CHAPTER 6

1610 Words
Kagaya nga ng sinabi ni Callum, may tatlong babae ang pumunta sa bahay para ayusan siya. Galing ang mga ito sa sikat na mga Korean makeup artist. "Can you speak Korean?" tanong ng isang koreana na naglalagay ng fake nails niya. "Uh, no." Mabuti na lang ay kahit papaano ay marunong siya mag ingles. "But you're half Korean, right? Because you look like one," she smiled. Tanging tango at ngiti lang ang tugon niya. Nang matapos ilagay ang mga fake nails niya sa kamay ay sinimulan naman nito linisin ang kuko niya sa paa para lagyan ng nail polish. Ang isa naman ay nag-uumpisa ng lagyan ng makeup ang mukha niya. Nakinig lang siya sa music na pinapatugtog ng mga ito. Na-relax siya at muntikan pa makatulog dahil magaling ang mga ito sa pag-aasikaso sa kaniya. Halos dalawang oras siya inayusan at nang makapagbihis na ay lumabas na siya sa kwarto dahil nakatanggap na siya ng mensahe kay Callum na ready na ito at siya na lang ang hinahantay. "Beautiful," he said while looking at her. Nag-init ang pisngi niya dahil sa papuri nito. "H-hindi naman," ani niya nang makalapit. "So that's what you call being humble? You're lying to yourself," he said with an amusing smile. "Hindi naman kasi talaga," ulit niya pa. Para sa kaniya common lang ang itsura niya, siguro ang mas iba lang sa kaniya ay ang porselanang puti at kinis ng balat. "Let's go. The Lamborghini is waiting for us outside." Dumulas ang kamay nito sa bewang niya. Hinayaan niya na lang ito at hindi na nagsalita. Mag-eenjoy muna siya sa ganap ngayong gabi. Ngayon lang siya a-attend ng ganitong party at excited siya makita ang lugar pero kinakabahan din lalo na't sigurado siyang may mga taong hindi siya gugustuhin doon. Sumakay sila sa Lamborghini, mabuti na lang na hindi ito nag-drive dahil alam niyang pagod ito galing sa trabaho. "Ah, thank you nga pala sa kwintas at hikaw na binili mo para suotin ko lang ngayong araw. Ibabalik ko rin agad pag-uwi natin mamaya," ngumiti siya rito para magpasalamat. Bumaling naman ito ng tingin sa kaniya. Dahil nakatabi ito ng husto sa kaniya, paglingon nito ay mas lumiit pa ang distansiya nila sa isa't isa. "It's yours now, baby." "Huh?" Gulat siyang nakatingin dito dahil sa narinig. "I said it's yours now," sambit ulit nito. Hindi siya bingi para hindi marinig ang pag tawag nitong 'baby' sa kaniya. Tinikom niya ang bibig at hindi na lang ito pinansin. Naramdam niya ang pag-akbay nito sa kaniya kaya tiningnan niya ito. "Sir, ano pong ginagawa mo?" mahinahong tanong niya rito. Nag-uumpisa na naman kasi ito sa mga galawan nito sa mga babae. Tiningnan siya nito ng nakakunot ang noo. "If you call me sir and use that 'po'again, I'll punish you in my own way." Nagpakawala siya ng maiksing tawa, nangti-trip na naman ito at alam niya iyon. "Sir 'wag po ako ang pag-trip-an m —" Lumuwa ang kaniyang mata sa gulat nang sa isang iglap lang ay nakadikit na ang labi ng binata sa kaniya. Nailapat niya ang isang palad sa malapad nitong dibdib para kumuha ng suporta. Masiyadong malalim ang paghalik nito, gusto man niyang umalis pero nakahawak ang isang kamay nito sa batok niya. Unti-unti siyang napapikit at tuluyan ng kinain ng apoy na biglang tumupok sa pagkatao niya. 'Yong tipong gusto niya humiwalay na hindi sa halik. "Uhm..." she let a small moan when Callum enter his tounge to her mouth. Napakapit siya sa damit nito nang gumapang ang isang kamay nito sa bewang niya hanggang sa gilid ng dibdib. "Sir, ma'am nandito na po tayo." Awtomatikong naitulak niya ng malakas si Callum nang marinig ang boses ng driver. Hingal na hingal siya at medyo natulala dahil sa nangyari. She forgot everything, she forgot that there's a driver driving for them and she also forgot that Callum is her boss. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nadala siya sa ginawa nito. She forgot that her boss, Callum, is freaking womanizer. Napatingin siya sa binata na nag-aayos ng nakusot na damit na alam niyang siya ay may sala dahil nalukot niya ang bandang dibdib nito. Umakyat ang tingin niya at saktong binasa nito ang labi gamit ang dila. Iniwas niya agad ang tingin nang bumaling ito sa kaniya at binigyan siya ng isang ngisi. "Fix yourself. Thanks to your makeup artist, your lipstick is waterproof." Inayos niya agad ang sarili at hindi na tinapunan ng tingin ang binata. Pakiramdam niya sobrang pula na ng pisngi niya dahil sa kahihiyan. "Let's go," sambit nito at saktong may nagbukas na ng pintuan ng sasakyan. Bumungad sa kaniya ang eleganteng labas, ang sahig ay may red carpet. Halatang napakabongga ng birthday party na ito. Hinapit siya ni Callum sa bewang at naramdaman niyang nilapit nito ang bibig sa tainga niya. "That's your punishment every time you call me 'sir' and use that 'po'. Remember, I can do it anywhere and everywhere, even in front of so many people," bulong nito sa kaniya. Halos mapapikit siya dahil ramdam niya ang init ng hininga nito sa tainga at leeg niya na parang kumikilit sa kaniya. "Understood?" dugtong pa nito. "O-oo..." "Good. By the way, your lips is so f*****g soft, baby." Nahigit niya ang hininga niya at ramdam niya ang init na umakyat sa mukha niya. Yumuko siya nang nag-umpisa silang naglakad. Para siyang nawala sa sarili at para siyang lutang habang naglalakad. Ramdam niya ang kiliti sa tiyan niya kaya hindi siya mapakali. "Bro! you're here, sa wakas! Madaming naghahanap sa'yo kahit ako ang birthday celebrant." Napaangat ang tingin niya sa sumalubong na lalaki. Dahil sa narinig niya alam niya na na ito ang may birthday. "Happy birthday. I'll send you the gift," bati ng binata rito. "I want a girl, can you give me one of your collections?" sambit nito at tumawa. Napabaling ito sa kaniya habang tumatawa. "Grabe ang tinik mo talaga. I thought you're going to find a woman here tonight. Mayroon ka na pala agad na dala." "Hi beautiful, I'm Troy, what's your name?" tanong ng lalaki sa kaniya. "H-hello... ako po si Kristel. Happy birthday po pala," magalang na bati niya rito. "Woah... woah... you're into kind and innocent nowadays?" pabirong bulalas ng lalaki kay Callum. Napatingin naman siya sa binata at napakaseryoso na ng mukha nito. "Don't start with me brute." Kumunot ang noo niya dahil parang nagulat ang lalaki at napatingin pa sa kaniya. Medyo lumayo ito sa kaniya at tinaas pa ang kamay. "Sorry. I thought she was one of your women." Bumubulong na ang lalaki pero naririnig niya pa rin naman. Hindi na lang niya ito pinansin at nilibot ang paningin. Marami ang tao, marami ang nagsasaya at kita niya na lahat ay mayaman. Siya lang ata ang nakapasok at naging invited sa party na mahirap. Bumagsak ang tingin niya sa mga nakalatag na pagkain sa apat na mahabang lamesa, may mga alak din dahil kita niya halos lahat ay may hawak na wine glass sa kamay. "Enjoy!" Doon niya lang ulit nilingon ang lalaki na nagngangalang Troy. Ngumiti lang siya rito bilang tugon at binalingan na si Callum na seryoso pa rin ang mukha. "Okay ka lang?" tanong niya dahil mukhang wala na ito sa mood. "I'm not. You should wear facemask." "Huh?" Hindi niya ito naintindihan. Hindi na rin ito nagsalita pa at hinawakan na lang ang kaniyang kamay. Tumungo sila sa isang table na may bakanteng chairs. May mga nakaupo roon na halos mga lalaki, mukhang kakilala ni Callum dahil kinakawayan siya. "Bro! kanina ka pa naming hinahantay, hinahanap ka ni Talia," malakas na sambit ng lalaki. "Talia is here?" tanong ni Callum habang pinaghila siya nito ng upuan. "Yeah. By the way who is she? Can you give her to me after you use? You know she's so sexy, alam mo namang type ko rin ang mga type mo." Napatingin siya sa lalaki dahil sa sinabi nito. Alam niya ang meaning noon. Magsasalita pa lang sana siya para magpakilala na maid nito nang biglang nilapitan ito ni Callum at kinwelyuhan. "What did you f*****g say?" madiin na sambit nito. Ang mga tao sa paligid ay biglang napalingon sa pwesto nila. Nakita niya pa ang kaibigan ni Callum na si Troy na papalapit na. "What is happening here?" tanong ni Troy. "Pare, anong problem anito? I'll just ask him to give that girl to me after he use her." "Eh gago ka pala eh!" sigaw ni Troy kasabay ng hiyawan ng mga kababaihan. She drop her jaw when she saw Callum punching the face of the guy. "Umatras ka, baka ikaw rin masaktan. Mas lalong magkakagulo rito," sambit sa kaniya ni Troy na mukhang natutuwa pa sa nangyayari. "Huh? P'pwede bang awatin mo sila?" pakiusap niya rito dahil kita niyang hindi tumitigil si Callum. "Why would I? Okay lang 'yan. Deserve niyang mabugbog ng isang Acel Callum Ross. Isa pa't hindi naman naming close 'yang tarantado na 'yan." Kinunotan niya ito ng noo at hinawi ang kamay nito nang pigilan siyang makalapit sa binata. Agad niyang hinawakan sa braso si Callum at pilit na hinahatak ito. "Callum... Callum, tara na! Tama na 'yan, please." Pilit niya itong hinahatak pero hindi pa rin ito nagpapaawat. Gusto niyang maiyak dahil kita niya na halos nakapikit na ang lalaki at duguan na ang ilong at bibig. "S-sir! Please tama na 'yan," sigaw niya. Niyakap niya ang braso nito at naramdaman niya na kumalma ito kahit papaano. Inangat niya ang mukha at kita niyang nakatingin na ito sa kaniya. Medyo kumalma ito kaya agad niya ng hinawakan ang kamay ng binata para hatakin paalis sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD