WALANG pagsidlan ang tuwa ni Britney habang nakikipagtintero sa ibang sasakyan sa kalsada. Hindi rin niya alintana kung maaksidente sila. Ang importante nag-i-enjoy siya makipaghabulan sa mga tauhan ni Wang. “Anak ng tinapa. Gusto ko ’to!” saad niya sa sarili. Habang mahigpit niyang hawak ang manibela. Paminsan-minsan binibitiwan rin niya iyon. Kapag nakikita niyang wala siyang kasabay sa kalsada. Tila pakiramdam kasi niya lumilipad siya sa ire. Napasipol pa si Britney nang biglang nag-red ang traffic sign. Kaya mabilis niyang inapakan ang break. Rinig na rinig pa niya ang pag-angil ng gulong ng Raptor. Kasabay no’n napasinghap pa siya nang makarinig ng lagabog sa likod. Nang tingnan niya ito, ang dalawang lalaki nakasubsob sa salamin. Sa lakas ng impact ng pagkaka-break niya ay tumals