CHAPTER 15

1903 Words
"Nako ma'am! Bakit ka ba kilos ng kilos, kami na po ang bahala maglinis dito," saway sa kaniya ni Jura. Tumutulong kasi siya sa paglilinis dahil hindi pa naman siya inuutusan ni Callum. Isang linggo na siya rito pero wala man lang itong inutos sa kaniya na mabibigat na bagay. Nararamdaman niyang hinahayaan siya nito na makapagpahinga at hindi niya iyon gusto. Malaki ang sahod niya at higit sa lahat ay nag-uumpisa na ang treatment sa kaniyang ina. Naka-schedule na rin ang operation nito sa susunod na linggo. Kung hindi siya kikilos ay para siyang tamad na sumasahod ng malaki. Napaka-unfair naman no'n para sa iba. "Okay lang ako —" "Hi! Is Callum home? Kanina pa siya hindi sumasagot sa tawag ko." Napalingon siya at nakita niya ang babae na pamilyar ang boses. Matangkad ito at maputi, elegante tingnan pero nakasimangot ang magandang mukha. "Ay ma'am Arianna, hindi po kayo nagsabi na pupunta kayo!" natutuwang sambit ni manang Conching. "Manang si Callum ba wala rito o tinataguan lang ako?" nakasimangot na tanong nito kay manang. Siya naman ay nakatingin lang dito. Hinddi siya p-pwedeng magkamali, ito ang narinig niyang boses na nagpakilala sa kaniya bilang fiancé ni Callum sa tawag. Akala ko ba ay wala pang babaeng nakakapasok dito maliban sa kasambahay at pamilya ni Callum? Tumikhim siya at binaba ang tingin sa mop na hawak. "You must be his maid who runaway?" tumawa ito pero maganda pa rin tingnan. Bigla tuloy siyang na-insecure sa sarili. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "Kilala mo ako?" tanong niya. Tumango ito at ngumiti sa kaniya. "Of course! Mukhang bibig ka ba naman — I mean, you remember me? Did you recognize my voice? Nakausap kita noong gabi na nasa davao kami! I'm so sorry! Natarayan kita dahil akala ko isa ka sa mga linta ni Callum." "Huh?" wala sa sariling bulalas niya dahil hindi niya ito maintindihan. Nagsisimula ng lumipad ang utak niya kung saan saan. Hinatak siya nito at dinala sa sala para umupo sa sofa. Nagpatianod naman siya dahil talagang hinatak siya nito. Inagaw pa ni Jura ang mop sa kaniya at sinenyasan siya na makipagkwentuhan sa babaeng ito. "Ikaw ang fiancé ni Callum 'di ba?" tumawa ito sa tinanong niya. "Girl! Acting lang 'yon! At sa acting na 'yon ay napahamak ako! Paano pala kung bawiin talaga ni Callum 'yong gift niya sa akin for honeymoon namin ng soon to be hubby ko?! Nangako pa naman siya ng tatlong bansa!" pinagkrus nito ang kamay at sumimangot na naman. "Tatlong araw na lang at ikakasal na ako tapos hindi ko pa nakukuha ang ticket! Kaya nga ako nandito para kulitin siya." Napahawak siya sa ulo niya at pilit iniisip lahat ng mga sinasabi nito. "H-hindi ka f-fiance ni Callum?" tanong niya pa ulit. "Pinsan ko siya, girl! Lagi kong ginagawa 'yon pagkasama ko si Callum. Close kasi kami at sa sobrang close ay pinapakialaman ko na ang buhay niya, tuwing may tumatawag na babae ay acting as fiancé na ang peg ko!" tumawa ito ng malakas. "Well, naiinis kasi ako dahil napakababaero! Totoo naman na babae talaga ang lumalapit at naghahabol sa kaniya kahit wala siyang gawin pero pinapatulan niya pa rin. Kaya nga nagulat talaga ako ng umabot ng lagpas isang buwan na wala siyang kasamang babae!" "So... walang fiancé si Callum?" "Wala! Sorry ha? Ikaw na ba ang nagpatino sa pinsan ko? Girlfriend ka na ba niya? Alam mo bang nagalit 'yon dahil nalaman niyang tinago ko ang cellphone niya noong nasa davao kami. Paano ba naman kasi tunog ng tunog at naiirita ako, kaya ang ginawa ko ay sinasagot ko lahat ng tawag at pagbabae ang boses ay nagpapanggap na akong fiancé para naman kahit papaano ay may mga tumigil." Girlfriend? Wala namang sila. "Hindi niya ako girlfriend... personal assistant niya na ako," sambit niya rito. "Nag-resign kang maid sa pagkakaalam ko tapos ngayon personal assistant ka? Interesting..." Binaba taas nito ang kilay habang nakatingin sa kaniya. "M-mahabang kwento," ani niya at iniwas ang tingin dito. "Anyways, I'll invite you to my wedding, pati na rin sa bridal shower ko mamayang gabi. Right! Sorry for the word but I'll also use you to get my tickets," ngumiti ito na parang may binabalak na masama. "Can you come with me? Pretty please?" pinagkiskis nito ang palad at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. "Saan ba?" tanong niya rito. Nasa trabaho si Callum at sigurado siyang gabi pa ang uwi no'n. Sa isang linggo na stay niya rito ay tuwing umaga niya lang naabutan ito at dahil iniiwasan niya ang binata ay hindi sila masiyadong nag-uusap. "I'll buy you an outfit for our nights party," she giggled. "Let's go na!" hinatak siya nito patayo kaya napasunod siya. "Pero... nakapambahay pa ako at hindi pa naliligo," nahihiyang sambit niya. Naghilamos at toothbrush pa lang siya dahil balak niya maligo after lunch. Gusto niya muna kasi kumilos sa bahay. "Don't worry! After natin sa mall deretso na tayo sa condo ko, doon ka na mag-shower dahil may mga extra naman akong toiletries. Just bring underwears and your important things. I'll wait you here! Bilis!" excited na sambit nito at halos itulak na siya papunta sa hagdan. Napakamot siya sa ulo, nagagaya na siya kay Jura sa kakakamot ng ulo. Umakyat siya at kinuha ang backpack niya, naglagay siya ng underwear at extra shirt and short, incase lang. Bumaba rin siya agad dahil ayaw niya paghintayin si Arianna. "Manang! Kung dumating man si Callum ng maaga-aga sabihin mo kinidnap ko ang girlfriend niya!" sambit ni Arianna at tiyaka na siya hinatak palabas. "Hindi ako ang girlfriend ng pinsan mo," bulong niya rito. "Eh ano? Special person?" umirap ito sa kaniya habang nangingiti ang labi. "Oh kaya soon to be wife?" Nag-init ang pisngi niya sa mga sinasabi nito. Alam niya naman na tinutukso siya nito. Buong byahe hanggang sa makarating sila sa mall ay dumadaldal lang si Arianna sa kaniya. Ilang oras pa lang niya ito nakakasama ay napakarami niya ng nalalaman sa buhay nito. "Kaya hindi ko na pinakawalan si hubby ko! May mga lalaki kasi talaga na hindi masalita sa nararamdaman pero sa gawa ay magaling lalo na sa kama!" napaubo siya dahil nasamid sa sariling laway. Kakatapos lang niya magsukat ng draped bodycon dress na bibilhin na nito sa kaniya. "Pwede bang hulugan ko na lang ang bayad dito?" nahihiyang sambit niya. "Girl! Ako ang naghatak sa'yo kaya sagot kita. Huwag mong problemahin 'to, gift ko na rin sa'yo dahil may nagawa akong kasalanan kaya peace na tayo," nag peace sign ito sa kaniya. First impression niya rito ay masungit pero hindi naman pala. Napaka jolly nito at madaldal. "Salamat," ngiting sambit niya rito. "You're always welcome." Pagkatapos nila sa mall ay dumaan lang sila sa bilihan ng sapatos. Hindi raw kasi sila magka-size ng paa kaya bibilhan na lang siya nito. Hinayaan niya na lang ito sa mga gusto dahil mukhang tuwang tuwa naman ito sa ginagawa. Kumain lang sila sa isang restaurant para mag-lunch at pagkatapos ay dumeretso na sila sa condo nito. "Sa hotel ang bridal shower ko. Don't worry seven lang tayong girls, I have few but solid friends. Paniguradong makakasundo mo ang mga 'yon!" sambit nito nang makapasok sila sa unit nito. Lumibot ang paningin niya dahil sa ganda ng interior design. "Ang ganda," bulalas niya. "Of course! Interior designer ako eh," ani nito. Namangha siya rito lalo. Magagaling talaga ang pamilya nila. Nasabi niya iyon dahil si Callum ay may sariling kompanya at si Arianna naman ay interior designer. Panigurado siya lahat ng kamaganak nila ay matataas ang propesyon. Naligo muna sila ni Arianna. Siya ang gumamit sa banyo ng guest room at si Arianna naman sa sariling kwarto nito. Siya ang naunang matapos maligo kaya dumeretso na siya sa loob ng kwarto nito gaya ng bilin ni Arianna. Mayamaya ay lumabas na rin ito ng cr suot ang bathrobe. "Marunong ka mag makeup?" tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling dito. "Good! Ako ang magm-makeup sa'yo!" tuwang tuwa na sambit nito. "Okay lang kahit 'wag na. Ikaw ang bride at party mo ang gaganapin mamayang gabi pero ako ang inaasikaso mo." Pansin niya kasi na parang mas natutuwa pa ito ayusan at asikasuhin siya kaysa sa sarili. "Masaya ako, kaya pagbigyan moa ko!" kinindatan siya nito. "Ilang taon ka na ba Kristel? Alam kong mas bata ka sa akin," tumawa ito. "Ilang taon ka na ba? 23 ako. Sa susunod na buwan pa ako mag 24." "I'm 26, mas matanda lang ng 2 years sa akin si Callum pero hindi ko siya tinatawag na kuya. Tropa kasi ang tingin ko roon kaysa pinsan." "So ate pala kita..." "Oops! Don't call me ate! Never! Feeling ko tumatanda ako lalo," sambit nito habang inaabot sa kaniya ang mga skincare. Ginaya niya ang ginagaw nito. Nakaharap na kasi sila sa vanity mirror nito. "Pero akala ko talaga kasing edad lang kita, mukha ka talagang nasa early 20's, kung hindi mo lang sinabi na ikakasal ka, iisipin ko estudyante ka pa," pagsasabi niya ng totoo. Mukha kasi talaga itong mas bata pa, matangkad at slim ang katawan. "Huy! Pinapakilig mo ako!" Natawa siya dahil sa reaksyon nito. Nagkwentuhan lang sila habang nag-aayos ng sarili. 7pm ang start ng bridal shower nito sa hotel kaya mahaba ang oras nila sa pag-aayos. Nag-ayos muna ng sarili si Arianna bago siya nito ayusan. Natapos sila ng saktong ala-sais ng gabi. Tumingin siya sa malaking salamin at napaawang ang kaniyang labi dahil mukha siyang mayaman sa ayos niya. "The dress suits you well. Dapat hindi mo tinatago ang maputi at makinis mong balat," sambit nito sa kaniya. Nginitian niya lang ito bilang tugon. "Let me take you a picture first before we go," ani nito sa kaniya. Sinunod niya na lang ang gusto nito na picture-an siya. Nahihiya pa nga siya mag-pose pero magaling magturo si Arianna kaya maganda ang kinalabasan ng picture. "My god! You're so sexy. May ilalaban na ako kay Callum!" tumawa ito kaya napailing siya. Hindi niya alam kung paano niya ipanlalaban iyon kay Callum. Gagamitin daw kasi nito ang picture niya para makuha ang ticket at gusto nito. Umalis na sila sa condo. Hindi nag-drive si Arianna, may driver siyang sumundo sa kanila dahil panigurado raw ay malalasing ito mamaya at hindi makakapag-drive. Dumating sila sa hotel ng 7:10 pm, nandoon na ang mga kaibigan nito ng makapasok sila. "Hi girls!" bati ni Arianna sa limang kaibigan. "Hello! Siya ba 'yong sinasabi mong nagpatino kay Callum?" natatawang tanong ng isa habang nakatingin sa kaniya. "Uh-huh!" "Woah, Woah. Callum will surely get mad if he knows about this," singit naman ng isa. Hindi niya maintindihan ang mga ito pero ngumingiti na lang siya bilang tugon. Tama nga si Arianna dahil totoong mababait ang mga kaibigan nito. Down to earth din ang iilan at talaga sinisigurado ng mga ito na hindi siya maa-out of place. Pagkatapos nila kumain ay saktong may nag-doorbell sa room nila. Tumayo ang isa para magbukas at ang isa naman ay inabutan na sila ng mga alak. She can't say no to them, nakakaramdam na siya ng saya kaya mag-eenjoy na siya ng tuluyan. "Girls! Meet our dancers for tonight," sigaw ng isa at pumasok doon at tatlong lalaki na tanging boxer lang ang suot. Agad siyang napaiwas doon ng tingin at napatingin kay Arianna na tuwang tuwa lalo na ang mga kaibigan nitong single.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD