Chapter 6 Boss Bryan

2072 Words
MAS naging matulin pa ang mga araw na sumunod kay Joel. Hindi niya namalayan nakaisang linggo na rin siya sa poder ni Bryan. Halos nakakasabay na rin siya sa dalawang kasama, pagdating sa trabaho. Iyon nga lang at kailangan talagang niyang i-adjust ang sarili, para hindi siya mabuking ng mga ito. Isang araw nagulat si Joel nang sabihan siya ng kanyang amo na isasama siya sa kompanya nito. Sa halip na magtanong sa amo, kung ano’ng gagawin niya roon. Nanahimik na lamang ang binata at inaasikaso ang sarili. Puting polo shirt at kulay navy blue na pants ang isinuot niya saka niya ito pinaresan ng caterpillar boats. “Ang ganda ng porma ah. Mukhang rarampa lang?” biro ni Michael kay Joel. “Hindi ko nga alam kong bagay ba itong suot ko sa kompanya ni boss, kinakabahan ako,” sagot ni Joel. Inayos pa nito ang collar ng polo. “Relax lang. Mababait naman ang mga employee ni boss, lalo na si Rena.” “Palagay mo ano’ng gagawin ko roon?” nag-alalang tanong ni Joel. Kahit ilang beses siyang nakatungtong sa Medrano Empire, hindi pa rin maiwasan ng binata na kabahan. Lalo na at wala siyang kilala roon. Tinapik ni Michael ang balikat ng binata. “Baka ituturo sa iyo ni boss, ang pasikot-sikot sa kanyang kompanya. Tulad ng ginawa niya sa akin noong tinanggap niya ako. Para kong wala siya kaya nating i-handle ang kanyang kompanya.” Na-surprise naman si Joel nang marinig ang tinuran ni Michael sa kanya. Mukhang magagamit na niya ang kursong kinuha sa Thailand. Kung totoo man ang sinasabi ng kasama niya, kahit hindi na niya ipagpatuloy ang pag-aaral. Malaking tulong na sa kanya ang gagawin ng amo. Sana lang ay hindi siya mahalata ng mga ito. Maya-maya pa sabay na lumabas ang dalawa sa kanilang barracks at tinungo ang parking area. Hindi man sila nainip sa paghihintay sa kanilang amo, dumating ito kasama si Dante at Steven. Bago pa man pumasok si Bryan sa sasakyan nagbigay siya ng instructions at trabaho sa kanyang bodyguard. Sila lang dalawa ni Joel ang magkasabay, habang ang tatlo ay tinungo ang ibang sasakyan sa parking area. “Ang bilis mong matutong mag-drive ah?” Nagulat si Joel nang biglang nagsalita si Bryan sa kanyang tabi. Mabuti na lang at hindi nahalata ng amo ang bigla niyang paghawak sa manibela ng mahigpit. “Siyempre boss, magaling aking tagapagturo at masunurin akong estudyante,” sagot niya rito ng hindi man lang tinitingnan ang amo. Kinakabahan din siya na baka marami ng mapansin si Bryan sa kanya. “Halata nga at wala rin sa mukha mo ang naggaling ka sa probinsya. Kunting-kunti na lang malalampasan mo na si Dela Torre.” Tumawa ng mahina si Joel. “Hindi boss. Beterano na ang mga iyon. Ako nagsisimula pa lang.” Walang narinig na sagot si Joel mula sa amo. Patay malisya niya itong sinulyapan. Kaya naman pala busy na ito sa harapan ng laptop. Makaraan ang halos isang oras, nairaos ni Joel ng maayos ang pagmamaneho. Matapos niyang maibaba si Bryan sa harapan ng Mondragon Corporation ay nag-park siya sa malawak na parking area ng kompanya. Na-surprise pa si Joel nang makitang nasa lobby pa ng kompanya ang amo at tila hinihintay talaga siya. “Let’s go!” sabi ni Bryan sa kanya at naunang naglakad papuntang elevetor. Tahimik namang sumunod si Joel sa likod ng amo. “Good morning, Sir Bryan!” bati ng dalawang babae. Tumabi ang mga ito upang bigyan ng daan ang kanilang boss, pasakay ng elevetor. “Good morning!” ganting bati ni Bryan sa kanyang employee. Nauna itong pumasok sa loob ng elevetor. Akmang susunod na si Joel sa kanyang amo. Napatigil siya saglit nang marinig ang bulungan ng dalawang babae. Nilingon niya ang mga ito at ubod tamis niyang nginitian saka tuluyang pumasok sa loob ng elevetor. “Number one rule. Bawal makipagladian sa mga employee ko!” “Copy, boss.” Maya-maya pa tumunog ang elevetor, hudyat iyon na nasa tamang palapag na sila. Naunang lumabas si Bryan at tahimik lamang na sumunod si Joel. “Good morning!” bati ni Rena. Ang secretary ni Bryan. “Good morning. Siyanga pala si Joel, bagong recruit ni Dante. Pakituruan naman, tulad ng itinuro mo kay Dela Torre,” magaang utos ni Bryan. Sumimangot naman si Rena. “Bakit hindi mo pinaturuan kay Dante? Alam mong busy ako ngayon, next week na ang financial report.” Ngumisi si Bryan. “Busy din si Dante, may ibang lakad.” “Ewan ko sa iyo. Manang-mana talaga ’yang mga bodyguard mo sa iyo.” “Mabait daw kasi ako.” “Kapag tulog siguro!” Sa isang tabi mataman lang silang pinapanood ni Joel. Iba ang closeness na nakikita niya sa amo at secretary nito, parang hindi mag-amo ang turingan ng mga ito. “Joel, si Rena nga pala, ang masipag at mabait kong secretary and also my bestfriend,” pakilala ni Bryan. “Nice to meet you, Ma’am Rena.” Inirapan ni Rena si Joel. “Rena, na lang. Aawayin kita kapag tinawag mo ulit akong, ma’am.” Tumawa si Joel. “Rena, ang gandang pangalan.” “Kasasabi ko lang ng rule, Medrano!” “Copy, boss.” Ilang sandali pa pumasok na si Bryan sa kanyang opisina. Agad namang tinuruan ni Rena si Joel at ipinalam rin niya sa binata kung saan kabilang ang Mondragon Corporation. Bandang alas-dyes ng umaga bumaba ang dalawa sa ikalimang palapag ng kompanya. Naroon kasi sa palapag na iyon ang halos employee ni Bryan at iba’t-ibang department kabilang na ang marketing at finance. “Rena, pakisabi naman kay Mr. Mondragon, pirmahan na niya ’yong proposal ko, tungkol ’yon doon sa project na itatayo sa Rizal,” pakiusap ng isang lalaki kay Rena. “Nasaan na ba? Nai-analyze mo na ba iyon ng mabuti? Baka mamaya i-reject lang niya kapag hindi niya nagustuhan ang proposal mo,” sagot ni Rena. Napatigil pa sila sa Engineering department. “Oo. Ilang buwan ko ring pinagpuyatan ’yon, para lang masiguro na makapasa sa kanyang panlasa.” “Oh sige mamaya sasabihin ko sa kanya. Goodluck!” “Maraming salamat, sana ma-approved.” Saktong alas-dose ng tanghali, nagbalik ang dalawa sa kanilang palapag. Hindi pa man nakakaupo si Rena sa kanyang upuan, nang biglang lumabas si Bryan sa kanyang opisina. Mabilis tumayo si Joel para salubungin ang amo. “Cancel all my appointment! May urgent meeting ako sa labas.” Isinuot ni Bryan ang kanyang coat at nagmamadaling tinungo ang elevetor. “Paano ’yong kay Miss Uy? Maghihintay ’yon!” sigaw ni Rena. “Ikaw na ang bahala, sama mo si Joel!” sigaw din ni Bryan saka tuluyang pumasok sa elevetor. Naiwang nakanganga si Rena habang nakatingin sa elevetor na pinasukan ng amo. “Tikom mo ’yang bibig mo, baka pasukin ng mikrobyo.” “Hay, grabe talaga ’yang amo oh. Nakakapanggigil!” Pagsapit ng alas-singko nang hapon, iinat-inat si Rena ng kanyang likod habang isinasara ang laptop. Pagkatapos no’n inayos niya ang mga gamit at inihanda sa pag-uwi. “Let’s go. Hindi ka pa ba uuwi? Pasado alas-singko na ah,” tanong ni Rena kay Joel. Abalang-abala rin ito sa harap ng laptop. Kinuha ni Rena ang kanyang bag sa ilalim ng sariling lamesa. Umiling si Joel. “Wala pa si boss. Baka magalit ’yon kapag nauna akong umuwi.” “Hindi na dadaan ’yon dito. Baka nga nasa Francisco’s Club na ’yong tao na iyon, nag-aaliw palibhasa walang lovelife. Tara na ihatid na kita sa inyo.” Sabay sukbit ng kanyang bag sa balikat at binitbit ang laptop. “Huwag na nakakahiya naman sa iyo. Makati ka tapos ako Alabang pa, mapapalayo ka pa.” “Sus, ano’ng kaso no’n. Tara na!” Wala namang nagawa si Joel kung hindi ang sumabay na lamang kay Rena. Noong nasa parking area na sila, siya na mismo ang nagprisinta sa dalaga na mag-drive. Maya-maya pa at halos parehong hindi mai-drawing ang mukha ng dalawa nang makita ang traffic sa edsa. “Ano, puwede bang paliparin ’tong sasakyan mo?” biro ni Joel kay Rena. Sumipol pa ito dahil sa haba ng traffic sa kanilang harapan. Tumawa si Rena. “Baliw. Kahit paliparin mo ’tong sasakyan ko, ang kababagsakan mo traffic pa