Bumalik siya ng Manila at dumeretso siya sa Agency para mag-resign. Nagulat pa nga siya dahil hindi man lang nagtanong ang nagha-handle sa kanila kung bakit siya mag-re-resign bagkus ay sinabi pa nito na nakaayos na ang papers niya. Pati ang makukuha niyang pera kung sakali mang umalis siya roon.
Napangiti siya ng mapait dahil talagang binitawan na siya ni Callum. Hindi na rin ito nagparamdam sa kaniya. Iyon naman ang gusto niya, mas okay 'yon, para sa ikabubuti ng puso niya.
May isang linggo pa siya bago tuluyan mapaalis sa D.I.A dormitory. Sa isang linggo ay kailangan niya na makahanap ng panibagong trabaho at matutuluyan. Masakit man sa puso niya na aalis siya sa D.I.A pero kailangan niya rin dahil sa ginawa niya. There are no rules regarding to boss and maid relationship, but for her the whole thing was wrong.
Lumabas siya dala-dala ang kaniyang resume para maghanap ng trabaho. Susulitin niya ang buong araw para lang makahanap. Nagpasa na rin siya sa fast-food chain ng kaniyang resume, pero ang pinaka-target niya talaga ay pagiging kasambahay pa rin dahil ito lang ang paraan para may libre siyang matutulugan.
"Excuse me?" napatigil siya sa paglalakad nang may lumapit sa kaniyang isang babae. Maayos ang suot nito, naka-formal attire.
"Bakit po?" tanong niya rito. Nasa tapat sila ng isang coffee shop sa labas mall kung saan siya napadpad kakalakad.
"Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong nito habang nakangiti ng malawak sa kaniya. "I'm Dolores Uy, the owner of this mall."
"Po?!" Halos mapasigaw siya sa gulat dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit siya nito nilapitan. Tumawa ito sa kaniya dahil sa naging reaksyon niya.
"Can we talk inside the coffee shop? If you are interested to have a job, but if no it's also fine with me," paliwanag pa nito. Nagningning naman ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ay hulog ito ng langit. Mukha namang hindi siya nito ii-scam-in dahil mukha namang hindi ito gano'n.
"S-sige po," sambit niya at nautal pa dahil sa kaba at excitement. Trabaho na lang ata ang nagpapasaya sa kaniya.
Pumasok sila sa coffee shop at um-order ito ng pagkain at inumin. Nagulat pa siya dahil marami itong in-order. Sakto rin dahil wala pa siyang kain ng tanghalian dahil sa busy siya maghanap ng trabaho.
Napalunok siya habang nakatingin sa pagkain nang kumalam ang tiyan niya.
"Let's eat while we talk. Gutom na rin kasi ako," sambit nito at sinenyasan siya na kumain.
"Maraming salamat po," nahihiyang ani niya rito. Nag-umpisa siyang kumain, napatingin pa siya sa kaharap niya dahil hindi paunti-unti lang itong sumusubo ng pasta, mukhang hindi naman ito gutom.
"You know? Hindi ka dapat nagpapalipas ng kain, mahirap magkasakit ngayon." Napatingin siya rito ng may halong pagtataka.
"Paano niyo po nalaman na hindi pa ako kumakain? H-halata po ba?" bigla siyang nahiya sa babae. Pinunasan niya ng tissue ang kaniyang bibig.
"Oh, what I mean is you look pale? Oh, yes. That's why I thought you skipped your lunch?" she laughed awkwardly. Napatingin siya sa may salamin banda sa kanila, nakita niya nga ang reflection niya. Mukhang pagod na pagod ang mukha niya.
"Ah, opo, kailangan ko po kasi ng trabaho talaga at nakalimutan ko ng kumain," pagsasabi niya ng totoo.
"Well, I have a business partner, siya ang may-ari ng lupa na kasalukuyan na tinatayuan ng mall pati na rin ng nakapalibot dito. He needs a personal assistant. Lagi kasi siyang umaalis para tumingin tingin ng property. He's also a friend of mine so i'm helping him to find a suitable assistant." Tumango-tango naman siya rito. Nilabas niya ang resume niya at inabot dito.
"May experience po ako bilang kasambahay. Kaya ko po maging personal assistant, masipag din po ako kaya kahit anong ipagawa magagawa ko," sambit niya rito. Inabot nito ang resume niya at tiningnan tingnan.
"I know." Napatikhim ito agad. "I mean I know that you are hardworking person. Your hired!" Ngumiti ito sa kaniya at pumalakpak pa ng mahina. Siya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin pa rin dito. Parang masiyadong mabilis ang lahat para sa kaniya dahil nakasalubong niya lang naman ito sa daan at biglang hired na siya.
"H-hindi naman po ito scam 'no?" marahan na tanong niya na ikinatawa ng babae.
"Of course not! I know this is too fast, but he'll go crazy if this goes slow. Don't mind what I said. The salary is 50 thousand pesos a month." Sinundan niya ng tingin ang kamay nito nang may ilabas na kontrata.
Tinanggap niya iyon at doon lang nag-process sa utak niya nang mabasa niya mismo sa kontrata ang 50 thousand pesos salary.
"T-totoo po ba talaga ito?" bulalas niya. Trumiple ang sahod niya sa D.I.A, malaking tulong ito para sa kaniya.
"Yes. There's a seal, so hindi 'to scam. If you sign this contract and be his personal assistant, you will gain a lot of benefits. Katulad na lang ng health insurance, free lang ang pagpapa-check up mo and needs mo if nagkaroon ng emergency. Sakop din noon ang magulang mo with worth 10 million pesos in a year." Doon nalaglag ang panga niya. Ito na ata talaga ang sagot sa problema niya. Binigyan na ata siya ng diyos ng tulong sa lahat ng mga pino-problema niya. Ang D.I.A ay may ganito ring benefits pero umaabot lang sa 100 thousand pesos ang limit nila sa isang taon.
Halos maiyak-iyak siya sa harapan ng babae, iyon ang pinakaimportante sa kaniya kaya hindi na siya nagdalawang isip pa at pinirmahan na ang kontrata.
"Goodluck to your job. May susundo sa'yo bukas, dalhin mo ang mga gamit mo dahil sa bahay ka na ng bago mong amo titira." Kinamayan siya nito na buong puso niyang tinanggap.
"Your address is on the resume, right? Kuhain ko na 'to," ani nito at winagayway ang resume niya. Tumango siya rito at ngumiti.
"Maraming salamat po talaga, hulog ka ng langit ma'am," sinserong sambit niya. Ngumiwi ito pero ngumiti rin.
"Am I?" tumawa pa ito at tumango-tango. "Anyways, I just did my part. Thank you. Kailangan ko na rin mauna dahil may mga gagawin pa ako. You can continue eating your food, bayad na lahat 'yan at pwede mo ring i-take out ang iba dahil naparami talaga ang order ko."
Muli siyang nagpasalamat dito at nagpaalam na ng umalis ito sa coffee shop. Pinagpatuloy niya ang pagkain at nang mabusog na ay pina-take out niya ang iba dahil marami talaga ang nai-order. Umuwi siya ng magaan ang puso. Sa araw na 'yon ay parang lumiwanag ang mundo niya, para bang nawala ang bigat sa balikat niya. Nagkaroon siya ng pag-asa na makakayanan niya talaga ang lahat.
Bago siya natulog ay muli siyang nagpasalamat sa diyos sa lahat ng blessings na natanggap niya. Nakatulog siya agad sa gabing iyon kaya nabawi ang pagod niya.
Kinabukasan ay may sumundo nga sa kaniyang itim na sasakyan. Tinulungan siya ng driver ilagay lahat ng gamit niya sa compartment at nang makasakay na doon siya nagtanong sa lalaki.
"Mabait po ba ang boss natin kuya?" tanong niya rito. Nagpakilala kasi ito kanina na personal driver ng amo nila.
"Mabait naman po, depende po sa mood ni sir," sagot nito sa kaniya.
"Eh, nitong mga nakaraang araw po good mood po ba siya? Medyo kinakabahan po kasi ako kung paano siya haharapin." Totoong kinakabahan siya dahil baka makagawa ng isang pagkakamali ay magalit na agad ito sa kaniya lalo na pag bad mood ang isang tao, hindi naman maiiwasan iyon.
"Ay nako ma'am... hindi po. Lagi po mainit ulo ni sir simula nong umuwi siya sa bahay niya."
"Ah, galing po siya sa ibang bansa?"
"Hindi po ma'am, marami kasing bahay 'yon si sir pero umuwi na siya mismo sa totoong bahay niya. Company driver kasi ako ma'am at bago lang ako naging personal driver niya dahil matagal na ako sa kompanya niya." Napatango naman siya rito.
"Ay kuya 'wag niyo na ako i-ma'am, pareho lang naman tayong nagtatrabaho sa amo natin," sambit niya rito at natawa dahil napansin niya na sobrang galang nito sa kaniya.
"H-hindi po pwede ma'am, mayayari ako," ani nito at napahawak sa batok pero mabilis din binalik sa manubela ng sasakyan.
"Bakit naman? Hindi 'yon! Hindi naman ako ang amo mo," pagbibiro niya rito. Napahikab siya dahil medyo inaantok pa siya. Kahit naka 8 hours ang tulog niya ay pakiramdam niya pagod na pagod pa rin siya.
"Kuya malayo layo pa ba tayo? Pwede kayang matulog muna ako?" marahan na tanong niya rito.
"No problem ma'am! Tulog lang po kayo riyan. Huwag po kayo mag-alala dahil makakarating po tayo ng safe," sumaludo ito sa kaniya kaya natawa siya.
"Maraming salamat po!" Sumandal siya sa kinauupuan niya at ipinikit ang mata. Mabilis siyang dinalaw ng antok dahil sa pagod niyang katawan.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaidlip pero nagising na lang siya bigla. Agad siyang napabangon sa kinahihigaan nang mapagtanto na nasa kwarto siya. Madilim ang paligid dahil nakasarado ang kurtina ng kwarto. Sigurado siyang kwarto ito dahil napakalambot ng kama na hinihigaan niya.
Napahawak siya sa ulo dahil napakalalim ng tulog niya. Paano kung ilang beses siya ginising ng kuya driver at dahil hindi siya magising ay binuhat pa siya.
Napapikit siya nang biglang bumukas ang pintuan, nasilaw siya sa liwanag sa labas dahil sobrang dilim ng kwarto. Unti-unti niyang binuksan ang mata nang makapag-adjust sa liwanag.
"You awake? You should rest more."
Nanlamig ang katawan niya at naestatwa sa kinauupuan niya. Hindi siya pwedeng magkamali, kilalang kilala niya ang boses na 'yon. Boses pa lang ay ginugulo na nito agad ang buo niyang Sistema, boses pa lang ay nagpapawala na ng puso niya. Boses pa lang ay nabigyan kirot na naman ang dibdib niya.
Natulala siya rito nang mabuksan na ng tuluyan ang ilaw sa kwarto. Doon niya lang napagtanto na nasa bahay talaga siya nito. Ito ang kwarto kung saan nagsimula ang lahat...
"C-callum?" Napalunok siya ng makalapit ito lalo sa kaniya.
"Yes, baby? Do you need something?" malambing na tanong nito kasabay na pagpalupot ng kamay nito sa bewang niya. He hugged her tighter and sniffed her neck.
"I miss you so damn much."