CHAPTER 10

1236 Words
Sinalubong niya ang kapatid niya na si Mara at Krista ng yakap. Pagkatapos niyang dumaan sa bahay nila ay dumeretso na siya sa hospital. Naabutan niya rin si Rico na nasa labas ng bahay kaya ito na rin ang naghatid sa kaniya papunta sa hospital gamit ang multicab. "Ate! Na-miss kita," iyak ni Krista sa kaniya. "Ate matagal ka ba rito?" tanong ni Mara nang maghiwalay sila ng yakap. "Hindi ko pa alam... pero hindi rin ako p-pwedeng magtagal dahil may trabaho ako," paliwanag niya sa mga ito. Pumasok sila sa kwarto kung nasaan ang mama nila. Sakto na nagising ito kaya niyakap niya ng mahigpit. "Ma..." Naluha siya dahil mukhang nanghihina talaga ito. Kaya ayaw niyang mag-skip ito ng dialysis dahil manghihina talaga ito. "Anak, bakit nandito ka? 'di ba may trabaho ka?" tanong nito at pilit na umupo. Inalalayan niya ito at in-adjust ang hinihigaan na kama. "Ma, alam mo na ba ang kalagayan ni Maymay?" deretsong tanong niya rito. Nakita niyang hindi na rin ito nagulat o nagtaka. Bumuntong hininga ito at yumuko. "Huwag mong sisihin ang kapatid mo dahil ako ang nagpasiya na ibigay sa kaniya ang pera. Ang hindi ko lang alam na makikipagtanan na pala siya sa boyfriend niya," pagtatanggol nito sa kaniyang kapatid. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina. "Ma naman, alam mo namang pinaghirapan ko iyong pera na 'yon para sa'yo 'di ba? Sana man lang sinabi niyo na kailangan niyo pa ng pera para sa kondisyon ni Maymay." "Ayaw ko ng sabihin, alam kong marami ka ng problema dahil sa akin at sa mga pangpaaral ng kapatid mo na dapat ako ang gumagawa. Okay lang naman ako anak eh." Napabuga siya ng hangin, alam niyang nag-aalala rin ito sa kaniya. Alam niya ang mga iniisip nito, katulad na lang na dapat ito ang gumagawa ng paraan para sa kanila. Pinipilit niyang hindi maramdaman ng ina na pabigat ito dahil hindi naman talaga. Hindi ito naging pabigat sa kaniya, hindi kailanman dahil marami na itong sinakripisyo sa kanila para alagaan at palakihin sila ng maayos. Niyakap niya ang ina ng mahigpit, talagang na-miss niya ito. "Anak, pwede bang umuwi na tayo? Paniguradong mahal na ang bill natin sa hospital na 'to. Itong kwarto ay nasa limang libo kada-araw. Wala na tayong pangbayad anak," nag-aalalang sambit nito at pilit na tumatayo pero pinigilan niya. "Huwag ka na mag-alala sa mga gastusin ma, ako na ang bahala. Kakausapin ko muna ang doctor kung pwede ka na ba ilabas dito. Mukha ka pa ring mahina," saway niya rito. Hindi niya muna iisipin ang magiging bill nila sa hospital, ang kailangan niya masigurado ang kaligtasan nito at kung nasa maayos na ba ang lagay nito. Wala siyang pakialam kung malubog siya sa utang o hatiin niya pa ang katawan para lang mag-sideline ng ibang trabaho kung kaya. Nagpaalam muna siya sa ina at mga kapatid na pupuntahan niya lang ang doctor para kausapin. Tumungo siya sa nurse desk at tinanong kung nasaan ang doctor, sinamahan naman siya ng isa papunta sa office. Pumasok siya sa office ng doctor, binati niya ito nang makita. "Doc, ano po ang lagay ng mama ko?" deretsong tanong niya nang makaupo sa upuan na nasa harapan ng doctor. "I'll be straight forward, she skiped her scheduled dialysis three times. Napakadelikado ng ginawa niya kaya nanghina ang katawan niya." "Ano po ang dapat gawin doc? May iba pa po bang paraan para gumaling ang kidney niya?" tanong niya rito. "Kidney transplant. Mas mabuti ang transplant kaysa sa lifetime dialysis. Chronic kidney disease can be treated with a kidney transplant to improve your health and lengthen your life. Ang magiging mahirap lang para sa inyo ay ang gastusin." Pinagsiklop niya ang kamay at huminga ng malalim. "Mga m-magkano po kaya ang transplant?" lakas loob na tanong niya. "Approximately 5 million to 6 million." Halos bumagsak ang panga niya at manghina siya sa narinig. Ine-expect na niya na malaki talaga pero nang marinig niya pa na nanggaling sa doctor ay halos panghinaan siya ng loob. "Hintayin lang natin lumakas lakas ang mama mo, bukas ay makakauwi na siya. Paalala ko lang sa inyo na 'wag niyo kalimutan ang dialysis niya. But for me, transplant is a better choice, hija." Tanging tango na lang ang tugon niya sa doctor. Nagpasalamat na rin siya rito bago lumabas ng office. Habang naglalakad ay lutang ang utak niya, hindi niya alam kung saan kukuha ng gano'n kalaking pera. Minimum lang ang sahod niya bilang kasambahay at hindi siya makakaipon ng gano'n ng ilang araw. Napahinto siya sa paglalakad ng makita ang cellphone niyang nagri-ring, si Callum ang tumatawag. Sinagot niya agad iyon. "Hello?" "You're in Cebu? What happened? Sorry, I can't call you because —" "Okay lang po sir. Pasensiya na rin po dahil nakaalis na ako bago pa ako magpaalam." Pinutol niya na ito dahil hindi naman nito kailangan magpaliwanag. Isa lang siyang dahilang kasambahay nito at hindi nito kailangan sabihin kung bakit o ano ang dahilan kung bakit hindi agad naka-reply. "What's wrong?" nag-iba ang tono ng boses nito. "Do we have a problem? You're calling me 'sir' again," seryosong tanong nito na parang may bahid na pag-aalala. "Wala po sir. Tama lang naman na tinatawag kitang gano'n dahil ikaw ang amo ko." "Give me your address, and I'll go there. Malapit lang ako—" "Hindi na po kailangan—" "Stop cutting me, baby. I'm f*****g worried! Just send your address to me, right now," nagtitimpi ang boses nito at parang paos. "Sir... Amo kita, hindi mo naman obligado na puntahan pa ako," paliwanag niya pa rito. Pinipilit niyang 'wag iparinig na nanginginig ang boses niya. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak sa oras na 'yon. Nahihirapan na siya, dumagdag na ang problema niya dumagdag pa ang sakit sa puso niya nang maalala ang nakausap niyang babae gamit ang cellphone nito. Maling mali ang desisyon niya, naging marupok siya at bumigay sa boss niya. Dapat una pa lang ay naglagay na siya ng harang bilang isang kasambahay lang nito. Nakalimutan niya kung sino siya at ang papel niya sa bahay na ito, nakalimutan niya dahil nakaramdam siya ng saya sa piling nito. Walang wala ang estado niya sa buhay sa estado ni Callum. Gusto niya si Callum, inaamin niya iyon kaya bago pa mas lumalim at mas mahulog siya ay binabalaan niya na ang sarili niya. Sa laki ng problema niya ngayon at sa patong patong na iniisip wala siyang time sa kalandian na ito o sa pag-ibig. "Uuwi rin po ako sir, 'wag po kayo mag-alala, babawi ako sa mga susunod na araw. Hindi na po ako magd-day off bilang pasasalamat—" "I don't f*****g care about your day off or anything else! If you're not going to tell me, where are you right now? I'm going to find you in my own damn ways," matigas na sambit nito. Natulala na lang siya ng patayin nito ang tawag. Hinayaan niya na lang at hindi na ito tinext pa. Malabo naman na mahanap siya nito dahil kahit tingnan pa nito ang resume niya ang address na nakalagay sa tinitirhan niya ay ang address ng agency. She sighed. Ayaw niya muna isipin ang binata at ang nararamdaman niya. Gusto niya lang na mag-focus muna sa problema ng pamilya niya. She's both emotionally and physically tired. Ayaw kong sumuko pero parang gusto na ng katawan at isipan ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD