CHAPTER 14

1555 Words
"I'd let you rest for a week, kasi sinabi mo pagod ka. But I can't wait any longer, baby. I don't want you to leave me," bulong nito sa tainga niya habang nakayakap pa rin ito sa kaniya. Napapikit siya nang bigyan nito ang leeg niya ng munting halik. Awtomatikong napahangad siya dahil sa ginagawa ng binata. "I miss your smell, damnit." "Callum..." "Yes, baby?" he asked between what he was doing. Naidilat niya ang mata at buong lakas na itinulak ang binata. Hindi siya pwedeng magpadala sa lalaking ito. She has already warned herself multiple times, don't fall. Kailangan niya pa ba maglagay ng note na nakasulat 'Warning: Don't Fall' ? Dahil kahit ilang beses niya itatak sa utak niya ay lagi niyang nakakalimutan. Bumibigay pa rin siya lalo na ang katawan niya. "Bakit ako nandito? Ikaw ba ang boss ko?" deretsong tanong niya sa binata nang makahiwalay siya rito. Callum sighed and looked at her. "Yes," he said. "P-paano?! Paano naging ikaw?" hindi makapaniwalang sambit niya. Napakagaling naman ng tadhana kung coincidence lang ang lahat. Tumayo ito sa pagkakaupo kaya sinundan niya ng tingin. "I always follow you, wherever you are. I know you are tired because of your problems, so you want to stay away from me. But sorry, baby. I can't let you leave me. Once I'm addicted to something, I'll never let it go." "Baliw!" sigaw niya rito at mabilis na tumayo. "Yes, I'm freaking crazy. Do you know who did this?" he smirked. Kinuha niya ang isang unan sa sobrang inis at binato sa binata na nasalo naman agad. "Libog ka lang! Mag-re-resign na agad ako!" sigaw niya rito. Talagang niloloko siya ng lalaking ito, akala siguro nito ay hindi niya alam na ikakasal na ito. "Language, baby," he chuckled. "And anyways, you can't resign until the contract is done. Remember what you signed?" ngumiti ito sa kaniya. Bigla siyang namutla dahil naalala niya na hindi niya binasa ang kontrata ng buo. Bumalik ang tingin niya sa binata na lumapit sa kaniya habang hawak hawak ang isang unan na binato niya. Umatras siya pero bumangga lang siya sa side table. "You didn't read it?" Napapikit siya ng makalapit ito ng husto. Naramdaman niya ang paglagpas ng kamay nito sa gilid ng bewang niya kaya napadilat siya. May kinuha itong papel na nakapatong doon at binigay sa kaniya. "This is the highlight of the contract, read it, baby." Nahigit niya ang hininga ng halikan siya nito sa gilid ng labi. Mabilis lang iyon kaya halos malukot ang kaniyang mukha. T-teka? Bakit ako maiinis dahil saglit lang 'yon?! Winaksi niya ang nasa isip at tinuon ang pansin sa papel na hawak. Rules of Party A to Party B. 1. You can't resign or break the contract. You should wait until the one-year contract is done. 2. Party B should follow whatever Party A wants. 3. If Party B escape, she will pay 100 million pesos in cash. Nailukot niya ang papel dahil sa nabasa. Tiningnan niya ito ng masama dahil halata naman na planado ang lahat. "Sa tingin mo ay nakikipagbiruan ako sa'yo?!" sigaw niya sa binata at binato ang papel sa harapan nito. Sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya kaya napalunok siya. "I'm not kidding. I'm very serious, Kristel." Napabuga siya ng hangin at napahawak sa ulo niya. Ayaw niya na makipagsagutan dito dahil pagod na siya makipagtalo. Isa pa kahit anong sabihin niya ay wala ring mapapala dahil legal ang kontrata na pinirmahan niya. Isang taon lang naman siya magtitiis at magpipigil na 'wag mahulog sa mga laro nito. Kaya niya iyon alang alang sa pera na makukuha niya at benefits niya bilang personal assistant nito. Ang importante ay may pera na siya para mapa-opera ang mama niya. Kaya mo 'to Kristel. Para sa pamilya mo. "Totoo naman 'yong health benefits ko 'di ba? Totoong sampung milyon iyon at sakop ang magulang ko?" tanong niya rito. Kakapalan niya na ang mukha niya dahil ito naman talaga ang kailangan niya. "Yes. Just send me the details of your mom, and I'll do the work." Tumango siya rito. Mukhang alam na naman nito ang kalagayan ng ina niya dahil mukhang sinadiya talaga nito ang halaga ng benefits na 'yon bilang personal assistant nito. Lulunukin niya na ang pride niya at kung sa tingin nito na mukha siyang pera ay okay lang basta mapagamot ang kaniyang ina. "Nasa Cebu city hospital siya, kailangan niya magpa-opera. Kidney transplant." "I know," sagot nito gamit ang seryosong boses. "Asikasuhin mo lang iyon, gagawin ko lahat ng gusto mo ng walang reklamo," sambit niya at iniwas ang tingin sa binata. "Okay." Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Wala na talaga siyang mukhang ihaharap dito. Narinig niya ang pagsara ng pinto kaya doon na siya napalingon. Lumabas na ito ng kwarto at saktong bumuhas na ang luha na kanina niya pa pinipigilan. Halo halo ang emosyon na nararamdaman niya. Pinipilit niya pa rin maging positibo sa nangyayari kahit puno na ng kahihiyan ang nararamdaman niya. Humiga siya sa kama at nagtago sa kumot na gamit niya kanina. Binuhos niya lahat ng luha niya at bigat na nararamdaman. *** Hindi niya alam na nakatulog siya ulit, nagising na lang siya dahil naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Nang idilat niya ang mata ay nakita niya si Callum na nasa tabi niya. Agad siyang napabangon at napayuko. "S-sorry nakatulog ulit ako," mahinang sambit niya. "It's fine. Fix yourself, let's eat our lunch. Its already 2 in the afternoon," saad nito at sumandal sa headboard ng kama. Tumango siya at dali daling tumayo. Nakita niya ang gamit niya sa may tabi ng kama kaya binuksan niya iyon pero natigilan din. "Dito ba ako matutulog?" marahan na tanong niya. Nandito kasi lahat ng gamit niya sa kwarto mismo ni Callum kaya naitanong niya iyon. "Do you want to sleep beside me?" tanong nito sa seryosong boses. Hindi agad siya nakasagot, ayaw niya dahil alam niyang matutuluyan talaga siya ritong mahulog. Malaki ang posibilidad, dahil alam niya na kaunti na lang ay tuluyan ng mababasag ang nakapalibot sa puso niya. "I-ikaw ang boss ko kaya kung ano ang gusto mo ay susundin —" "Sleep at the guest room." Sinundan niya ng tingin ito nang tumayo at deretsong lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga siya at inayos muna ang sarili bago sumunod papuntang labas. Dumeretso siya sa kusina at nakita niya roon ang dalawang kasambahay na nakita niya noong unang punta niya rito. Binati siya ng dalawa kaya binati niya rin ang mga ito. "Ma'am, kain na po kayo," sambit ng isa. "Si... Callum?" tanong niya dahil hindi niya ito nakita sa kusina. "Ay ma'am mukhang hindi na talaga kakain, nakita ko kasi na lumabas at may dalang sigarilyo. Mukhang hindi po maganda ang mood?" singit ng isa. Naninigarilyo siya? "Pero ma'am kumain na po kayo dahil pangalawang beses na po namin ininit ang pagkain para mainit init ang mga ulam pagkinain niyo." Wala na siyang nagawa kun'di umupo at kumain. Kaunti lang ang kinain niya dahil wala naman siyang gana masiyado kahit masasarap ang mga ulam sa lamesa. "Kain po kayo ulit," alok niya sa dalawa na naghihintay lang sa kaniya matapos. Uminom siya ng tubig nang matapos kumain. Hindi muna siya umalis doon dahil wala pa naman siyang gagawin, hindi niya pa alam kung ano ang iuutos ni Callum. Hindi pa rin ito bumabalik sa loob ng bahay. "Ako na po ang maghuhugas, magpahinga na po muna kayo," sambit niya nang makitang ililigpit na ng mga ito ang pinagkainan niya. "Ay nako ma'am! Kaunting bagay lang ito. Kayo po ang magpahinga dahil mukhang hindi kayo okay," napakamot ng ulo ang isa. "Hay nako Jurat! Manahimik ka!" "Manang Conching naman! Jura kasi! Ang pangit pakinggan eh!" naiiyak na sambit ni Jura. "Eh anong magagawa ko kung Jurat at pangalan mo?" napamaywang si manang Conching. Puro kamot lang sa ulo ang ginawa ni Jura kaya natawa siya sa mga ito. "Basta ma'am! Jura ang itawag mo sa akin huh?" sambit ni Jura nang makita siyang tumatawa. Tumango na lang siya bilang pagsangayon dito. Inagaw na nito ang mga hugasin, si Jura ang naghugas kaya nagpasalamat siya rito. "Alam mo ineng, matagal na ako rito. Ako ang unang kasambahay sa bahay ni sir Callum. Ikaw pa lang ang babaeng nakakapasok dito maliban sa aming dalawa na kasamabahay. At higit sa lahat ikaw pa lang ang nakakapasok sa kwarto ng binata na 'yon! Girlfriend ka ba niya?" pagtatanong ni manang sa kaniya. Mabilis ang pag-iling niya rito. Gusto niya sana i-explain na naging kasambahay siya nito pero mahirap naman magkwento kung anong mayroon sa kanila ng binata. "Baka gusto ka ni sir!" humalakhak si Jura habang naghuhugas. "Hindi... may fiancé na 'yon 'di ba?" paninigurado niya. "Huh? Mayroon ba?" napalingon sa kaniya si Jura. "Manang 'di ba wala? Noong nakaraan bumisita rito si sir Calizto, 'yong daddy ni sir Callum, narinig ko sila nag-uusap dahil nagtanong si sir Calizto kung may girlfriend na ba ito pero wala ang sinabi ni sir Callum," pagk-kwento ni Jura sa kaniya. Natigilan naman siya at napaisip. Hindi niya makakalimutan 'yong sinabi ng babae noong gabing 'yon. Malinaw sa kaniya ang sinabi nito at isa pa, gabing gabi na at kasama ni Callum ang babae. Nakaramdam na naman siya ng paghigpit sa dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD