Kinabukasan ay nakauwi na sila sa bahay. Nagpasalamat siya kay Rico dahil ito pa rin ang sumundo sa kanila at naghatid.
"Maraming salamat sa tulong mo ah, naabala ka pa namin," ani niya rito. Nasa labas sila ng bahay at kinakausap niya ito.
"Ano ka ba! Parang hindi naman tayo magkaibigan. Tiyaka normal lang naman na tumulong ako sa inyo" Ngumiti ito sa kaniya at hinwakan ang balikat niya. "Kalma lang ha? 'Wag mag-isip ng kung ano-ano. Siya nga pala... tungkol kay Maymay, umalis siya 'di ba?" sambit nito nang maibaba ang kamay. Kumunot ang noo niya dahil bigla siyang nakaramdam ng pag-asa na baka alam nito kung nasaan ang kapatid.
"Alam mo ba kung nasaan siya?" mabilis niyang tanong.
"Kahapon ng gabi nakita ko siya. Noong nag-deliver ako ng mga tubig banda roon sa kabilang barranggay. Hindi ko lang sigurado kung doon ba siya nanunuluyan, hindi ko kasi nasundan dahil kasama ko ang tiyo ko at marami kaming deliver, pasensiya na." Umiling siya rito at ngumiti ng tipid.
"Okay lang, salamat dahil sinabi mo sa akin. Sa tingin mo okay ba siya? Maayos naman ba ang itsura niya?" sunod sunod na tanong niya dahil talagang nag-aalala siya sa kapatid. May ginawa man itong hindi magandang bagay sa kanila ay nag-aalala pa rin siya rito lalo na sa kalagayan nito.
"Mukhang okay naman siya, maayos naman ang suot niya at walang galos. May hawak din siyang pagkain nang makita ko siya." Napabuntong hininga siya at napatango. Gusto niyang makausap ang kapatid bago siya umuwi sa manila. Gusto niyang maayos ang lahat at intindihin ito kung bakit nito ginawa. Matatanggap niya naman kung buntis ito dahil naroon na 'yon, ang hindi niya lang matanggap bakit kailangan pa kunin ang pera na pang-dialysis ng ina. Kung kailangan talaga ng pera ay gagawan niya ng paraan para lang mabigyan ito.
Natigilan siya ng bigla siyang yakapin ni Rico at tinapik tapik ang kaniyang likod.
"Sabi ko 'wag ka na mag-isip masiyado. Ang importante ay kahit papaano ay umayos-ayos ang lagay ng mama mo. Para mabawasan ang gagawin at aalalahanin moa ko ang maghahanap sa kapatid mo. Pipilitin ko siyang muling umuwi para kausapin kayo." Humiwalay ito sa pagyakap at hinawakan ang ulo niya. "Kaya mo 'to, kakayanin mo, nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong."
Parang hinaplos nito ang kaniyang puso. Si Rico ay nakilala niya noong highschool siya, kapitbahay nila ito at ang pamilya nito ay may water station kung saan sila lagi bumibili ng tubig. Naging kaklase niya ito kaya naging close niya, mabait at mapagkumbaba ito kaya kumportable siya sa lalaki.
"Maraming salamat, babawi talaga ako sa'yo—" naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang hinatak ni Rico pagilid. Napahawak ito sa bewang niya dahil sa bilis ng pangyayari. Nanlalaki ang mata niya dahil sa kaba nang mapatingin sa isang itim na sasakyan na mabilis na umandar at huminto rin sa tapat nila.
"Giatay, muntikan na tayo roon ah!" inis na sambit ni Rico habang nakatingin na rin sa itim na kotse. Magsasalita pa lang sana siya nang bumaba na roon ang may-ari ng kotse. Halos malaglag ang panga niya nang makita si Callum na nakatingin sa kaniya ng blanko.
"Hoy! Muntikan mo na kami mabangga ah!" sigaw ni Rico. Pinigilan niya agad ito nang hindi umimik si Callum, hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya, nakita niya pa ang pagbaba ng tingin nito sa bewang niya. Umigting ang panga nito kaya napayuko siya para tingnan ang tinitingnan ng binata. Agad niyang inalis ang kamay ni Rico na nasa bewang niya pa rin. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa dahil sa tingin pa lang ng binata, pakiramdam niya ay maling mali iyon kahit wala namang malisya.
"Aba'y pucha! Titingin ka na lang ba—"
"Not answering my messages and calls? You're testing my patience, Kristel." Abot ang kaba niya nang magsalita na ito pero hindi niya pinahalata.
"Kilala mo 'to, Kristel?" baling sa kaniya ni Rico. Tumango naman siya at napayuko.
"Amo ko siya, sa kaniya ako nagtatrabaho," halos pabulong na sambit niya.
"We need to talk. Get in." Hindi man lang siya nito hinantay sumagot at basta na lang pumasok sa sasakyan. She sighed before she looked at Rico who is confused right now.
"Babalik din ako, pag nag tanong ang mga kapatid ko pakisabi na lang na may importante akong pinuntahan," paliwanag niya kay Rico. Hindi na siya nag-antay pa na magsalita ito dahil bumusina na ng sunod-sunod si Callum. Mabilis siyang pumasok sa sasakyan nito at halos magsalubong na ang kilay nito dahil sa pagkakunot.
"You're too slow." May himig nainis ang tono ng boses nito kaya binalingan niya ito ng tingin.
"Bakit ka po nandito? Babalik din naman po ako sir, wala na akong magiging day-off sa mga susunod na araw bilang pag-alis ko ng biglaan sa bahay," magalang na sambit niya. Inalis niya ang tingin dito at binaling ang tingin sa daan. Wala siyang ideya kung saan sila papunta.
"Iyan ang sasabihin mo sa akin? Do you know what I did to find you? I pull all my connections just to find you!" galit na sambit nito. Napahawak siya ng mahigpit sa pinto dahil bumilis ang takbo ng sasakyan. Ramdam na ramdam niya na talaga ang inis at galit nito.
"Then when I found you, you're f*****g hugging that son of a b***h!" Napapikit siya nang bigla silang huminto. Sobrang kinabahan siya dahil s amabilis na pag-drive nito.
"A-ano bang problema mo sir!"
"Stop calling me 'sir.'"
"Eh bakit?! Totoo naman na 'sir' kita! Amo kita! Boss kita!" sigaw niya pabalik dito. Kung galit ito ay magagalit din siya dahil minura nito ang kaibigan niya na ang ginawa lang naman ay i-comfort at tulungan siya.
"Yes, I'm your boss. Your boss who eats you almost every day. Who made you scream every night—"
"Bastos!" Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-init ng kaniyang pisngi.
"Bastos? Me? I'm not a pervert, I have your permission don't you remember?" sambit nito sa kaniya. Kinuyom niya ang kamao niya nang umusbong ang damdamin niya. Gusto niya biglang umiyak dahil naalala niya na naman na ginagawa lang iyon ng binata dahil nagbigay siya ng permission. Wala silang label, walang sila at higit sa lahat tawag lang ng laman ang namamagitan sa kanila at pinatulan siya nito dahil nagbigay siya ng permission.
Ang bobo ko talaga. Tanga tanga ka Kristel!
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan pero hindi niya iyon magawa dahil ni-lock ni Callum.
"You'll not go anywhere—"
"Binabawi ko na 'yong permission na gawin mo ang lahat ng gusto mo sa akin... sa katawan ko. Una pa lang ay mali na talaga. Amo kita at hindi magbabago 'yon."
"How come it is wrong? We both want it," mariin na sambit nito. Nakita niya sa peripheral vision niya ang paghigpit ng hawak nito sa manubela.
"Tama naman, pareho natin iyon ginusto pero ayoko na. Wala akong time makipaglaro, masiyadong importante sa akin ang bawat minuto at oras para sa mga problema ko. Kaya kung ano man ang mayroon sa atin, gusto ko ng itigil iyon." Yumuko siya para itago ang kaniyang mukha, unti-unting nanunubig ang kaniyang mata dahil sa bigat ng nararamdaman niya.
Napakabigat sa dibdib, 'yong tipong parang ang hirap na huminga. Sinubukan niya ulit na buksan ang pinto pero hindi niya pa rin magawa.
"Laro? Do you think what we're doing is just a game? What? An adult game?" he laughed sarcastically.
"Kailangan ko ng umuwi, hahanapin na ako ng mga kapatid ko." Patuloy pa rin ang pagbukas niya sa pinto pero hindi man lang ito kumilos para buksan. Napabuntong hininga siya at binalingan na ito, natigilan pa siya saglit nang makita itong pilit na kinakalma ang sarili.
"Virginity ko ba ang kailangan mo para itigil na natin ang mayroon tayo? Kung makuha mo ba 'yon ay babalik na tayo sa simpleng amo at kasambahay? Siguro naman pag nakuha mo na pagsasawaan at pababayaan mo na ako 'di ba?" halos pabulong niyang sambit. Kung iyon talaga ang gusto nito at ang goal nito sa kaniya ay ibibigay niya na para matapos na ang lahat.
"What?"
"Gano'n naman ang ibang mga lalaki, once na natikman na nila at nakuha na nila ang habol nila ay aalis din at maghahanap ng iba." Nagsimula siyang magtanggal ng pang-itaas niya.
"What are you doing," he asked. Sinalubong niya ang tingin nito.
"f**k me, sir. Get my virginity," sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.
"Wear your clothes," he warned. Nagdilim lalo ang tingin nito sa kaniya.
"Kunin mo na."
"Shut up, Kristel."
"Kunin mo na sabi!"
"I said shut up! Why are you doing this! What's your problem? Bakit bigla ka na lang nagkaganiyan. Okay pa tayo pero pagdating mo rito ay hindi na! Why? Is that because of that guy?" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Huwag mong dinadamay si Rico dito."
"Rico, huh?" nanunuya na sambit nito. Muli niyang sinuot ang damit niya dahil mukhang ayaw talaga nito.
"Kung ayaw mo ay hindi ko na maibibigay sa'yo ang gusto mo. Pasensiya na sir pero marami pa akong pino-problema kaya kung gusto mo makipaglaro sa ibang babae na lang." Lumapit siya ng husto dito para abutin ang pindutan ng lock, hindi niya mabuksan kahit anong unlock niya roon sa side ng pintuan niya dahil pinindot nito ang lock para sa lahat ng pinto.
"Why do you think that your virginity is my goal?" Hinuli nito ang braso niya kaya halos sumubsob siya sa mukha nitong galit na galit.
"Alam kong mahilig ka makipaglaro sa mga babae. Alam ko ang uri mo, pero ang tanga ko dahil nagpadala ako sa sarili ko."
"Yes, I want you. Pero hindi mo ba naisip na kung ang virginity mo ang habol ko, bakit hindi ko na lang kinuha una pa lang? Why I f*****g waited for you to allow me when I can have it in my ways." Umiling siya at winaksi ang pagkakahawak nito sa kaniya. Ayaw niyang intindihin ang mga sinabi nito, ayaw niya magkaroon ng kaunting pag-asa na iba talaga ito sa kaniya kasi kahit totoo iyon, may fiancé pa rin ito.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Napalinga-linga siya nang makitang may kadiliman na. Halos panghinaan siya ng loob para makaalis doon nang makita niyang nasa tapat sila ng isang private resort. Alam niya iyon, halos 45 minutes ang layo sa bahay nila kung nakasasakyan pero kanina panigurado siyang sa bilis ng pagmamaneho ni Callum ay umabot lang ng kalahating oras.
Walang tricycle doon dahil mga mayayaman lang ang pumupunta roon at may mga kotse na dala dahil nga papasok. Bakit kasi hindi niya napansin kanina.
"You can't go back without a car." Napapikit siya nang marinig ang boses ng binata sa likuran niya.
"Lalakarin ko," matapang na sambit niya at nagsimulang maglakad.
"You'll walk just to get away from me?" hindi makapaniwalang sambit nito. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"I'll report you to the D.I.A. Once I do, they will fire you right away." Awtomatikong napatigil siya sa paglalakad.
Fired? Kaya niya bang mawalan ng trabaho? Hindi, dahil paniguradong pag nawalan siya ng trabaho iyon na rin ang tatapos ng buhay sa kaniyang ina at mga kapatid. Hindi niya ata alam kung saan pa hahanap ng trabaho na kasing ganda ng D.I.A.
Pero kung ito rin naman ang dahilan para maisalba ang sarili at puso ay siya na mismo ang magre-resign.
Kinuyom niya ang kamao niya at bago ipagpatuloy ang paghakbang ay muli siyang nagsalita.
"Kung gano'n, ako na ang magre-resign ng kusa." She's done. She's too tired. Bukas niya na lang iisipin kung saan siya maghahanap ng trabaho.