NANG makarating si Cassandra sa balkunahe ay nadatnan niya si Edward na nagbabasag ng mga bote. Hindi siya lumapit at minabuti niyang tanawin na lang ang binata. May isang case ng beer sa gilid at pinagsisipa iyon ng binata at winasiwas pa ang laman ng lamesa. Mabuti na lang at matibay iyon na kahit salamin ay hindi nabasag. “Hanep! Kahit galit na galit ang astig niya pa rin.” Wala sa sariling nasambit ni Cassandra. “Hindi ho ba kayo natatakot, madame?” “Ay, kabayo!” nagulantang siya ng may magsalita sa teynga niya. Sa lakas ng kaniyang boses ay nakuha nila ang atensyon ni Edward. “Buwesit ka kasi, eh!” pinagdilatan niya ng mata ang babae na agad kumaripas ng takbo nang lumapit si Edward sa kinaroroonan nila. “Ahem…pinapatawag mo raw ako?” malambing niyang sabi nang sila na lang d