taong nagmamahalan lamang ang maaaring magbuklod sa isa't-isa at hindi kami ni Roxanne 'yon, si Chantelle ang pangarap ko at hindi siya. Nang makauwi ako ng mansion ay nagtuloy na ako sa aking silid. Naligo ako at nagpalit ng pantulog at nahiga na sa aking kama at pagkatapos ay tumitig lamang ako sa kisame habang pinag-aaralan ko ang mga planong gagawin ko, hahayaan ko silang paghandaan ang kasal na gusto nila, makiki-ayon ako sa mga gagawin nila ngunit walang kasalang magaganap. Kung kinakailangang masaktan ka Roxanne sa gagawin ko upang malaman mo na hindi lahat ng bagay ay kaya mong makuha ay gagawin ko. Patawarin nila ako ngunit ito lamang ang paraang alam ko para matuto s'ya sa kanyang pagkakamali at para malaman niya na hindi lahat ay kaya niyang makuha ng sapilitan. Alam kong sa gagawin ko ay maiintindihan ako ng aking mga kaibigan at kasusuklaman naman ako ng mag-asawang Antonetti at ni Roxanne ngunit sila din naman ang dahilan kung bakit magagawa ko ang mga bagay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD