PAGPASOK ni Britney sa loob ng vip room. Tahimik niyang tinungo ang lamesang ukupado ni Delgado. habang naglalakad pinag-aralan niya ang paligid. Maraming babaeng seksi ang nakapaligid sa lamesa nito, mga lalaking naka-suit tantiya niya ay bantay ng lalaki saka mga bilyonaryong naglalaro roon. Puno rin ang paligid ng usok ng sigarilyo at ang mga waiter na walang humpay sa pagdala ng mamahaling alak sa lamesa ni Delgado. Huminga muna ng malalim si Britney saka niya kinalabit ang isang babae na dalawang bangko ang pagitan kay Delgado. Nagtaka pa ang babae nang makita siya sa ganoong ayos. “Ako muna raw ang papalit sa iyo, sabi ng manager natin. Bagong hire ako, ngayon-ngayon lang. Training ko ngayong gabi,” kinakabahan niyang sabi sa babae. Ginandahan pa niya ang ngiti rito, para kapani