INILIBOT sila ni Tobby sa rancho at mataman lang siyang nakikinig sa dalawang nag-uusap. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero alam niyang siya ang topic ng dalawa. Kahit na kating-kati na ang dila niyang magsalita ay pinigilan niya ang sarile dahil kahit na ganito siya ay alam niya naman kung saan at kailan lulugar. “How’s your wife, by the way?” Bigla siyang napatingin kay Edward nang biglang maisingit ng lalaki ang asawa ni Edward. Huminto ito sa paglalakad gano’n rin si Tobby at iginiya ang tingin sa malawak na lupain. Ipinagsalamat ni Cassandra nang tumunog ang cellphone niya kaya nagkaroon siya ng dahilan upang dumistansya sa mga ito. “Kumusta kayo riyan?” tanong niya kay Rimalyn “Okay naman kami, ate. May nag-deliver ulit ng pagkain dito kaya tuwang-tuwa ‘yung mga bata. Kay