NAPAHAWAK ako sa aking dibdib nang makalayo ako sa lugar na iyon. Sa subrang pagmamadali ko ay hindi na ako nakapagpalit ng damit kaya halos hubaran na ako sa mga mata ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Nang may humintong taxi sa tapat ko ay agad kong binuksan ang pintoan at pumasok roon. “Tondo lang kuya,” saad ko sa driver at tinanong niya kung saan sa tondo kaya sinabi ko ang exact address at kahit na mahal ang pamasahe ay hindi ko na iyon naisip ang mahalaga ay makauwi pa ako ng buhay sa pamilya ko. “Puwede po ba ipasok ninyo ang sasakyan nahihirapan kasi akong maglakad.” Pakiusap ko sa lalaki. “Naku po, masyadong makipot riyan ma’am. Mahihira—“ “Dodoblehin ko ang bayad!” turan ko at walang salita ang lalaki at agad na bumuwelo para makapasok kami. Binilang ko na ang laman n