CHAPTER 4

1351 Words
Kanina pa siya tinutukso ni Callum dahil sa reaksyon niya sa sinabi nito kanina. "Then we'll sleep naked." "G-gago!" "Did you just curse in front of my face right now?" Oo, namura niya ito at nasigawan. Sobrang hiyang-hiya na siya, gusto niya na maglaho na parang bula at magtago sa binata. Ang kapal na ng mukha niya dahil nagawa niya itong sigawan. "Stop avoiding me, Kristel." Napapitlag siya dahil sa pagbulong nito sa kaliwang tainga niya. 5pm na sila dumating at ngayon ay nasa balcony sila at naghahantay ng sunset dahil iyon ang gusto ni Callum. Nag-init ang pisngi niya dahil ngayon lang nito binanggit ang pangalan niya. Ngayong araw ay nakakarami na talaga ang binata sa kaniya at sa bawat panunukso nito ay naaapektuhan siya ng malala. "Pasensiya na ulit, hindi ko sinasadiya na nasigawan at namura kita... K-kasi ikaw naman ang may k-kasalanan," ani niya at napanguso. Nakatingin lang siya sa natatanaw nilang dagat at araw na unti-unti ng lumulubog. "I'm sorry, I'm joking, and I didn't know that you'll be flustered," he said and chuckled. "Magaling ka talaga manukso ng mga babae, kaya siguro marami kang babae sir 'no?" pagtatanong niya at binalingan ito ng tingin. Nakita niyang nakatitig na ito sa kaniya, hindi niya alam kung kanina pa bai to nakatingin sa kaniya o ngayon lang din. "Sir again?" dismayadong bulalas nito. "Pwede bang tawagin na lang kitang sir? Hindi talaga ako sanay," pakiusap niya pero umiling lang ang binata. "Call me by my name, Kristel." Napabuntong hininga na lang siya at tumango. "And disclaimer, women flock on my feet even I didn't do anything," mayabang na ani nito at ngumisi. Sabagay, gwapo naman ang boss ko, babaero nga lang. Natahimik na sila at pinanood na lang ang paglubog ng araw. Nang matapos sa panonood ay pumasok na sila sa tinutuluyan nila. Dalawa naman ang kwarto kaya walang problema kung saan siya matutulog. Nagpa-order si Callum ng pagkain at siya hindi mapakali dahil wala man lang siyang ginagawa. Parang narito talaga siya para magbakasyon. "May ipapagawa ka ba? May kailangan ka ba o ipabili?" sunod-sunod na tanong niya rito. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng tv dahil nasa sala sila. "Calm down, okay? You can relax today." "Pero may trabaho po ako ngayon at sa linggo pa ang off ko," napakamot siya ng ulo. Kanina pa kasi ito hindi nag-uutos ng kung ano kaya hindi siya komportable. "Then can you work for me on Sunday night? In exchange for today? Because I need to attend my friend's party, I badly need a companion. I'll be getting tired from my morning work, so to avoid women hitting on me, I need you beside me." Tinuro siya nito gamit ang remote na hawak. "Is it fine with you? Rest today in exchange for your work on Sunday night," dugtong pa nito. Okay lang naman sa kaniya iyon dahil wala naman siyang gagawin din sa off niya. Manonood lang siya ng movie sa cellphone niya at magpapahinga buong araw. "Okay sa'kin," sagot niya at tumango bilang pagsang-ayon. "Good. Now, sit beside me and let's watch a movie. Sulitin mo ang part ng day off mo." He tapped the sofa while looking at her. Hindi na siya nagdalawang isip pa at umupo sa tabi nito para manood ng palabas. Tutal ay may deal na sila na hindi unfair sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan isipin na mabait din talaga si Callum, sadiyang matinik lang sa babae at pagdating naman sa trabaho ay nakakatakot. Mayamaya ay dumating ang mga in-order na pagkain. Kumain sila habang nanonood ng action-comedy na movie. Hindi niya alam kung paano pero nakita niya na lang ang sarili na nakikitawa kasabay ni Callum dahil sa pinapanood nila. Paminsan ay nagk-kwentuhan pa sila dahil sa palabas. Doon niya nakita na-relax at komportable ang binata sa araw na ito. Siguro kaya na rin ito nagyaya ng biglang gala ay dahil napagod ito sa trabaho. Mabilis lumipas ang oras at natapos nila ang isang movie. Tumayo siya para magligpit ng mga kinainan nila, tinawagan niya na rin ang staff sa resort para kunin ang mga utensils na pinaggamitan nila. Mayamaya ay nag-doorbel na ang staff kaya binalik niya na ang mga gamit. "What do you want? a wine, beer or brandy?" turo nito sa tatlong available na alak sa liquor fridge na naroroon. "Isang beer lang, pangpatulog," sambit niya. Kinuha naman nito ang dalawang beer at isang bote ng brandy. Lumapit siya muli sa pwesto nila sa sala. "Hindi ka umiinom ng beer?" tanong niya rito nang makaupo sa sofa. "Sometimes? But beer can make your tummy bigger. I don't want to waste my perfect abs for that," he shrugged. Naiiling siya dahil sa hirit na naman nito. Totoo rin naman kasi ang lahat ng mga sinasabi nito tungkol sa kaperpektuhan nito pero kailan kaya magiging humble ang boss niya? "Why are you not reacting? What are you thinking?" tanong ulit nito nang mabuksan ang isang can ng beer at inabot sa kaniya. "Kung kailan ka kaya magiging humble?" bulalas niya na ikinatawa ng binata. "Woah. I'm just stating the facts about me." "Alam ko po." "Then you're admitting that I'm handsome?" "Wala naman akong sinabing hindi ka gwapo sir," saad niya at lumagok ng beer. "Callum, not sir," paalala ulit nito. Ngumiti na lang siya at uminom muli ng beer. "I re-read your resume, I saw that you just finished highschool. Ayaw mo na bang mag-aral?" "Nagiging madaldal ka ata sir?" pagbibiro niya dahil napansin niya na pala tanong ito sa kaniya ngayon. "I'm curious with my maid," he chuckled and shrugged. Ngumiti siya bago magsalita. "Dahil iniwan po si mama ng mga lalaking minahal niya at kami ang naging bunga ay mas lalong naghirap ang buhay. Ako ang panganay kaya pakiramdam ko responsibilidad ko lahat lalo na may sakit si mama. Three times a week ang dialysis at may mga iba pang gamot na kailangan inumin. Ayaw ko man huminto pero wala na akong choice kun'di mag-focus sa trabaho para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya ko. Lahat ng oras ko ay nasa trabaho para lang kumite ng pera." Ngumiti siya ng mapait at uminom muli ng beer. Naubos niya na ang isa kaya binuksan niya pa ang isa. Pakiramdam niya ay gusto niya na magkwento at ilabas lahat ng mga paghihirap niya. "Iyong pakiramdam na pagod na pagod ka na pero hindi pwede? Dahil panganay ka at walang kikilos sa pamilya niyo, ikaw ang nagsakripisyo ng lahat para lang mabuhay," mapait siyang ngumiti nang maramdaman niyang may tumulong luha galing sa mata niya. Agad niyang pinunasan iyon at tumawa ng mahina. "Pasensiya na, nagdrama pa ako ngayon." Ngayon lang siya nagkwento ng ganito at sa boss niya pa talaga, kay Callum. Hindi niya ine-expect na makakausap niya ng ganito ang binata. "You're brave. You sacrifice your happiness for your family. I hope all people are like you. 'Yong hindi tatalikuran ang pamilya." Napatingin siya kay Callum na lumagok ng alak sa malaking baso. Nararamdaman niya talaga na may pinanghuhugutan ito. "Iniwan ka na ba ng babaeng gusto mo? Parang ang lalim ng pinanghuhugutan mo," biro niya para mabawasan ang ka-seryosohan sa pagitan nila. Nakita niya ang pagbabago ng expression ng mukha nito na ikinawala ng ngiti niya. Nakatulala ito sa bote ng alak na parang may iniisip. "Joke lang ha —" "My mom left me for her happiness." Muntikan na siyang masamid sa iniinom niya dahil sa sinabi nito. Hindi siya nakaimik at pinakinggan lang ang binata. "She never loves my dad. She marry my dad for money and when she gave birth to me and get much money she wants, she left us." Puno ng hinanakit ang boses ng binata na ikinakurot ng puso niya. Kahit ano ang status ng buhay ng isang tao, mahirap man o mayaman, may mga kaniya-kaniya talagang mabibigat na problema ang dinadala. Sa gabing iyon, nakita niya ang boss niya na maging mahina, nakita niya ang malungkot na mukha nito. Awtomatikong lumapit siya rito at hinayaan kumilos ang puso at katawan niya. She hugged Callum tightly and caressed his hair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD