Chapter 5 Manila

2279 Words
BITBIT ang duffel bag, sumunod si Joel sa agos ng mga pasaherong pababa ng eroplano. Habang naglalakad papuntang exit ay mas lalong nakaramadam ang binata ng takot at kaba sa kanyang puso. Bukod sa first time niyang makarating sa lugar na iyon ay wala rin siyang kakilala roon na puwede niyang tuluyan. “Kayo na po ang bahala sa akin,” kabado niyang usal sa sarili. Saka walang pag-alinlangang lumabas ng airport. Naglakad siya sa gilid daan, kung saan may nakakasalubong siyang mga tao. Mayroon din siyang nakakasabay sa paglalakad. Ilang sandali pa, tumigil si Joel sa poste ng ilaw at pinanood ang isang lalaki na sumakay ng dyip. “Divisoria ...” bulong niya sa sarili. Nang makita ang naka-sign board sa dyip. Kahit wala siyang ideya sa lugar na iyon, sumakay ang binata sa dyip. Kasabay ang dalawang babae na tantiya niya mag-ina. Habang umuusad ang dyip, hindi naiwasan ni Joel na tanawin ang bagong kapaligiran. Tulad sa Zamboanga matataas din ang mga gusali sa Manila. Mga taong halos walang pahinga at abalang-abala sa kani-kanilang mga trabaho. Ang mga paroot paritong sasakyan na walang humpay sa pagtakbo. Ang kaibahan lang sa kanyang pinagmulan ay tahimik at walang pulosyon. Makalipas ang halos isang oras tumigil ang sinasakyang dyip ni Joel sa terminal ng Divisoria. Bumaba ang binata at naglakad-lakad sa gilid ng eskinita. Hindi niya ipinahalata sa mga taong nakakasalubong na wala siyang alam sa lugar na iyon. Ultimo ang magtanong ay hindi niya ginawa, basta tinatandaan lang niya ang mga bagay-bagay na kanyang nakikita. Maya-maya pa napatigil ang binata sa paglalakad. Nang malanghap niya ang iba’t-ibang klase ng pagkain na naka-display sa gilid ng eskinita. Kasabay no’n ang pagkalam ng kanyang tiyan sa gutom. “f**k!” saad niya sa sarili. Alas-tres na kasi ng hapon at sa mga oras na iyon hindi pa rin siya nanananghalian. Dahil abala ang isipan niya at mga bubuhuhing plano sa lugar na iyon. Pati ang pagkain nalimutan na rin niya. Hindi na nag-aksaya ng oras si Joel. Agad siyang pumasok sa restaurant na nasa kanyang harapan at namili ng pagkaing o-oder-in. Matapos makapili, humanap siya ng magandang puwesto. “This is your order sir, enjoy,” masayang wika ng waitress kay Joel. Inilapag niya ang tray na puno ng pagkain sa lamesa. “Salamat,” tipid niyang sagot. Saka sinimulan ang pagkain. Kinse minutos ang lumipas, halos masaid ni Joel ang pagkaing kanyang in-order. Hindi namang halatang gutom na gutom siya. Maya-maya lang tinawag niya ang babae at tinanong kung magkano ang babayaran. “Four hundred seventy five pesos, lahat po sir,” magalang na tugon ng babae kay Joel. Nakangiti pa ito habang hawak ang tray at notebook. Hinugot ni Joel ang kanyang wallet sa bulsa at kumuha roon ng isang libo. “Keep the change.” Sabay abot niya sa babae at kinuha ang bag sa katabing bangko saka tumayo. “Maraming salamat po, sir. God bless po!” masayang pahayag ng babae. Agad nitong niligpit ang lamesa. “Balik po kayo, sir!” Lumabas si Joel sa nasabing restaurant at muling naglakad-lakad. Ilang sandali pa at nagulat na lang siya nang may bumangga sa kanyang lalaki. Pareho kasi silang hindi nakatingin sa daan. “Pasensya na may hinahabol lang ako,” hinging paumanhin ng lalaki kay Joel. Halatang nagmamadali talaga, kaya pati pananalita mabilis din. “Ayos lang, hindi naman ako nasaktan,” sagot niya rito at muling humakbang. Hindi pa man nakakalayo si Joel sa lalaki nang biglang dumating ang kasama nito. Nakita pa niya kung paano magbatian ang mga ito at mag-usap. Bigla tuloy niya na-miss ang mga kapatid. Tuluyang iniwan ni Joel ang dalawang lalaki. Ngunit hindi pa man siya nakakarami ng hakbang nang marinig niyang tinatawag siya ng lalaki. Hindi niya ito nilingon, bagkus binilisan ang paglalakad. “Sandali lang!” Hinabol ng dalawang lalaki ang binata. Nang maabutan nila ito, kinorner ng dalawa si Joel sa gilid ng daan. “Baki, ano’ng kailangan n’yo?” mariin niyang tanong. Hinigpitan niya ang hawak sa bag at inihanda ang sarili sa panganib. “Relex lang. Hindi kami masamang tao. Ako pala si Dante.” Inilahad ng lalaking nakabangga kay Joel ang kanang kamay. “Ako naman si Michael,” singit ng kasama nito. Nakangiti at naglahad din ng kamay. “Bakit n’yo pa ako sinusundan? Wala naman akong atraso sa inyo,” pahayag niya sa dalawa. Hindi tinanggap ang pakikipagkamay ng dalawa. Naalala niya ang minsang ipinayo sa kanya ng ama. Huwag basta-basta magtiwala sa mga taong hindi kilala. Baka iyon pa ang ikakapahamak sa huli. Ibinaba ni Dante ang kanyang kamay at ngumiti kay Joel. “Sa tingin kasi namin sa iyo, parang bagong salta ka lang rito sa Manila. Alam mo naman ang lugar na ito naglipana ang masasamang nilalang.” “Oo nga Pare, maniwala ka sa amin. Gusto ka lang naming tulungan, wala kaming intensyong masama sa iyo.” Mataman niyang tinitigan ang dalawang lalaki. Bagama’t nakaramadam ng kasiyahan sa kanyang puso dahil may bago siyang kakilala roon ay hindi pa rin lubusang ibinigay ni Joel ang tiwala sa dalawa. Base sa itsura at pangangatawan ng dalawa, na parehong magandang lalaki ay wala namang kakaibang senyales na nakita si Joel na masama ang mga ito. Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ng mga ito. “Joel, nga pala,” tipid niyang pakilala. Hangga’t maari ayaw niyang ibunyag ang tunay na pagkatao. Dahil na rin sa seguridad para sa sarili. Hindi naman lingid sa binata na mayroon ding tauhan ang Uncle Frank niya sa Manila. “Kung wala kang matutuluyan dito sa Manila. Puwede kang sumama sa amin,” mungkahi ni Dante. “Paano si boss, baka magalit ’yon sa atin? Hindi na nga natin nagawa ang utos niya, baka lalo tayong masabon nito,” nag-alalang sabi ni Michael kay Dante. Ngunit tinawanan lang siya ni Dante at magaang hinaplos ang balikat. “Akong bahala kay boss. Wala ka bang bilib sa akin?” “Parang wala eh.” “Gano’n ha. Let’s go, ipapakita ko sa iyo kung gaano ka bilib sa akin si Boss Bryan.” Kasama si Joel tinungo nila ang isang puting SUV na naka-parking sa gilid ng daan. Sumakay ang dalawa sa harapan habang ang binata nasa passenger seat. Mas lalong namangha si Joel nang makitang mas magandang kapaligiran at malinis na daan ang kanilang tinatahak. Dalawang oras ang lumipas, huminto ang SUV sa isang kilalang subdivision sa Alabang. Kasabay no’n ang paglapit ng guard sa sasakyan. “Klint Bryan Mondragon!” sabi ni Dante sa guard. Sabay pakita ng kanyang id rito. Maya-maya pa sinensayan ng guard ang kasama nito na itaas ang nagsisilbing harang sa gate. Matapos pasalamatan ni Dante ang guard, agad niyang pinausad ang SUV papasok sa nasabing subdivision. Wala pang limang minuto nang