“PAANO tayo ngayon makakatakas sa kanila? Tiyak na nakaabang ang lahat ng tauhan ni Wang sa labas ng pinto,” naiiyak na tanong ni Britney kay Joel. Nasa sala sila sa mga oras na iyon at naghahanda. Kitang-kita ang frustration sa mukha ng dalaga. Hindi rin nito alam kung ano’ng gagawin. Kung magtatago ba o tuluyang samama na lamang kay Wang para walang gulo. Tiyak kasi niya na maraming madadamay na inosenteng tao kapag nagkabarilan doon. At mas lalong hindi rin niya alam kung makakaligtas sila roon. Lalo na at puro armado ang mga tauhan ni Wang. Tapos nag-iisa lang si Joel na lalaban sa kanila. Hindi nito kakayanin ang mga lalaki. Baka nga sa Kuya Timothy pa lang niya ay hindi na ito makalaban. Hindi sinagot ni Joel ang dalaga. Bagkus ipinatong niya ang duffle bag sa center table at binu