Nagising siya ng maaga para mag handa ng makakain. Sinadiya niya talaga na maaga dahil para makaalis siya at makapaghanap ng trabaho. Pagkauwi niya kasi sa manila ay aasikasuhin niya na 'yon, sana lang wala siyang maging penalty dahil sa pag-resign niya sa kalagitnaan ng kontrata. Wala kasing specific penalty roon sa kontrata, nakalagay na depende iyon sa amo.
"Ate, may bisita ka!" sigaw ni Krista. Nasa kwarto siya at nagbibihis ng pang-alis dahil kakatapos niya lang maligo.
"Sino si Rico ba?" tanong niya pero hindi ito sumagot kaya muli siyang sumigaw. "Papasukin mo!"
Nagmamadali siyang magbihis at mag-ayos. Sayang ang oras kung tatambay lang siya sa bahay. Kampante naman siya dahil sabado ngayon at walang pasok ang mga kapatid niya.
Pagkalabas niya ng kwarto ay muntikan niya mabitawan ang bag niya dahil sa taong nasa loob ng munti nilang bahay.
"Ate! Boss mo pala siya? Ang pogi!" bulong sa kaniya ni Mara. Hindi siya makaimik dahil hindi niya alam kung ano ang ire-react. Magkaaway sila noong isang araw, umuwi siya mag-isa at nilakad niya hanggang sa may saktong dumaan na multicab na nagde-deliver ng buko. Mabuti na lang ay mabait ang driver at nakasabay siya.
"Anak, paupoin mo ang boss mo," singit ng kaniyang ina na nakaupo, kakatapos lang nito kumain.
"Hindi na po ma, a-aalis kasi ako, k-kasama siya," pagsisinungaling niya. Hindi na siya nagsalita pa at lumakad papunta sa binata. Hinawakan niya ito sa siko at hinatak palabas.
"Alis na kami ma!" sigaw niya ulit.
Nang tuluyan makalabas ng bahay ay agad niya itong binitawan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Ayaw niya na harapin ito dahil nahihiya siya sa mga sinabi niya at balak niya gawin.
"Visiting my maid?" napairap siya rito at tiyaka tinalikuran. Wala siyang oras makipaglaro rito dahil marami pa siyang gagawin.
"Where are we going? You said to your mom that you're going somewhere with me." Bumuga siya ng hangin dahil sumusunod ito sa kaniya.
"Nagsinungaling ako. Kung ano man ang kailangan mo sa akin, wala kang makukuha! Hindi na ako ang maid mo." Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang makakita ng jeep ay pumara na siya. Sumakay siya roon at nang makaupo ay napahawak na lang siya sa noo niya at napayuko.
"Ano ba?" bulong niya rito nang sumakay rin ito at tumabi sa kaniya.
"How much is the fare?" bulong nito na parang hindi sila nag-away. Gusto niya itong sungitan pero hindi naman private ang sinasakyan nila kaya hindi na lang niya ito pinansin.
"You really don't want to talk to me? Fine. I'll just follow you wherever you are," sambit nito. Napatingin siya rito nang naglabas ng wallet at bumunot ng limang daan. Iaabot na niya sana ito nang tinapik niya ang kamay nito at siya na ang nag labas ng bente pesos para ibayad.
"Sa mall lang po," sambit niya.
"You pay for me so accept this one thousand pesos," abot nito sa kaniya. Hindi niya na pinansin ito at pinausog na lang nang may sumakay pa.
"Okay rin pala ang sumakay ng jeep?" hindi niya ito nilingon dahil siksik na siksik na siya rito. Nakahawak na nga ito sa bewang niya, hindi niya lang matanggal dahil maraming tao.
"Manahimik ka," saway niya rito.
"Para maging ganito tayo ka-close. I badly want to hug you, baby. You smell so good," bulong nito sa tainga niya. Kinagat niya ang ibabang labi at pilit na nilayo ang ulo rito.
Nang makarating sila sa mall ay agad siyang bumaba at mabilis na naglakad. Hindi niya alam kung bakit ito sunod ng sunod at ano ang kailangan nito. Paano niya i-e-explain sa mama at mga kapatid niya na nag-resign na siya kung ang kilala na ng mga ito si Callum bilang amo niya.
"Wait for me, baby," he shouted. Gusto niyang maglaho ng parang bula nang tumingin ang mga tao banda sa kanila. Napapitlag siya nang hawakan siya nito sa kamay, saktong pag-angat ng ulo niya ay nagkasalubong sila ng tingin.
"Don't leave me," he said in a lower tone. Parang may pumiga naman sa puso niya dahil sa expression nito. Hindi niya alam kung tama ba siya ng nakita pero may bahid ng lungkot sa mga mata nito.
Humawak ito ng mahigpit sa kamay niya.
"Callum," tawag niya rito. "Ano ba talaga ang gusto mo?" mahinahong tanong niya rito.
"I'm sorry. I'm sorry for what I did, even if I don't know the reason behind your anger toward me," he sincerely said.
Napaiwas siya ng tingin dito. Hindi niya na alam, hindi na siya sigurado kung totoo bai to sa kaniya o ginagawa lang nito ang lahat dahil siya ang gusto paglaruan ng binata.
"Sorry rin pero ako na ang nagmamakaawa, tigilan mo na ako." Winaksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. "Pagod talaga ako, marami akong problema kaya parang awa mo na, 'wag na ako. Please? Kung kailangan lumuhod ako ngayon ay gagawin ko para lang lubayan mo na ako. I-report mo ako sa agency, wala na akong pakialam. Maghahanap ako ng trabaho ngayon dahil kailangan ko ng pera, hindi ako mayaman katulad mo na araw-araw ay milyon ang dinadagdag sa bank account. Mahirap lang ako at problemado pa, wala akong time sa ganito."
Huminga siya ng malalim at napayuko. Simula ng madagdagan ang problema niya ay na-realize niya lalo na wala talaga siyang panahon sa lovelife. Wala siyang panahon para makipaglandian at masaktan. Wala siyang oras para magmukmok pag nasaktan. Pagod na siya sa lahat ng bahay at ayaw niya pang abusuhin ang puso niyang pagod na rin kakatrabaho at kakaalala sa pamilya niya.
Lahat na-realize niya na hindi siya kailanman magkakaroon ng kasiyahan para sa sarili. Ang kasiyahan at pokus niya ay para sa pamilya niya.
Hindi ito nagsalita kaya tumalikod na siya at umalis na. Bumigat na naman ang pakiramdam niya pero kahit gano'n ay pinilit niya maghanap ng trabaho. Buong araw niya ginawa iyon pero nahirapan siya dahil kaunti lang ang mga hiring at mas maliliit pa ang sahod.
Nang hapon ay tumawag sa kaniya si Rico kaya napauwi siya. Dali-dali siyang bumaba sa tricycle at pumasok sa bahay nila. Nang makapasok ay humigpit ang hawak niya sa bag na dala.
"A-ate," tawag sa kaniya ni Maymay. Nakahawak ito sa may kalakihang tiyan habang nakatingin sa kaniya na lumuluha.
"Umuwi ka rin," bulalas niya rito.
"A-ate... sorry po... sa lahat," iyak nito at niyakap siya. Napapikit siya ng mariin dahil nagiging marupok agad siya sa kapatid niya. Gusto niya itong pagalitan pero hindi niya magawa.
"S-saan ka tumira?" tanong niya rito. Umalis ito ng pagkakayakap at hinarap siya.
"S-sa ex b-boyfriend ko po pero —"
"Ex-boyfriend?" naguguluhan niyang tanong.
"Naghiwalay na po kami ate. K-kasal po pala siya ate, h-hindi ko alam," muli itong napaiyak at kita niya ang nanginginig na kamay nito. Halos manlumo siya sa narinig.
"Limang taon po ang agwat naming ate at kasal na po pala siya, last year lang. Isang buwan pagkatapos niya ikasal ay naging kami. W-wala akong ideya ate, ang tanga ko 'di ba? Nagpabuntis ako sa may asawa at ngayon pinahirap ko lalo ang buhay mo," hagulgol nito. Pati siya ay naiyak dahil sa nalaman na sitwasyon nito.
"Anak... anak ko," sambit ng ina at niyakap ito ng mahigpit. Napapikit siya saglit dahil nakaramdam ng hilo, Parang umiikot ang paligid niya dahil dumagdag ang mga problema sa isipan niya.
"Ipapalaglag ko po ang bata..." Awtomatikong umiling siya rito.
"Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin, Maymay. Walang kasalanan ang anak mo." Napasuklay siya sa buhok habang humihinga ng malalim, pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil nanginginig na siya.
"Pero wala akong maibibigay sa kaniyang magandang buhay. Wala akong maipapakain sa kaniya —"
"Ako ang bahala. Ako ang gagawa ng paraan! Ang dapat mo lang gawin ay ipagpatuloy 'yang pag-aaral mo at alagaan mo ang sarili mo."
"Ate... Lahat na lang sinasabi mong ikaw ang bahala, marami ka ng problema —"
"Kaya ko... Kakayanin ni ate. Lahat gagawin ko para sa inyo kaya please lang! Gawin niyo ang sinasabi ko, alagaan niyo rin si mama habang nasa trabaho ako." Hinawakan niya ang magkabilaang braso nito at tiningnan sa mga mata.
"Ipangako mo sa akin na gagawin mo ang gusto ko." Umiyak ito at tumango. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinagod ang likod nito.
Oo, pagod na siya, pero lahat ay gagawin niya at kakayanin para lang sa pamilya niya. Kahit anong sakripisyo ay gagawin niya.