HALOS madurog ang puso ni Joel. Nang makita ang unti-unting pagbulusok ni Britney sa ibaba. Wala ng mas isasakit ang makita niyang inaagaw sa kanya ni Kamatayan ang pinakamamahal niyang babae. Umigting ang mga panga ni Joel sa galit. Wala siyang ibang sisisihin kung hindi ang kapatid nito. Kung hindi sana nito tinakot at pinagsabihan kung ano-ano ang dalaga. ’Di sana’y buhay pa ito at makakasama pa niya sa pagbuo ng pinapangarap na pamilya balang araw. Iniangat niya ang isang kamay at inihawak iyon sa railing. Sasampa sana siya sa hagdanan. Para makipagtuos kay Timothy. Nang biglang nagsalita si Roger sa kanyang ear peace. “Mission accomplished, p’re.” May nasilip na kunting pqg-asa si Joel sa sinabi ng kasama. Bagamat hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Dalawa lang ang