Kasalukuyan siyang naglilinis ng kwarto ni Callum. Hindi naman maraming kalat kaya simpleng vacuum at pagma-mop lang ang ginawa niya. Siya lang mag-isa sa bahay ngayon dahil as usual ang boss niya ay nasa opisina. Pumunta siya sa banyo at nilinis din ang mga nandoon, inayos niya lang ang toiletries at tinuyo ang sahig gamit ang mop.
Pagkalabas niya ng kwarto ay saktong nakita niya ang pagdating ni Callum. Nagtaka siya dahil maaga itong dumating, hindi naman kasi ito nagsabi sa kaniya kung dito ito maghahapunan.
Niligpit niya muna ang gamit na hawak bago ito sinalubong nang makapasok.
"Napaaga ka ata?" tanong niya rito. Niluwagan nito ang necktie na suot bago magsalita.
"We will go to the mall. You need a dress for tomorrow's party. Change your clothes now and be ready in 10 minutes." Hindi na siya nakaimik pa nang deretso na itong umakyat sa taas. Mukha itong busy at pagod pero nag-abala pa umuwi ng umaga para lang bilhan siya ng damit para bukas.
Kumilos na rin agad siya para makapagpalit ng damit. Simula noong gabi na 'yon, pakiramdam niya naging mas komportable siya kay Callum. Nailabas nila ang mga mabibigat na problema nila sa isa't isa at iyon ang naging dahilan para maging-close sila. Alam niya pa rin naman ang distansiya niya bilang isang kasambahay pero wala naman masama kung magiging kaibigan niya ito 'di ba?
Nagpalit lang ng damit si Callum at umalis na rin sila kaagad. Dumeretso sila sa isang napakagandang mall. Wala masiyadong maraming tao dahil mukhang high end mall iyon dahil ang mga shop na nakikita niya ay puro galing sa sikat na brand.
"I hired a makeup artist and hair stylist. They're going tomorrow at the house, exactly 4 in the afternoon," sambit nit habang naglalakad sila patungo kung saan.
"Kailangan pa ba 'yon? Hindi ba pwedeng ako na lang ang mag-aayos sa sarili ko? Gagastos ka pa," ani niya. Nakakahiya naman kasi na gagastusan pa siya nito.
"No worries. Ako ang nag-invite sa'yo para Samahan ako kaya ako rin ang may karapatan gumastos. Don't mind about money."
"Iba talaga pag mayaman," bulong niya sa sarili. Tumigil sila sa isang shop ng mga dress and gowns. Pagkapasok nila ay binati sila ng may ngiti ng mga empleyado.
"Good morning, sir, ma'am."
"We would like to check some dresses, for her." Nagulat siya sa paghapit sa kaniya ni Callum.
"This way po," nakangiting sambit ng babae at ginaya sila sa isa pang papasok. Siya naman ay nakasunod lang at hindi makaalis sa tabi ng binata dahil nakahawak pa rin ito sa bewang niya.
Nakahinga siya ng maluwag nang inalis na ng binata ang kamay nito sa bewang niya dahil tumingin na ito ng mga damit. Marami itong kinuha kaya tumulong din ang dalawang staff sa pagkuha.
"Try all of this," utos nito sa kaniya. She didn't say anything but follow what Callum wanted. Pumasok siya sa dressing room at sinukat ang una niyang nadampot. Nasa sampu ata ang dress kaya panigurado ay mapapagod siya kakapalit.
Nakagat niya ang labi dahil masiyadong revealing ang una. Kinakailangan niya tanggalin ang bra niya dahil may built in bra na nakasama iyon. Fitted na medyo loose sa part ng dibdib kaya kitang kita ang cleavage niya. She admit that her skin is so white and smooth.
Nakayuko lang siya nang makalabas sa fitting room.
"Change." Naiangat niya ang tingin at nakita itong umiinom ng wine. Nakatingin ito sa kaniya na parang wala lang, hindi man lang umabot ng isang minuto bago ito mag-decide.
Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis dahil parang wala lang man itong reaksyon. Siguro sadiyang hindi lang ito na-sexy-han sa kaniya.
Pero 'di ba dapat nga matuwa siya dahil hindi siya tinutukso ngayon ng boss niya?
Napabuntong hininga na lang siya dahil sa mga naiisip. Nababaliw na ata siya.
Muli siyang nagsukat pero pinagpalit lang siya. Nakailang palit siya na hindi pa rin pumapasa sa taste ni Callum. Nagdagdag ang mga staff ng damit na susukatin niya at nang masuot niya ang mahabang dress na longsleeve ay tsaka lang naiba ang sinabi ni Callum.
"That's better."
Gusto niyang mag-react dito.
Better?! Better ba itong dress na parang pupunta sa simbahan?
Hindi siya sobrang manang manumit at hindi siya magaling sa mga style ng mga dress pero ang isang 'to na suot niya ay mukhang hindi babagay sa birthday party. Isang long white dress ito na turtle neck tapos longsleeve pa, medyo maluwang din sa parteng bewang kaya parang nagmukha siyang mataba.
"Sa tingin ko po sir, mag-try pa po si ma'am. Hindi po kasi sakto sa sukat ng katawan niya," kinakabahang suggestion ng isang staff.
"Really?" he tilted his head while thinking. "I think that is the best."
Hindi niya mapigilan mapaikot ang mata niya. Mukha kasi siyang manang na buntis na ewan. Akala niya pa naman bibilhan siya nito ng maayos na dress para hindi siya maging kahihiyan bukas pero mukhang pangkatatawanan lang pala.
"Sige po miss, magta-try pa ako," baling niya sa staff. Hindi niya na pinansin si Callum at tinalikuran na. Dumeretso siya sa fitting room at siya nag namili sa mga iilan pang dress doon. May isang dress ang nakakuha ng pansin niya. Hindi sobrang revealing at mukhang sakto sa sukat niya.
Sinuot niya iyon at napangiti dahil maganda nga ang sukat at disenyo. White longsleeve dress siya na hanggang kalahati ng hita niya ang haba. May detail din ito na mga maliliit na buttons na nagpaka-elegante tingnan. Hapit sa hubog ng katawan niya kaya mas lalong nakita ang hugis niya.
"Ma'am pwede ko po kayo i-assist?" rinig niyang tanong ng babae. Hinawi niya naman ang malaking kurtina para makapasok ito.
"Sa tingin mo, okay na 'to?" tanong niya rito.
"Opo ma'am! Grabe ang ganda ganda niyo po. Para kang barbie ma'am, lalo na siguro pag naayusan na. Dalhan po kita ng sapatos na babagay riyan, sandali lang po ma'am ha?" excited na sambit nito.
Mabilis din itong nakabalik at may dala na itong color white chunky heels. Tinulungan siya nitong isuot iyon. Nang mapatingin siya sa salamin ay namangha siya dahil maski siya ay natutuwa sa buong kasuotan.
"Labas na po kayo ma'am, paniguradong maiinlove sa'yo lalo si sir. Tingnan mo naman kanina, ayaw na ayaw kang pagsuotin ng mga sobrang revealing na damit," sambit nito at humagikgik pa na parang kinikilig.
"Ha? H-hindi kami—"
"Matagal pa ba?" rinig niyang sambit ni Callum sa labas.
"Sige na ma'am labas na po," tinaas baba nito ang kilay dahil sa tuwa. Napakamot siya sa batok bago tuluyan lumabas.
She walked slowly because she felt embarrassed by the look of the staff. May dumagdag na na staff doon at nakatingin ng husto sa kaniya. Napabaling naman siya ng tingin kay Callum, nakatingin lang ito habang hawak ang wine. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
Callum clenched his jaw while looking intently at Kristel.
Naiwas niya ang tingin dito dahil parang nalulunod na siya sa hindi malaman na dahilan.
"Mas okay po ito sir 'di ba? Mukha pong barbie si ma'am. Sobrang puti at haba pa ng legs," side comment ulit ng tumulong sa kaniya kanina.
"Its good..." ani ni Callum. Mukhang maiksi lang talaga ito mag-comment o talagang lahat ng dress ay hindi bagay sa paningin nito.
"We'll get that dress and the shoes," he said to the staff.
Nagpalit na agad siya ng walang imik. Binayaran din agad ng binata ang mga pinamili at umalis na rin sa shop. Bitbit niya ang dalawang paperbag at tahimik na nakasunod sa binata.
"Hindi ba bagay sa akin ang mga damit?" hindi niya mapigilan na itanong. Hindi naman siya nag-eexpect na mag-react ito ng bongga pero.
Napatigil ito sa paglalakad at napatingin sa kaniya.
"What makes you think that way?" tanong nito pabalik. Napatigil din siya sa paglalakad dahil humarap ito sa kaniya.
"K-kasi... 'yong reaksyon mo, parang hindi mo gusto ang mga sinuot ko. Nahirapan ka nga yata mamili ng damit para sa akin eh," she pursed her lips and looked away. Gusto lang naman kasi niya malaman kung bakit parang hirap na hirap ito sa pagpili at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng matagal kanina.
"Yes. It's hard to choose what dress should you wear tomorrow." Parang kumurot ang puso niya sa sinabi nito.
"Hindi bagay sa akin 'no?" she laughed.
"I didn't say that. You look so good in each dress, but it's hard for me to find a dress that can hide your body. I don't want men to ask you out, Kristel." Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. Wala sa sariling napalunok siya at napayuko dahil sa nararamdaman.
Callum stepped closer and held her chin. Muling nagtama ang paningin nila na ikinanginig ng tuhod niya.
"I am the only one who can ask you out and I am the only person who can look at you whenever I want. Just me, Kristel. No other men."