Maaga siyang nagising para ipaghain ng almusal si Callum. Magpapaalam din siya rito na lalabas siya saglit para magpadala ng pera sa kapatid niya, mayroon kasing schedule ang kanilang ina para sa dialysis. May problema kasi ito sa kidney at kailangan mag dialysis ng three times a week. Sobrang laki ng gastos niya kaya tipid talaga siya sa sarili. Isa pa't ay siya rin ang nagpapaaral sa tatlong kapatid niya. Puro babae ang kapatid niya, half-sister niya ang mga ito dahil magkaiba sila ng ama. Sa sitwasyon niya ay hindi niya nakilala ang koreanong ama, ang mga ama naman ng kapatid niya ay nakilala ng mga ito pero iniwan din. Sabi ng kaniyang ina malas daw ito sa pag-ibig pero hindi siya naniniwala sa malas, sadiyang nag mahal lang ito ng maling tao.
"Sir— C-callum pwede ba akong lumabas saglit?" Nakagat niya ang labi dahil natawag niya na naman itong 'sir', hindi pa rin talaga siya sanay, parang ang bastos bastos niya sa amo niya.
"Where will you go?" tanong nito nang mailunok ang kinakain. Tiningnan siya nito habang umiinom ng kape.
"Magpapadala lang po ako ng pera sa mga kapatid ko," pagsasabi niya ng totoo.
"Okay, I'll accompany you."
"Po?! Hindi na po— hindi na kailangan, kaya ko naman mag-isa." Medyo nataranta siya sa sinabi nito. Alam niyang hindi ito papasok ng opisina dahil sinabihan siya nito kagabi.
Umiling ito at binaba ang baso na hawak.
"Who's the boss? Me, right? Finish your breakfast and be ready; after you send the money to your family, we're going somewhere." Tumayo ito at tinalikuran siya pero bago pa tuluyan na makaalis sa kusina ay nagsalita muli ito.
"And don't wear your uniform today, wear something comfortable and casual." Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa mawala sa paningin niya. Napatingin siya sa suot na uniform, mukha namang casual iyon at comfortable, pero dahil sinabi nito na 'wag niya suotin ang uniform ay susundin niya na lang. Tutal ay pinayagan naman siya nito na umalis. Sa Sunday pa kasi ang off niya, 'yong malaya siyang makakagala pero talagang kailangan na ng pera ng ina at kapatid niya.
Ang hirap talaga maging panganay, 'yong tipong ikaw na rin ang tumatayong ina at ama sa mga kapatid mo para lang matustusan ang mga pangangailangan. Hindi niya sinisisi ang ina kung bakit hindi ito makatulong sa kanila dahil mas lalong ayaw naman niya itong makita na may sakit na nga nagpipilit pa magtrabaho.
Tinapos niya ang kinakain at nagligpit na agad, hinugasan niya muna lahat ng hugasin at pinunasan ang lamesa pagkatapos. Dumeretso na siya sa kaniyang kwarto at naligo ng mabilisan, pagkatapos no'n ay nagsuot siya ng simpleng t-shirt at jeans tsaka ang sandals niya. Kinuha niya ang sling bag at cellphone niya bago lumabas ng kwarto.
Sakto paglabas niya ay narinig niya na ang tunog ng makina ng sasakyan ni Callum. Lalo tuloy siyang nahiya dahil sasamahan siya nito at may sasakyan pa. Lumabas na siya agad at tumungo ng garahe. Natanaw niya ang boss niya na nakasuot ng simpleng black t-shirt, khaki shorts at black sandals. Doon niya lang napansin na pareho silang may suot na black, naka-black shirt at black sandals din kasi siya.
"Let's go," baling nito sa kaniya nang mapansin siya nito. Tumango siya at umikot para makapasok na sa sasakyan. Pinaandar agad nito ang kotse palabas ng bahay.
Tahimik lang siyang nakamasid sa daanan at hindi nagsasalita. Ayaw niyang dumaldal hangga't hindi ang boss niya ang nauuna. Masiyado na siyang feeling close kung siya pa ang mag uumpisa ng topic.
"So, where your parents are?" tanong nito kaya nilingon niya ang binata. Nakasuot na ito ng shades na ngayon niya lang napansin dahil hindi niya na ito nililingon.
"Nasa cebu city sila mama," sagot niya at tiyaka binalik ang tingin sa kalsada.
"Your dad and your siblings?"
"Wala akong ama, 'yong mga kapatid ko lang ang kasama ng mama ko." Pinagdikit niya ang labi habang pinaglalaruan ang kaniyang kamay, ang mata niya pa rin ay nakatutok sa daan.
"Is he in heaven?" Ramdam niya sa boses nito ang pag-iingat kaya nilingon niya ito at ngumiti kahit hindi naman nakatingin ang binata sa kaniya.
"Hindi naman siguro?" tumawa siya na parang wala lang, masiyado kasi silang seryoso. Saglit itong napalingon sa kaniya dahil na rin siguro sa pagtawa niya. Mabilis niyang sinara ang labi at umayos.
"Hindi ko siya nakilala, ang alam ko lang koreano ang tatay ko. 'Yong mga kapatid ko naman half-sisters ko sila, iyong mga tatay nila nakilala namin kaso iniwan din si mama. 'Di ba? Marami ng manloloko sa panahon ngayon, pagkatapos magpakasaya tapos pag nagkaroon ng bunga iiwanan din naman." Huli na para bawiin niya ang sinasabi niya. Nadala siya at napahaba ang pagkwento niya sa binata.
Bigla siyang kinabahan dahil baka isipin nito ay pinapatamaan niya ito, dahil nga isa itong dakilang womanizer.
"Yeah. Same with women, they will get what they want. They leave for their happiness, but how about the people they left?" he said with a bitter tone.
Natigilan siya sa sinagot nito. Hindi niya akalain na iyon ang magiging sagot nito. Maraming pumasok sa isip niya, katulad na lang na kung iniwan ba ito ng babaeng gusto nito? Hindi na siya nakapagsalita pa hanggang sa dumating sila sa mga padalahan ng pera.
Nagpaalam siya rito na siya na lang bababa dahil saglit lang naman siya. Nagpadala siya ng pera sa kapatid niya na si Maymay 20 years old na kasi ito kaya lahat ng padala niya ay si Maymay ang humahawak.
Pagkatapos niya roon ay mabilis siyang bumalik sa sasakyan ni Callum. Hindi ito umalis doon, naabutan niya pang may kausap sa telepono.
"Okay see you tomorrow, babe."
Tumikhim siya ng mahina at umayos ng pagkakaupo.
"Pwede ko bang malaman kung saan tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Batanggas," he said while maneuvering the car. Umawang ang labi niya dahil gusto niya doon makapunta. Maraming magandang beach ang naroroon na nakikita niya sa social media.
"T-talaga po?" she asked excitedly.
"Po?" Kunot noong tanong nito sa kaniya kaya naisara niya ang labi.
"Sorry..."
"Hmm. Are you that excited? Never been there?" tanong nito habang pinapaandar na ulit ang sasakyan.
"Op- Oo, gusto ko makapunta roon dahil maraming beach na magaganda katulad na lang ng sa cebu."
"Great. We will sleep there tonight and go home tomorrow morning." Binalingan niya ito ng tingin, seryoso ito at walang halong biro ang nakikita sa mukha. Kanina ay excited siya ngayon ay namomroblema siya para sa damit niya. Wala siyang extrang damit na pamalit.
"W-wala akong damit na pamalit," mahinang sambit niya.
"Then we'll sleep naked."