Chapter 4 Trahedya

2274 Words
SAMANTALA halos nagpigil ng kanyang galit si Frank nang matunghayan ang masayang okasyon ng kapatid. Nasa isang sulok siya nang garden kaulayaw ang alak at mga ilang tauhan. Hindi siya nasisiyahan sa nangyayari sa kanyang paligid, parang sa mga oras na iyon gustong-guato na niyang magwala at isambulat ang katotohanan, ukol sa manang natanggap. Inisang lagok niya ang whiskey na hawak at saka marahas na tumayo sa kinauupuan. Naglakad siya sa bungad ng garden, kung saan tanaw na tanaw niya ang kanyang Kuya Charlie kausap ang mga kasosyo sa negosyo. Maya-maya pa nagsindi siya ng sigarilyo saka hinithit iyon at buong lakas na ibinuga sa ire ang usok. Sabay taas niya kamay at iseninyas ang daliri na para bang nagbibilang nang hanggang tatlo. Minuto lang ang lumipas bumagsak sa sahig si Don Charlie. “One shot kill,” anas ni Frank sa sarili at itinapon ang sigarilyo sa lupa. Sabay ayos ng suot na coat at naglakad palapit sa mga taong naghehisterya dahil sa nangyari sa don. Halos manlaki ang mata ni Joel nang makitang nakahandusay sa sahig ang kanyang papa, may tama ng baril sa noo. “Papa!” sigaw niya at agad binigyan ng paunang lunas ang ama. Ngunit kahit ano’ng gawin niyang pump sa dibdib nito, walang nangyaring respose sa katawan ng kanyang ama. “Papa, gumising kayo. Papa!” Isa-isang naglapitan ang mga kapatid niya at niyakap nila pareho ang katawan ng ama na wala nang buhay. “Papa, huwag n’yo kaming iwan, mahal na mahal namin kayo. Papa!” palahaw ni Charlie. Parang batang pilit na ginigising ang ama sa pagkakatulog. “Parang awa n’yo na po papa, gumising kayo. Kailangan ka pa namin. Papa!” panaghoy ni Jude. Naikuyom ni Joel ang kanyang mga kamao habang ang kanyang mga labi ay nanginginig sa galit. Galit para sa isang taong itinuring niyang parang isang ama—Uncle Frank niya. Kabila ng pagkupkop nila rito, ginawaan pa sila ng masama. Wala siyang ibang suspect kun ’di ang kanyang Uncle Frank. Muling nagkagulo ang mga tao at hindi alam kung saan susuot. Ang iba ay halos magkadarapa sa pagtakbo, para lang mailigtas ang kanilang buhay sa tiyak na kamatayan. Muling umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa ire, tila ba nanakot lamang ito o nagbubunyi sa ginawang kasalanan. “Mga anak tumakas na kayo, ako na ang bahala sa inyong papa,” pahayag ni Doña Emerald. Hindi man lang ito nakitaan ng pag-iyak o awa ang mukha, para pa ngang tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa paligid. Agad itong lumuhod at hinawakan ang katawan ng asawa. “Bakit po, mama? Ano po bang nangyayari?” sunod-sunod na tanong ni Jude sa ina. “Narinig ko kanina kay Uncle Frank mo, pati tayo idadamay niya. Para makuha niya lahat ng kayamanan nang iyong papa!” sagot ni Doña Emerald habang ang mga mata palipat-lipat sa magkakapatid, para bang may itinatago. “Si Uncle Frank, po ba ang gawa nito kay, papa?” mariing tanong ni Joel. Nakakuyom ang mga kamao nito habang nakaigting ang panga. Umiling ang ina. “Hindi ko alam, anak. Wala namang ibang gagawa nito sa iyong ama. Saka . . .Saka narinig ko silang nagtatalo magkapatid no’ng isang araw.” “Napakawalanghiya niya! Magbabayad siya sa ginawa niya kay papa.” Tumayo si Joel at mabilis tinungo ang maindoor ng mansion. Ngunit bago pa man siya makarating doon, hinarang siya nang Uncle Fabian niya. “Kanina pa kita hinahanap. Nasaan ang mga kapatid mo? Tumakas na kayo, bilisan n’yo na habang busy pa ang Uncle Frank mo, sa pagahahanap ng last will and testament ng iyong papa!” mabilis na pahayag ni Fabian sa pamangkin. Mabilis niyang hinila ang binata. Ngunit ipiniksi ni Joel ang kanyang kamay at mabilis pumasok sa loob ng mansion. “Joel!” sigaw ni Fabian. Agad tinakbo ang pamangkin at mariing hinawakan ang kamay. Sinenyasan rin niya ang ibang tauhan ng Hacienda Hesraileta na hawakan ang binata. Matapos iyon umitaw siya sa binata. “Kung anoman ’yang binabalak mo, huwag munang ituloy. Hindi ka sasantauhin ni Frank, mapapahamak ka lang. Nakikiusap ako alang-alang sa mga kapatid mo.” “Pero uncle, pinatay niya ang papa. Ano ’yon pabayaan na lang natin siya sa ginawa niya? Uncle, naman!” Hindi napigilan ni Joel ang bibig na sigawan ang uncle, dahil sa pinipigilang galit. Nilapitan ni Fabian si Joel at buong suyong hinawakan ang balikat. “May tamang panahon at oras para sa paghihiganti. Hayaan mong ako na muna ang haharap kay Uncle Frank mo. Mabuting ligtas kayong magkakapatid, hindi ko na mapapatawad ang aking sarili kung pati kayo madadamay sa hidwaan namin,” paliwag ni Fabian sa pamangkin. Agad sinensayan ang mga tauhan na pakawalan si Joel. Mataman niyang tinitigan ang kanyang Uncle Fabian bago ito tinalikuran at tinungo ang kinaroroonan ng mga kapatid. Nakakailang hakbang pa lang si Joel nang muli itong humarap sa uncle niya at naglakad papunta rito. “May importanteng bagay lang akong kukunin sa aking kuwarto,” paalam ni Joel. Sinenyasan ni Fabian ang tatlong tauhan niya na lumapit sa kanya. Pagkarating ng mga ito sa kanya, agad niyang inutusan na samahan ang binata sa loob ng mansion at binilinan din niya na huwag iwanan ang pamangkin, kahit na anomang mangyari. Kasama ang mga tauhan ng kanyang Uncle Fabian mabilis nilang pinasok ang loob ng mansion. Walang inaksayang oras si Joel agad niyang tinungo ang hagdan at umakyat sa kanyang kuwarto. Ni hindi man lang niya nakuhang tingnan ang loob ng mansion, kung saan nagkalat at nagkandabasag-basag ang kanilang mga gamit sa sala. Daig pa ang may dumaang bagyo rito. Pagkarating ni Joel sa kanyang kuwarto, nagulat siya nang datnan doon si Alpa at hawak ang envelope, tila itatakas ito sa kanya. “Ibigay mo sa akin ’yan!” galit niyang utos dito. Dahan-dahan siyang lumapit dito habang ang tatlong lalaki ay naghihintay lamang ng hudyat mula kay Joel. “Hindi ko ito ibibigay sa iyo!” matigas na sagot ni Alpa sa kanya. Inilagay pa nito ang envelope sa likod at humakbang sa kanang bahagi ng kuwarto ni Joel. “Sabing ibigay mo sa akin ’yan!” “Hindi kuya. Dito nakasasalalay ang buhay ni Tatay Agusto, kapag naibigay ko ito kay Doña Emerald, hindi na niya papatayin ang tatay. Patawarin mo ako Kuya Joel, mahal ko ang tatay kaya nagawa ko ito sa iyo. Patawad.” Humakbang si Alpa palabas ng kuwarto. Ngunit mabilis siyang hinuli ni Joel at isinalya sa kama saka mariing inipit ang pulsuhan nito. Sabay kuha sa envelope. “Sabihin mo sa mama, nasa vault ng library ang last will and testament ni papa. Huwag na huwag mong ipaalam sa kanya na nasa akin ito. Naiintindihan mo ba?” sigaw ni Joel. Sabay bitaw kay Alpa at tinungo ang kanyang closet, kinuha niya roon ang kanyang duffel bag at isinilid ang envelope. “Ano pa hinihintay mo lumabas ka na!” Para namang natauhan si Alpa sa sigaw ni Joel. Agad itong tumayo at kumaripas ng takbo palabas nang kuwarto. Nang mawala ang dalaga, nagmadaling nagbihis ang binata. Pagkatapos no’n binitbit niya ang bag at tinungo ang pintuan. Huminto muna siya sandali at taimtim na tinitigan ang loob ng kanyang kuwarto, magulo at halatang hinalughog ito ng maigi. “Tara na ho Senyorito Joel, nag-text na ang inyong uncle, pinapababa na tayo,” untag ng isang tauhan kay Joel. Nagprisinta pa ito sa binata, na magbibitbit ng bag. Isang iling ang isinagot ng binata rito at tuluyang isinarado ang pintuan ng kuwarto saka mabilis nilang tinungo ang hagdanan. Nakahinga ng maluwag si Fabian nang makitang palabas ng mansion si Joel kasama ang kanyang mga tauhan. Mabilis niya itong sinalubong at iginaya papunta sa naghihintay na sasakyan sa driveway. Nang makasakay silang lahat agad iyong pinaharurot ng driver. “Nasaan ang mga kapatid ko?” tanong ni Joel sa kanyang uncle. Palabas na sila ng Hacienda Hesraileta. Ngumiti si Fabian sa pamangkin. “Huwag kang mag-alala, ligtas ang mga kapatid mo. Nasa bahay ko si Charles, si Jude, naman pinabalik ko na ng Thailand. Ang papa mo nasa isang chapel nakaburol sa labas ng Hacienda Hesraileta.” “Puwede ba nating daanan ang papa? Gusto ko siyang makita?” malungkot niyang paalam sa kanyang uncle. “Wala na tayong oras, hijo. Isa pa baka nag-aabang din sa iyo doon ang Uncle Frank mo, delikado. Maiintindihan ng iyong papa, kung wala man kayo sa tabi niya ngayon. Ang tanging mahalaga lang ngayon ay ligtas kayong magkapatid.” Magaang tinapik ni Fabian ang balikat ng pamangkin saka niyakap ito. Ramdam pa niya ang panginginig ng katawan ng binata, dahil sa halo-halong emosyon na nadarama nito. Pagdaan nila sa chapel na binaggit ni Fabian. Saglit silang huminto roon at agad din namang pinaharurot ng driver ang sasakyan hanggang sa makarating sila ng highway. “Iuuwi muna kita sa bahay, para makapagpahinga ka. Bukas na bukas ihahatid kita ng airport, papuntang Manila,” seryosong pahayag ni Frank sa pamangkin. Hindi na umimik ang binata sa kanyang Uncle Fabian. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa labas ng bintana. Isa sa pangarap niya ang makarating sa Maynila, masaya sana siya dahil matutupad na iyon. Ngunit hindi man lang niya magawang ngumiti nang marinig ang lugar na iyon. Dahil punong-puno ng hinagpis at pasakit ang kanyang puso sa nangyaring trahedya sa kanilang pamilya. KINABUKASAN, may munting luha sa kanyang mga mata nang magpaalaman sila ni Charles sa isa’t-isa. Sinabihan na lamang niya ang kanyang kapatid na mag-ingat at alagaan ang sarili. Maging ang kapatid gano’n din ang ibinilin sa kanya. Niyakap ng mahigpit ni Joel ang kapatid saka tuluyang lumabas ng kuwarto at dire-diretsong bumaba ng hagdanan. “Bullshit! Paano siya nakapasok sa Medrano Empire? Hindi ba kabilin-bilinan ko sa inyo i-secured ang buong building? Paano kayo nalusutan niya? Mga gunggong, walang silbi!” Napatigil ang mga paa ni Joel sa paghakbang nang marinig niya ang galit na boses ng kanyang uncle. Napatigil siya sa isang tabi at pinagmasdan ito, kitang-kita niya ang mabilis at sunod-sunod na paghinga ni Fabian at tila may iniindang problema. “Uncle!” malumanay niyang tawag dito. Saka lumapit sa kinaroroonan nito. “May problema po ba?” Bahagyang nagulat si Fabian pagtawag ni Joel. Agad niyang inayos ang mukha at humarap ng nangiti sa binata. “Wala hijo, kunting gusot lang ’to. Huwag kang mag-aalala at maayos ko din agad-agad ito,” sagot ni Fabian. Inakbayan ang pamangkin at iginaya papuntang sala. “Handa ka na ba? Pasensya ka na at hindi ako makakahatid sa iyo, aasikasuhin ko muna ang problema sa Medrano Empire.” “Okay lang ho. Kaya ko namang magbiyahe mag-isa.” Umiling ang kanyang uncle. Sabay tawag sa isang katulong, na abala sa paglilinis. “Marie, tawagin mo si Donald.” “Yes sir.” Nagmamadaling lumabas ng bahay ang katulong. Pagbalik nito ay kasama na ang lalaking inuutos sa kanya ng amo na tawagin. “Boss!” bati ni Donald kay Fabian. “Ikaw na ang bahalang maghatid kay Joel sa airport. May importante lang akong aayusin,” utos ni Fabian sa tauhan. Tumayo ito at saglit nagpaalam kay Joel na may kukunin lang sa library. Pagkaalis ni Fabian tumayo si Joel binibit ang bag at tinungo ang pintuan palabas ng sala. Sinabihan niya si Donald na sa labas na lamang siya maghihintay. Pagkalabas niya ng bahay nakahinga ng maluwag ang binata, pakiramdam kasi niya parang kakapusin siya ng hangin sa katawan. Kung kaya’t napagpasyahan niyang magpahangin muna, kahit batid niyang fully air conditioner ang bahay ng uncle. Pumuwesto si Joel sa tabi ng barandilya nang terrace. Isinuksok niya ang isang kamay sa bulsa ng pantalon habang taimtim na tinititigan ang maulap at maaraw na kalangitan. Hindi niya namalayan tumulo na pala ang kanyang mga luha, naaalala na naman niya ang namayapang ama. Nagsisisi siya dahil hindi man lang niya naipadama sa ama kung gaano niya ito kamahal. Kanino pa niya ngayon ihahandog ang pinaghirapang dimploma? Para saan pa ang pagsusumikap niya kung wala na taong inspirasyon at gabay sa araw-araw? Makakaya pa kaya niyang mabuhay, gayong nabalian na siya ng isang pakpak? Huminga ng malalim si Joel sabay pahid ng mga luha. “Ang lalim no’n ah?” untag sa kanya ni Fabian. Inakbayan pa siya nito. “Ano’ng iniisip mo, may gumugulo ba sa iyo?” Umiling si Joel at tuluyang napaiyak. “Nami-miss ko ang papa.” Tuluyang niyakap ni Fabian si Joel at masuyong hinaplos-haplos ang likod ng pamangkin. Naawa siya rito, ngunit ito lang din ang nakikita niyang paraan upang makaligtas ang mga pamangkin sa kanyang kapatid. Isa lang ang hinihiling niya sa Diyos, na malampasan ng magkakapatid ang pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Bumitaw si Fabian sa pagkakayakap kay Joel saka may kinuha ito sa kanyang bulsa, atm card. “Tanggapin mo ’to hijo, lahat ng pangangailangan mo sa Maynila ay kaya nitong sulusyonan. Tawagan mo lang ako kapag naubos na ang laman nito. Mag-aral kang muli ng sa gano’n pagbalik mo rito, sabay nating harapin si Frank,” pahayag ni Frank. Kinuha niya ang kamay ni Joel at ibinigay dito ang atm card. “Mag-ingat ka hijo, tumawag ka agad sa akin kapag nasa Maynila ka na.” Kinuha ni Joel ang atm card at isinuksok sa kanyang bulsa. “Ingatan n’yo ho Charles, hindi ko alam ang gagawin kong pati siya madadamay dito.” “Ako na ang bahala sa kapatid mo at pati na rin kay Ate Emerald.” “Maraming salamat po kung gano’n.” Ilang sandali pa niyakag na ni Frank si Joel papuntang sasakyan niya. Wala rin siya nagawa kung hindi hihatid ang binata sa airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD