SUNOD-SUNOD ang kamalasan ng dalaga nang umaambon at bago pa bumuhos ang ulan ay nakatakbo siya sa isang waiting shed malapit sa kinaroroonan niya. Umulan na nga nang malakas at kasabay no’n ay ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya. Si Edward ang tumatawag at iniisip niya pa kung sasagutin niya ba ito o hindi. Pero kalaunan ay sinagot niya na rin. “Where are you?” agad na bungad nito. “Nandito ako sa waiting shed. Hindi ko alam kung saan ito basta malayo ako sa ‘yo.” sagot niya. “Huwag kang umalis diyan ipapasundo kita sa tauhan ko.” “Saan mo ako dadalhin? Ayaw ko do’n sa mansyon mo, Edward!” sagot niya. “W-why? Pinaalis ko na yung maid.” Tugon nito. “Hindi naman ‘yong babaeng iyon ang problema. Kasi narinig ko kanina ang usapan ninyo at no’ng bisita mo. Kinakabahan ako