WEEKEND na naman at wala rin namang silang gagawin, dahil may pampamilyang lakad ang amo nila. Napag-isipan ni Joel na mag-general cleaning ng kanyang kuwarto. Matapos asikasuhin ang sarili, sinimulan na niya ang kanyang trabaho. Una niyang sinasam ang mga damit niyang marumi, inilagay niya iyon sa laundry basket. Tinanggal din niya ang sapin ng kama, punda ng unan, at kumot. Isinama niya iyon sa basket upang labhan. Pagkatapos no’n lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng walis at dustpan. “Mukhang may date ’ata ah?” nakangisi niyang tanong kay Michael. Nakaupo ito sa sofa, hawak ang cellphone, tila may hinitay na tawag. Tumungo si Joel sa kitchen area, binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng bottle water. Saka pa lang niya kinuha ang walis at bumalik sa kuwarto. “Sasamahan ko si