rin. Why? Kasi lifetime na ’yan at ’di ka talaga iiwan, ’di tulad ng jowa mo!” Tiningnan ni Joel si Rena at saka ngumisi. “Walang mang-iiwan sa akin, kasi wala naman akong jowa. Baka ngayon pa lang.” Sabay kindat ni Joel kay Rena. Halos namula naman ang pisngi ni Rena sa ginawa ni Joel. “G*go! Hindi tayo talo, sumbong kita sa amo mo!” Tinawanan ni Joel si Rena at saka muling hinawakan ang manibela. “Joke lang!” “G*go!” Maya-maya pa muling umusad ang kanilang sasakyan at medyo umalwan ang traffic. Saktong alas-siyete ng gabi nang marating ng dalawa ang mansion ni Bryan sa Alabang. Pinilit pa ni Joel si Rena na bumaba para makapag-dinner, ngunit mabilis tumanggi ang dalaga. “Huwag na baka mapanis ang ka-date ko sa kahihintay sa akin,” pahayag ni Rena. Agad itong bumaba ng sasakyan at lumipat sa driver seat. “Aalis na ako!” “Mag-ingat ka, salamat. Enjoy your date!” Tumabi sa gilid ng kalsada si Joel at sinaluduhan ang dalaga. Sinagot naman ni Rena ng isang busina si Joel saka pinasibad ang sasakyan palabas ng subdivision. Nang mawala sa paningin ni Joel ang sasakyan ni Rena. Tinungo niya ang gate at nag-buzzer doon. Ilang sandali pa at kusa ng bumubukas ang gate. “Nag-taxi ka?” tanong ni Dante. Naghihintay sa kanya sa outpost sa loob ng bakuran. “Hindi. Hinatid ako ni Rena, nahihiya nga ako at may date pa pala ’yon. Naistorbo ko tuloy,” sagot niya kay Dante. Magkaakbay nilang tinungo ang mansion. Nagulat pa si Joel nang makitang may mga bisita ang amo niya sa dining area. “Magandang gabi, boss!” bati ni Joel. Sinulyapan pa niya ang mga taong naroon, lalo na ang isang babae na nakatungo sa katabi nitong matanda. “Magandang gabi rin. Ginabi ka ’ata?” seryoso nitong tanong. “Traffic, boss.” tipid niyang sagot saka umupo sa bangkong nakalaan sa kanya, katabi si Michael. “Traffic o nakipag-date ka pa kay Rena? Sinasabi ko sa iyo, Medrano!” Hindi na umimik si Joel para hindi humaba ang uasapan nila ng kanyang boss. Nakikita kasi niya na mukhang mainit ang ulo ni Bryan. Matapos silang kumain lahat ng sabay, ipinakilala siya ni Steven sa mga taong naroon. Napag-alaman din niyang anak pala ito ni Virginia— ang babaeng matagal ng hinahanap ng kanilang boss. Mga sumunod na araw, mas lalong naging abala si Joel at mga kasama sa paghahanap kay Virginia. Ginawa rin siyang assistant ni Bryan sa kompanya nito, dahil nasa bakasyon si Rena. Paunti-unti nalimutan ni Joel ang sariling problema, mas itinuon niya ang pansin sa mga itinuturo sa kanya ng amo kung paano magpalakad ng kompanya. “Boss, tumawag pala si Rena, dumating na ’yong dalawang katulong sa agency,” pagbibigay-alam ni Michael kay Bryan. Kararating lang noon ni Bryan galing sa Cavite. Para kausapin ang mga tauhan doon. “Gano’n ba. Sunduin n’yo ni Joel, kayo na ang bahala,” sagot ng amo at saka umakyat ng hagdanan. “Copy, boss.” Lumabas si Michael ng mansion at tinungo ang kanilang barracks. Pagkarating niya roon, agad niyaya si Joel. “Saan ang punta ng mga single?” kantiyaw ni Steven sa dalawa. Kasalukuyan nitong nililinis ang sports car ni Bryan sa parking area. Ngumisi si Michael. “Mangchi-chicks kami. Sama ka?” Bahagyang lumapit si Steven sa dalawa habang hawak ang hose, na mayroong tagas ng tubig. Nginisihan din niya ang dalawa. “Huwag n’yo na akong demonyohin. Alam n’yo naman kung gaano ako ka-loyal sa aking lalabs.” “Ulol. Loyal mo mukha mo!” “Sabihin mo takot ka lang sa mga kapatid na lalaki ni Nathalie, kaya nagiging loyal ka!” Bago pa man maiamba ni Steven ang hose sa dalawa. Mabilis nakasakay ang mga ito sa loob ng sasakyan at pinausad iyon palabas ng parking area. Binusenahan pa nila ang kaibigan saka tuluyang pinaharurot ang sasakyan palabas ng gate. “May araw din kayo sa akin!” sigaw ni Steven. Iwinasiwas pa sa ire ang hose, tuloy nabasa pa ang katabing sasakyan sa ginawa niya. “f**k!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD