Chapter 8 Selos

1966 Words
KINABUKASAN, araw ng linggo ay masayang pinatulungan ng mga tauhan ni Bryan na ihanda ang garden, para sa kanilang pananghalian. Gaya ng nakaugalian ni Bryan tuwing linggo ay nagkakaroon sila ng salo-salo kasama ang kanyang mga tauhan sa mansion. Buong araw wala silang gagawin kung hindi ang kumain nang kumain at magsaya. Iyon ang pinaka-way niya upang makilala pa ng husto ang mga taong nakakasama niya sa araw-araw. Tulad ngayong araw, abala naman ang kanyang mga tauhan sa paghahanda ng pagkain sa mahabang mesa malapit sa bahay. “Sabihin natin mamaya kay boss, mag-videoke tayo. Nami-miss ko ng kumanta. Hindi n’yo naitatanong no’ng kabataan ko suki ako ng singing contest sa aming lugar, minsan nga dumadayo pa ako sa kabilang baryo,” bida ni Roger sa mga kasama. Kaaalukuyan silang nasa tabi ng bakod at abala sa pag-iihaw ng mga isda. “Panalo ka naman?” tanong ni Joel. Binalikatad niya ang bangus na nababalutan ng foil. “Aba panalo. Hakot award pa nga ako noon, taob ang mga kalaban,” maangas na sagot ni Roger. Tumawa si Steven. “Baka naman tinatakot mo ang mga judges kaya ka nanalo?” “Hindi na kailangang takutin p’re, dahil kapag narinig na nila ang boses ko, panigurado isandaan agad ang score ko. Gano’n ako kagaling mga Pare.” “Kumapit ka p’re, lalong lumalakas ang hangin baka madala tayo,” biro ni Michael. Kumapit pa ito sa poste ng bahay na yari sa bakal. Sinamaan ng tingin ni Roger si Michael at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa ganoon silang ayos dumating si Britney. “Pinapasabi ni Nanay Melba, kung puwede raw pakidala na sa lamesa ’yong mga nalutong isda saka tulungan n’yo raw si Kuya Dante, na ibaba ang mga dahon ng saging sa sasakyan at huwag daw kayong maingay may darating na bisita si Sir Bryan,” pahayag ni Britney. “Ano pa kamahalan, mayroon pa ba?” nakangising tanong ni Joel. Lumapit pa ito sa kinatatayuan ng dalaga. “Wala na! Tse.” Tumalikod si Britney at nagsimulang lumakad palayo sa mga lalaki. “I love you, baby!” sigaw ni Joel. Hindi sumagot si Britney bagkus itinaas niya ang middle finger para Kay Joel. Kantiyaw naman ang inabot ng binata sa kanyang mga kasamahan. Saktong alas-dose ng tanghali preparado na ang lahat ng pagkain sa table. Kasabay rin no’n ang pagdating ng bisita ni Bryan. Walang iba kung hindi ang kanyang bestfriend s***h secretary na si Rena. “Kate, lead the pray,” magaang utos ni Bryan. “Yes, sir,” sagot nito ng hindi man lang tinitingnan ang amo. Matapos magdasal si Kate. Nagbigay naman ng maikling mensahe si Bryan sa kanyang mga tauhan. Pagkatapos no’n hinawakan niya ang kutsara at sumandok ng kanin at isinubo. Pababa niya sa kutsarita, ngumiti siya. Iyon ang hudyat na puwede ng simulan ang pagkain. “Oh, walang alisan sa tayo, hangga’t hindi nauubos ang pagkain sa puwesto,” pahayag ni Roger. Agad sumubo ng kanin na may kasamang isang hiwa ng inihaw na porkchop. “Huwag mo kaming hamunin p’re, baka mapapalaban ka?” sagot sa kanya ni Dante. Nilagyan agad niya ng pagkain ang puwesto. “Dami n’yong satsat, kumain na lang kayo nang kumain, para mabusog kayo,” sita ni Bryan. Umalis ito sa kanyang puwesto at tumabi kay Kate saka nilagyan ng pagkain ang puwesto ng dalaga. Maya-maya lang tahimik nang kumain ang lahat. Maliban kay Britney na halos ’di malunok-lunok ang pagkaing kinakain. Nakabalandra kasi sa harapan niya si Joel na todo ang ginagawang pag-asikaso kay Rena. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagiging sweet ng binata rito. Bigla-bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain at tila nalungkot rin ang kanyang puso. “Tapos ka na agad?” nagtatakang tanong ng kanyang pinsan kay Britney. Umiling si Britney. “Oo, busog na ako.” “Busog? Halos wala ngang bawas ’yang pagkain mo,” mahinang sermon ni Cristina sa pinsan. Sinamaan pa niya ito ng tingin. “Busog na nga ako,” mataray niyang sagot sa pinsan saka umalis sa lamesa at nagtuloy-tuloy naglakad papasok ng mansion. “Ano’ng nangyari ro’n?” tanong ni Michael. “Ewan ko. Bigla na lang naging mainit ang ulo,” sagot ni Cristina. Iiling-iling lang ito habang sinusundan ng tingin ang pinsan. Nadismaya naman si Joel nang makitang wala na si Britney sa puwesto nito. Nais lang naman niyang pagselosin ang dalaga kaya tumabi siya kay Rena. Kanina pa niya gustong lumipat sa tabi ng dalaga at pagsilbihan ito. Ngunit nagdalawang isip siya, iniisip rin niya na baka sungitan lang din siya nito. Kaya pinagselos na lamang niya ang dalaga, ngunit tila wrong move ang ginawa niya. Sa halip na magselos si Britney mukhang nasaktan niya ito. Hindi na nakatiis si Joel na hindi makita ang dalaga. Maingat siyang umalis sa garden ng walang nakakapansin sa kanya at mabilis tinungo ang likod ng mansion, kung saan puwedeng mag-short cut ng daan papuntang kitchen area. Pagdating niya roon agad binuksan ang pintuan ng kitchen at walang ingay na pumasok. Tinumbok niya agad ang ukopadong kuwarto ni Britney. Kinatok niya iyon, maya-maya lang nakarinig siya ng yabag palapit sa pintuan. “Ano’ng ginagawa mo rito?” masungit na tanong ni Britney sa binata. Hindi ito nag-aksayang buksan ng maayos ang pintuan. “Wala. Bigla ka kasing nawala sa garden, hinanap ka nila,” alibay ng binata. Sumandal pa ito sa pader at tila walang balak umalis doon. Tinaasan ni Britney ng kilay si Joel. “Ngayong nakita mo na ako, puwede ka ng umalis. Masakit ang ulo ko.” “Hindi ako naniniwala. Kanina lang maganda ang mode mo.” “Kanina ’yon. Saka ano bang pakialam mo? Umalis ka na nga!” Sabay sara ni Britney sa pintuan. Ngunit mabilis na nahawakan ni Joel ang pintuan para hindi tuluyang magsara. Dahan-dahan niyang itinulak iyon, pagkatapos ay pumasok siya sa loob saka niya tuluyang isinara. “Bakit kasi ayaw mo na lang aminin na nagseselos ka kay Rena?” nakangisi nitong tanong sa dalaga habang dahan-dahang lumalapit dito. Tumawa si Britney na tila iniinis ang binata saka tiningnan mula ulo hanggang paa ito. “Ako nagseselos. Wow ha, boyfriend ba kita? Huwag ka kang assuming, ang taas naman ng confidence mo sa sarili!” Umatras si Britney nang makitang palapit si Joel sa kanya. Ngumisi si Joel at bahagya pang hinawakan ng hintuturo ang kanyang labi, na tila nang-aakit. Saka tuluyang lumapit sa dalaga. “Darating din ang araw na iyon at sisiguraduhin ko sa iyo mapapasaakin ka. Mark my word!” “Baliw ka! Hindi ako laruan na basta-basta mo lang angkinin. Abnormal ka ba?” “Nagiging abnormal lang naman ako pagdating sa iyo.” “Ewan ko sa iyo! Umalis ka na nga, magpatingin ka sa doctor baka tuluyan ka ng maging baliw. Konsensya pa kita,” pahayag ni Britney. Itinulak niya ang binata. Kung hindi niya gagawin iyon, baka siya ang tuluyang mabaliw. Dahil nagsisimula ng umiba ang t***k ng kanyang puso. Tila nagugustuhan na nito ang binata. Ngunit hindi nagpatinag si Joel. Mas lalo lamang niyang idinikit ang katawan sa dalaga. Na tila ba sinusukat kung hanggang saan ang pasensya ni Britney. “Sabing umalis ka na! Bingi ka ba?” Patuloy pa rin ang panunulak ni Britney sa dibdib ni Joel. Sa puwesto nila, ultimo hangin mahihiyang dumaan. Dahil dikit na dikit ang dibdib ng binata sa katawan ng dalaga. “Sabihin mo munang nagseselos ka kay Rena.” “Ano ka ba paulit-ulit ka na lang? Hindi nga ako nagseselos kay Ate Rena! Naiiintindihan mo? Hin–” Hindi na natapos ni Britney ang sasabihin ng biglang selyuhan ni Joel ang kanyang bibig ng labi nito. Maya-maya pa halos pareho silang nagkatitigan nang makarinig ng katok sa pintuan. Kasabay no’n ang pagtawag sa pangalan ng dalaga. Agad itinulak ni Britney si Joel sa likod ng pintuan at inaayos ang sarili. Dinilatan muna niya ng mata ang binata saka kalmadong tinungo ang pintuan para buksan. Halos sumabog ang kaba sa puso ni Britney nang mabungaran ang mukha ni Bryan. “Nandiyan ba si Medrano?” tanong ni Bryan sa dalaga. Makahulugang tingin pa ang ibinigay niya rito. “Ba-Bakit n’yo rito hahanapin ang lalaking ’yon dito?” kinakabahang tanong ni Britney sa amo. Agad iginilid ang katawan sa nakabukas na pintuan, upang takpan. “Curious lang ako. Pareho kasi kayong nawala sa garden.” “Wala siya rito, sir. Baka d’yan lang ’yon sa tabi-tabi o kaya sa barracks nila.” Tumawa si Bryan. “Baka nga. Oh lumabas ka na, kanina ka pa hinahanap ni Kate.” “Sige po sir, susunod na po ako.” Pagkatalikod nang pagkatalikod ni Bryan ay agad isinara ni Britney ang pintuan at doon lang din siya nakahinga ng maluwag. “Muntik na,” saad ni Britney sa sarili. Hinaplos-haplos pa niya ang kanyang puso upang pakalmahin sa pagtibok. “Sorry,” sabi ni Joel. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at dinala sa kanyang labi. Hinalikan niya ang ibabaw no’n saka pinakawalan. “Mauna ka ng lumabas, susunod ako.” Pagsapit ng gabi, naging malungkot ang dalaga. Nalaman kasi niyang inihatid ng binata si Rena. ‘Wala kang karapatan magselos. Ano ba kayo? Porket nahalikan ka lang niya, kayo na agad,’ saad ng isipan niya. ‘First kiss ko ’yong kinuha niya,’ sagot naman ng kabila niyang isipan. ‘Sus, first kiss lang ’yon, ang iba nga d’yan ’yong virginity pa mismo nila ang nakukuha. Ngunit ligwak pa rin, kahit gaano kaganda ang hawak mong baraha, mapupusoy ka pa rin, gano’n!’ ang mahadira niyang utak. ‘Hayaan muna ’yon, baka mamaya nakaligtas ka nga kay Rudulfo, dito naman kay Medrano, nahulog ka. Isipin mong mabuti ’day, huwag agad magpadala sa matatamis niyang salita. Kiss lang ang nawala sa iyo, may V ka pang iniingatan,’ payo naman ng kanyang konsensya. Tumayo si Britney mula sa pagkakahiga niya sa kama. Nahaplos niya ang labing hinalikan kani-kanilang ng binata. Kahit simple-ng halik lang iyon, naghatid naman iyon ng kakaibang kiliti sa kanyang sistema. “Argh!” mahina niyang daing. Sabay sabunot sa sariling buhok, tila ba maluluka siya kapag iniisip niya iyon nang iniisip. UMAGA, halos tamad na tamad si Britney bumangon sa kanyang kama. Bukod sa masakit ang ulo, feeling din niya ay mukha na rin siyang zombie. Dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Alas-dos ng madaling araw dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata at titig na titig sa kisame. Na para bang nandoon lahat ng sagot sa kanyang iniisip. “Alas-siyete na nakahiga ka pa rin? May sakit ka ba?” tanong ni Cristina sa pinsan. Kakalabas lang nito mula sa banyo. Sumimangot si Britney at muling tinakpan ng unan ang mukha. “Hindi ako nakatulog kagabi, ang likot-likot mo kasing matulog,” alibay niya sa pinsan. “Nge, ikaw nga itong malikot matulog. Kagabi nga gusto na kitang sipain, para ka kasing nakikipag-wrestling sa higaan.” “Ikaw ’yon hindi ako!” Lumapit si Cristina sa kabilang side ng kama. Kung saan naroroon ang mukha ng pinsan. Maingat niyang kinuha ang unan at saka hinihagis. Umupo siya para magpantay ang mukha nila ng dalaga. “Bakit kasi ayaw mo na lang aminin na ginugulo ka sa isipan ni Joel?” mahinang tanong ni Cristina saka dali-daling tumayo at tinungo ang closet. Biglang napabangon mula sa pagkakahiga si Britney. Umupo siya sa gilid ng kama at sinamaan ng tingin ang pinsan. “Isa ka pa. Magsama kayo!” Sabay tayo ni Britney at tinungo ang banyo. Tinawanan ni Cristina ang pinsan. Batid niyang napikon ito sa kanya. Kaya bigla-biglang pumasok ng banyo. “Siyanga pala hinihingi ni Joel, ang number at f*******: account mo.” “Binigay mo?” “Hindi siyempre. Alam ko namang magagalit ka.” “Good!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD