NAGISING ang dalaga ng madaling araw ngunit wala na sa tabi niya si Edward. Hindi niya na namalayan ang pag-alis nito dala ng pagod kagabi. Inaantok pa rin siya nang bumangon ngunit dahil nakasanayan na niya ang ganitong gawain sa bukang liwayway ay kusang namumulat ang kaniyang talukap.
Hinawi niya ang maliit na pintuan at saka siya lumabas at dahil maliit lang itong barong-barong nila kaya tumambad agad sa kaniya ang kusina nilang tila binagyo. Hindi pa pala naayos ang lamesa nilang tinadyakan kanina ni Marites. Kumuha siya ng itak at pinagpuputol na lang ang paa ng lamesa at ginawa niyang panggatong sa kusina.
“Ate?”
Nawindang si Cassandra sa mahinang boses sa kaniyang likod at paglingon niya ay si Rimalyn na balot na balot ang buong katawan. Agad niyang binitiwan ang hawak na takuri at nilapitan ang kapatid.
“Bakit ngayon ka lang umuwi? Sabi mo—teyka, anong nangyari sa iyo?” tinanggal niya ang coat na nakapulopot kay Rimalyn pero hinigpitan ng dalagita ang pagkakahawak do’n.
“Ano ba?!” inis niyang winaksi ang coat nito at sa lakas niya ay halos matumba si Rimalyn mabuti na lang at nakahawak ito sa haligi sa gilid. Nawindang si Cassandra nang punit-punit ang damit ni Rimalyn at may mga galos ito sa braso maging ang kamay nito ay mga sugat.
“Anong nangyari sa iyo, Rimalyn! huwag na huwag kang magkakamaling magsinungaling sa akin!” nangigigil niyang turan kaya napayuko ang dalagita at hindi kayang salubungin ang galit ng mga mata ng nakakatandang kapatid.
“M-muntik ho akong magahasa sa labasan. Mabuti na lang po at may tumulong sa akin na lalaki kanina at pinagtanggol niya ako sa mga rapist sa labas. Sa kaniya poi tong coat ate, pinahiram niya sa akin.”
Biglang napahagolhol ng iyak si Rimalyn at agad niyang niyakap ang kapatid at mangiyak-ngiyak sa galit si Cassandra. Gusto niyang pagalitan ang kapatid kung bakit ngayon lang ito umuwi gayong batid nitong maraming halang ang kaluluwa sa baryo pero hindi pa rin nagtatanda ang kapatid. Gayunpaman ay minabuti niyang aluin na lang ito dahil baka makadagdag pa siya sa sama ng loob ng dalagita.
SUMIKAT ang araw at nagising na rin ang walo niyang kapatid. Si Rimalyn ay nagpahinga na at naghahanda rin siya dahil sasabay siya sa pagpasok ng mga kapatid.
“Ate, ulam pa ako?”
Natigil sa pag-nguya si Cassandra sa boses ng pang lima niyang kapatid. Ang sana’y isang pirasong prinitong itlog na ulam niya ay hinati niya na lang at binigay ang kalahati kay Pengpeng.
“Ate, ako din?” humihikbi naman si Didak nang mainggit sa ginawa niya. Binigay niya kay Didak ang natitirang ulam niya.
“Oh, wala na. Wala na akong ulam! Matutong makuntento kung anong lang ang mayroon!” agad niyang turan nang hihingi din sana ang ibang kapatid. Kumuha siya ng maliit na kahoy sa kusina at nilapag niya iyon sa lamesa kaya nang makita ng mga kapatid ay nagsitahimik ang mga ito at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay gumayak naman sila upang maligo sa poso sa karatig bahay. Ang apat niyang kapatid na maliliit pa ang siyang pinauna niyang paliguan habang ang apat ay kaniya-kaniyang sabon sa kanilang katawan.
“Ate, bakit tayo dito naligo. Wala bang tulo ang tubig kanina?” tanong sa kaniya ni Toding.
“Nakalimutan ko kaninang magsalok. Nagising ako pawala na ang tubig at ang nasalok ko ay para lang sa pang-saing natin.” Tugon niya.
“Bakit po nakalimutan ninyo ate? hindi n’yo naman po nakakalimutan d—“
“Huwag nang maraming tanong, tapusin n’yo na ang paliligo at baka malate kayo sa eksuwela!” turan niya sa galit na boses kaya nasitahimik ang mga ito. Paisa-isa nang umuwi ang iba niyang kapatid at naligo na rin siya.
Buhat niya ang bunsong kapatid habang ang dalawa ay nakahawak sa laylayan ng blusa niya at hawak din ng isang kapatid ang timba na naglalaman ng sabon nila.
“Kaloka ka naman Cass, para ka naman nanay sa hitsura mo!” tumawa pa si Zenayda na nakapostura na naman. Nadatnan niya ito sa bahay nila na parang direng-dire sa mahaba at kahoy nilang upuan.
“Maaga pa, baka malaspag ka niyan!” ganti niyang saad pero hindi napikon si Zenayda, sabagay sa tagal nito sa trabaho ay tila namanhid na ito sa panglalait.
“Maraming mga gamot na ini-inject pampabata. Tsaka, nagtatake ako ng gluta kaya always fresh ako kahit sampu pa silang pumila sa kuweba ko!” anas nito.
“Anong kuweba, ate?” inosenteng tanong ni Shine kaya sinamaan niya ng tingin si Zenayda. Maagap naman ang babae at nilabas nito ang mamahaling cellphone at inabot sa kapatid niya nang makabihis ito.
“Hoy babae, puwede magpreno-preno ka sa bunganga mo, menor at mga babae ang mga kapatid ko!” singhal niya kay Zenayda at pagak lang tumawa ito.
“Tologo bo? Sa araw-araw na dakdak ni Aling Marites tiyak na lahat ng puta ay narinig na mga kapatid mo. Huwag ako Cassandra, hindi na bago sa mga kapatid mo ang mga pangyayari.”
“Ano ba kasi ang sadiya mo reto?” inis niyang saad. Habang nagbibihis siya at nakikita niya ang ulo ni Zenayda dahil sa manipis lang na sako ang nakatabon dito sa maliit nilang banyo. Hindi nagsalita si Zenayda at sa halip ay pinatapos siya nitong makapagbihis. Pinatapos muna ni Cassandra na makapagsuklay ang mga kapatid hanggang sa nagpaalam na ito sa kaniya at lumabas na ng bakuran.
“Wena, hindi ka ba papasok?” baling ni Zenayda sa kapatid niyang sumunod kay Toding.
“Hindi na po ako makakapasok, ‘te. Nag-drop na po ako no’ng lunes pa.”
Umiyak na si Wena at tumakbo bigla papasok sa loob. Sinundan ng tingin ni Zenayda ang panglima niyang kapatid. Pagkatapos ay binalingan siya nito.
“Anyari?” taka nitong tanong.
Malalim siyang napabuntong hininga pagkatapos ay sinabi kay Zenayda ang dahilan niya.
“Magpa-practice teaching na si Rimalyn sa susunod na buwan kaya hindi na siya makakapagtrabaho katulad ng dati. Kaya kailangan kong pahintuin sa pag-aaral si Wena dahil hindi kakayanin sa gastos. Uniporme pa nga lang ni Rimalyn ay butas na ang bulsa ko. Paano pa kaya ang pamasahe nila at pangkain sa araw-araw?” nanlulumo niyang sabi.
“Akala ko ba nagtatrabaho sa Jollibee si Rimalyn? puwede naman ‘yon pagtapos niya magturo sa mga bata magtrabaho siya sa gabi? Nakaya nga niya sa apat na taon ngayoon pa ba siya susuko?” ani Zenayda. Napailing-iling si Cassandra at awa ang nararamdaman niya sa kapatid. Subrang payat na kasi nito na kaunting hangin lang ay ililipad na ito. Isa pa, baka mas lalong ma-stress si Rimalyn at hindi makapasa sa LET at iyon ang iniisip niya. Nasa ruruk na sila ng tagumpay at kaunting kembot na lang at magiging ganap na guro na ang kapatid niya at kapag nangyari iyon ay makakatulong na ito para sa pag-aaral ng iba pa nilang kapatid.
“Bakit hindi ka lumapit do’n sa sugar daddy mo? balita ko big time daw ‘yon!” halos pabulong na sambit ni Zenayda pero inirapan niya lang ito.
“Ayokong dumepende sa kaniya, Nayda. Ano ‘yon sa tuwing may kailangan ako bubukaka ako sa harap niya? hindi pu-puwedeng gano’n!” talak niya. Pumalatak naman si Zenayda at tsaka siya hinampas ng suklay.
“Kaya nga ako naparito, eh,” nakangiti nitong sabi at nameywang siya sa harap nito.
“Anong ibig mong sabihin?” kunot noo niyang tanong.
“May raket ko mamayang gabi. Sa isang sikat na casino kung saan ay mga bilyonaryo ang mga nagsusugal at limpak na limpak na pera ang mga taya nila.”