Maya’t-maya binababa ni Cassandra ang suot na uniporme na binigay sa kaniya ni Zenayda. Hindi nga kita ang dibdib niya dahil sa long sleeve pero ang palda naman ay halos kinulang sa tela at kaunting galaw lang niya ay masisilipan na siya. “Umayos ka naman Cass!” mariin na saad nito nang makita siyang hindi mapakali sa gelid. Umayos siya ng tayo at tinuon ang atensyon sa mga taong pumapasok at pinagmamasdan si Zenayda sa pagwelcome nito sa mga customer. Dahil training pa lang naman siya kaya nanatili lang siyang nanonood kay Zenayda. Kapag may mga grupong kalalakihan ang pumapasok ay yumuyuko siya hindi dahil nagbibigay siya ng galang kundi natatakot siya. “The king of casinos! Hi, dear.” Napaangat siya ng tingin sa malambing na tinig ng kaibigan niya at napamaang siya nang hinawakan n