ihimpil ni Dante ang sasakyan sa isang mansion. Nagbusina lang siya at kusang bumukas ang malaking gate na yari sa matigas na kahoy. “Let’s go,” sabi ni Dante. Matapos patayin ang makina ng sasakyan at naunang bumaba. Magkasabay halos na bumaba ng sasakyan si Michael at Joel. Palinga-linga pa ang binata sa loob ng bakuran, halos kapareho lang ng mansion nila, ang bahay na nasa harapan niya ngayon. Moderno lang pagkakayari nito, ’di tulad ng sa kanila ay spanish style na minana pa ng kanyang papa sa mga ninuno nila. “Tara, pasok ka. Wala namang ibang tao rito, kung hindi tayo-tayo lang,” anyaya ni Michael kay Joel. Nauna siyang naglakad papuntang maindoor. Tahimik namang sumunod si Joel sa dalawa papuntang sala. Mas lalong napahanga ang binata nang makita kung gaano kaganda ang loob ng mansion. Halos lahat ng gamit na kanyang nakikita roon ay makabago. Maya-maya lang bumaba mula sa ikalawang palapag ng mansion ang isang guwapong lalaki at walang iba kung hindi si Bryan. Ang boss ni Dante at Michael. “Magandang gabi, boss!” panabay na bati ng dalawa. “Magandang gabi rin. Ano’ng balita sa lakad n’yo? Nakita n’yo ba?” tanong nito. Tinungo ni Bryan ang solohang sofa at naupo roon. “Hindi boss, eh. Mukhang nakatunog ’ata,” si Michael ang sumagot. “f*****g s**t!” sigaw nito. Saka mabilis tumayo at parang may dadamputin kung ano’ng bagay, upang ibato. Nang walang madampot sinipa na lamang nito ang sofa saka namaywang sa harapan ng tatlo. Sa pagkakatong iyon, doon napansin ni Bryan si Joel. Katabi kasi ito ni Michael at medyo natatakpan siya nito, kaya hindi agad-agad ito napansin ng kanilang boss. “Sino ’to?” turo niya kay Joel saka mataman niyang tinitigan ang binata. “Boss, kaibigan ko ’yan. Naghahanap ng trabaho, dinala ko rito. Baka sakaling may maibigay kayong trabaho sa kanya. Galing pa ’yan sa Mindanao sa Basilan,” sagot ni Dante. Ngumiti pa ito kay Bryan na may kasamang peace sign. Tiningnan ng masama ni Bryan si Dante. “Saan mo namang lupalop na-recruite ’to?” “Sa Basilan, boss.” “Niluluko mo ba ako?” “Joke lang, boss. Ang totoo niyan nakita lang namin siya sa Divisoria, mukhang bagong salta rito sa Manila. Kaya kinuha ko na boss, kaysa naman maloko naman ng ibang tao,” paliwanag ni Dante. “Oo nga, boss. Mukhang kunting practice lang papasa na itong bodyguard ninyo,” segunda ni Michael. Tinapik pa nito ang braso ni Joel. Bumalik muli sa pagkakaupo sa sofa si Bryan. Tahimik at mukhang pinag-iisipan ang mga narinig mula sa dalawa niyang tauhan. Wala namang masama kung pagbigyan niya ang hiling ng dalawa. Hindi naman siguro basta-basta magdadala ang mga ito ng masamang tao sa kanyang pamamahay at isa pa subok na niya ang katapatan ng dalawa pagdating sa trabaho at maging sa kanya. “Bueno, kayo na ang bahala sa kanya. Kapag may ginawang hindi maganda ’yang taong ’yan, kayong dalawa ang mananagot sa akin. Understand?” “Copy, boss!” Tumayo si Joel at buong pusong nagpasalamat kay Bryan. “Maraming salamat boss, sa pagtanggap ninyo sa akin. Makakaasa kayo sa aking katapatan,” pahayag ni Michael. Bahagya pa siyang ngumiti sa bagong amo. KINABUKASAN, pupungas-pungas pa si Joel habang bumabangon sa kanyang kama. Nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone ay halos napamura ang binata, sampong minuto bago mag-alas-singko ng umaga. Sa bahay kasi nila kadalasan alas-otso o ’di kaya ay alas-nueve siya gumigising at kung minsan inaabot pa siya ng alas-dyes sa kama. Dapat nga siguro ngayon pa lang sanayin na niya ang sarili na gumising ng maaga at higit sa lahat kumilos ng walang nakaabang na katulong sa harapan. Matapos ayusin ang pinaghigaan, lumabas siya ng kuwarto. Nagulat pa siya nang makitang bihis na bihis pang-work out ang dalawa niyang kasama. “Good morning, p’re!” si Michael habang inaayos ang suot na sapatos. “Good morning din sa inyo!” Pinanood lamang niya ang ginagawa ng mga kasama. “Tara sama ka, excirsise tayo,” yaya ni Dante. Tumayo ito at inamba-amba pa ang mga kamay sa ire. Umiling si Joel. “Next time na lang siguro ako. Wala kasi akong damit na pang-excirsise.” “Gano’n ba. Mamaya mag-shooping tayo, sagot ka namin. ’Diba p’re?” baling ni Joel kay Michael. Tulad niya tumayo na rin ito at bitbit ang gatorade. “Walang problema, kami ang bahala sa iyo. Sa ngayon ikaw muna ang in-charge sa kitchen.” Sabay akbay ni Michael ni Joel at iginaya palabas ng barracks nila. Kasunod si Dante. Tinahak nila ang daan sa gilid ng parking area. Maya-maya pa at nasa washing area na sila ng mansion. Binuksan ni Dante ang pintuan at pumasok sila roon. “Marunong ka bang magluto? Si boss, kasi nag-bre-breakfast ’yon bago pumasok ng opisina. Usually Filipino food ang gusto niya. Alam mo naman siguro lutuin ang mga iyon?” tanong ni Dante kay Joel. Matapos ipaliwanag ang gusto ng amo nila. “Hindi ako gaanong marunong magluto. Pero napapag-aralan naman ’diba ang pagluluto?” pahayag ni Joel kay Dante. “Tama ka p’re. Lahat naman talaga ng bagay ay napag-aaralan. Basta’t bukal sa puso natin ang ating mga ginagawa. Hindi mo namamalayan na nape-perfect muna pala ang isang bagay na sa hinagap ay hindi mo kayang gawin,” sagot ni Michael. Habang nilalabas sa refrigerator ang mga lulutuin ni Joel. Maya-maya pa pare-parehong nagulat ang tatlo. Nang biglang nagsalita ang kanilang boss. Nakasandal ito sa balustre ng pintuan sa kitchen. Tulad ng dalawa nakabihis rin ito ng pang-work out. “Ang aga-aga Dela Torre, puro matatalinghagang salita ang lumalabas d’yan sa bibig mo. Ano’ng totoo sundalo ka ba talaga o professor?” masungit na tanong ni Bryan. Humalukipkip pa ito sa harapan ng tatlo. “Sundalo, boss,” proud na sagot ni Michael kay Bryan. Sumaludo pa ito sa amo. “Tunay ba ’yan? Isa rin sa pangarap ko ang maging sundalo, kaso mahirap lang ang pamilya namin. Kaya hayun tagatanim na lang ako ng kamote sa probinsya namin,” kuwento ni Joel. Para namang nakunsensya ang binata sa mga pinagsasabi niya. Lumapit si Bryan kay Joel at magaan nitong tinapik ang balikat ng binata. “Gusto mo pag-aaralin kita?” “Huwag na boss. Okay na sa akin ’yong kinupkop n’yo ako at binigyan ng trabaho,” sagot ni Joel sa amo. Iniisip niya na baka mabunyag pa ang kanyang lihim kung ipagpatuloy niya ang pag-aaral. Maya-maya pa niyakag na ni Bryan ang dalawa para mag-work out sa underground ng kanyang mansion na ginawa rin niyang gym, para sa kanila ng kanyang tauhan. Naiwan naman sa kitchen si Joel. Tatawa-tawa pa ang binata habang sinisimulan niyang iluto ang mga pagkaing inilabas ni Michael. Mabuti nga lang at nagamit niya ang mga natutunan sa Thailand noong nag-aaral pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD