WALANG PAGTUTOL ang dalaga at agad na sumakay sa kotse ni Edward. Panaka-naka niyang tinitingnan sa rear mirror si Edward ngunit seryoso lamang itong nagmamaneho. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang malaking bag sa tabi nito. Parang bang lumayas ito sa bahay nila. Napabuntong hininga na lang si Cassandra at tinuon ang atensyon sa labas. Hindi niya alam kung saan sila patungo dahil labas na ito ng Maynila. Mabuti na lang talaga at nag-iwan siya ng pera kay Rimalyn dahil hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Siguro naman ay magagawan ng paraan ni Edward kung sakaling magutom ang mga kapatid niya. Katulad na lang no’ng nakaraan na may padeliver si Edward na mga pagkain. Naisip niya rin ang nobyong si Robert, sa oras na malaman nito ang kalokohan niya ay baka isumpa siya n