KINABUKASAN ay nagising si Cassandra at pagkapkap niya sa tabi niya ay wala si Edward. Pumasok siya sa banyo at nagsipilyo at saka siya bumaba ng hagdan. Naabutan niya si Edward na nagluluto sa kusina. Lumapit siya roon at umupo sa upuan paharap kay Edward. “Good morning.” Masigla nitong bati sa kaniya. “Good morning din. Anong makakain natin?” sinabayan niya ang good mood ni Edward. Hinain ni Edward ang niluluto neto at nakangiting nilapag sa lamesa. “Ang bango, mukhang masarap!” wika niya. Tumayo siya at nagtimpla ng kape. “Good morning, ineng.” pagbati sa kaniya ni lola Koring at binati niya rin ito pabalik. Naglagay ng dalawang pinggan si lola Koring kaya pinuna iyon ng dalaga. “Bakit ho ‘di na lang kayo magsabay kumain sa ‘min, lola?” tanong niya. “Nag-almusal na ako ine